KINABUKASAN, Tita Mira insisted na magbreakfast si Mavis kasama sila.
Kahapon kasi umalis lang siya na hindi nag-a-almusal. Habit na ata niya 'yon. Sa bahay kasi nila ay hindi siya nag-aalmusal dahil parating pagod ang mommy niya at hindi siya nakakapagluto ng ganoon kadalas para sa kanya.
It may sound stubborn and selfish pero tuwing almusal ay hindi kumakain si Mavis ng luto ng katulong nila. It's not that hindi magaling magluto ang mga katulong, it's just that she wants her mother to cook breakfast for her. Kahit tuwing breakfast lang. Pero wala, e. Mas mahal ata ng mommy niya ang business nila.
Her families rich, but they're also poor in some other important areas. She understood it very well.
That's why she felt awkward tuwing nakakasama niyang kumain ang mga Arvilla. They're also a busy family pero nagagawa nilang kumain ng sabay. Except when eating breakfast though, wala kasi si ate Connie. Exactly 10 AM kasi 'yon kung magising.
Ate Connie is a novelist at naishare niya kay Mavis na tuwing 10:00 PM-4:00 AM ang best time niya para mag-isip ng mga plots at mga ideas sa novels na ginagawa niya. That's why irregular ang sleeping hours niya.
"Thanks Tita," sabi ni Mavis habang nilalagyan ni Tita Mira ang plato niya ng kanin, bacon at dalawang cheesedog.
Napasulyap naman siya sa harap niya at napaismid dahil puro green ang nakikita niya sa pinggan ni Yohan, maliban siguro sa mayonaise. Hindi niya ma-imagine ang sarili na maging vegetarian. She hates veggies. Tanging kalabasa lang ang kinakain niyang gulay.
"Morning." Napalingon silang apat at nakita si ate Connie.
"Morning Cons," bati ni tito Aki. "Ba't ang aga mo nagising? Nakakapanibago."
"I finished my manuscript at 2:00 AM kanina kaya maaga akong natulog."
"You mean umaga ka nang natulog," Tito Aki corrected and gestured her to sit.
Lumapit naman si ate Connie kay Mavis at hinalikan ang noo nito. "Morning Cupcake." She giggled sa binigay na nickname sa kanya ni Ate Connie.
"Morning din, Ate," bati niya pabalik.
"And, well, morning to you too Pumpkins." Yohan just glared at her habang minimurder ata ang cucumber sa plato niya. "So, ano'ng milagro ang nangayari at mukhang tahimik kayong dalawa ngayon? Wala ka ng bully techniques baby brotha? Ubos na ba?" tanong ni Ate Connie at tiningnan ang dalawang teenagers.
Mavis smiled awkwardly. "Uhm, Ate—"
"She's not a kid anymore." Napatingin si Mavis kay Yohan nang sabihin niya iyon.
Aba, mukhang nagregister nga iyong sinabi ko sa kanya sa kitchen encounter namin kaninang madaling-araw. She tried hard not to smile in front of him. Buti naman at nag-sink in 'yon sa kanya.
"At isa pa, boring na. Hindi na siya umiiyak." Muntik ng maibato ni Mavis ang hawak na kutsara kay Yohan nang marinig ang idinagdag nitong sagot.
Sasabat pa sana siya siya nang mapansin niyang napatingin sina Tito Aki at Tita Mira sa kanya, tapos kay Yohan, at sa kanya ulit, then tumingin silang dalawa sa isa't-isa.
"Did something happen between you two?" unang nagtanong si Tita Mira.
Mavis bit her bacon. "Wala naman po," mabilis niyang sagot at pinagmasdan ang cheesedog sa pinggan niya.
"That's so unusual, Yohan. I'm sure na mayroong nangyari," sabi ni Tito Aki.
Mavis wants to argue na parang gusto yata nilang binubully siya ni Yohan, but she stayed silent and instead pinagtuunan ng pansin ang pagmurder sa cheesedog niya.
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Kiss | ✔
ChickLit#2 in ChickLit last Nov. 2016 __ Sinclaire University's nemesis has always been the St. Blue Academy. Unbeknownst to all, the student council president of Sinclaire, Mavis, is also the long time rival and target of bullies of the student council pre...