“HI honey!”Literal na naibuga ni Sir Will ang kapeng iniinom nang biglang lumantad sa office niya sa St. Blue ang fiancee nitong si Connie. “Honey, what are you doing here?”
“Visiting.” Nakasuot ito ng shades at malaking hat na animo’y pupunta sa beach. “Alam mo ba kung nasaan si Yohan?”
“Student Council room. I think ongoing pa rin ang meeting nila ngayon,” sabi niya habang pinupunasan ang bibig.
“Good. Gotta go honey.” She walked towards him at binigyan siya nito ng light kiss sa pisngi. She grimaced habang nakatingin ito sa kanya. “Did you smoke? Again?”
“Nope” Mabilis na sagot ni Sir Will at tiningnan siya ng matalim ni Connie. He surrendered a sigh. “Isang stick lang naman.”
“At ang isang stick na ‘yan ang papatay sa ‘yo balang araw. Aba! Ayokong magkaanak ng walang tatay.” Napangiti siya sa sinabi ng babae.
“Okay. Okay. You win. ‘Di na mauulit,” he said.
Ngumiti si Connie nang ibinalik ni Sir Will ang halik niya sa pisngi nito. “I’ll be back later. Kailangan ko lang basbasan ang nakakainis kong kapatid.”
Lumabas siya sa office ng fiancee na parang nagpa-pageant. Nakatingin naman sa kanya ang ilang kalalakihan na madaanan niya.
Kung good mood siya’y tiyak na papansinin niya ito, pero ‘yon nga ang problema, hindi siya good mood. Noong makaalis sina Yohan at Mavis kanina sa bahay nila ay kinontact niya agad si Darren, ang Vice President ng student council at ang madalas na kasama ni Yohan, para malaman kung ano iyong naging problema.Hindi nga lang agad-agad na umamin si Darren. Pero ginawa niya ang lahat para mapaamin ito. She bribed him, she begged, and she even threatened him. Hanggang sa tumiklop ito at sinabi sa kanya ang totoo.
Ngayon mas lalo siyang nainis habang naaalala ang dahilan ng ‘di pagkikibuan ng kapatid at ni Mavis. Hindi siya makapaniwala sa ginawang pag-ako ni Yohan ang kasalanang hindi naman siya ang gumawa.
Dumiretso siya sa Student Council room at hindi maipinta ang mukha ng student council president ng tumuntong sa loob ang kapatid.
“The hell are you doing here Connie?!” Napasigaw ito sa gulat.
Matalas pa sa patalim ang ibinigay na tingin ni Connie sa kapatid. “Everybody out. Yohan and Darren stay,” she said. Full of authority ang boses nito.“What?! Who died and made you the boss? We’re having a meeting,” pangongontra ni Yohan sa kanya pero walang nagawa iyon sa dagger stares na binibigay ni Connie sa bawat council members.
Kung gaano ka nakakatakot ang president nila, malala pa iyong kapatid. At dahil din sa dahilang alam nilang fiancee ng Chairman si Connie.
Nang makalabas na silang lahat ay naiwan naman sina Connie, Yohan, at Darren sa loob.
“Umm. Bakit ako naiwan?” tanong ni Darren habang mukhang pinagpapawisan. Hindi siya pinansin ni Connie at umupo lang ito sa table ni Yohan. This is a sibling feud. At hindi lang ‘to basta-basta feud lang. This is between the Arvilla siblings.
“Now tell me, Pumpkins.” Namula ang tainga ni Yohan. Pero hindi na siya nagsalita pa dahil malakas ang kutob niyang hindi maganda ang susunod na sasabihin ng kapatid. “Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin ang tungkol sa kaguluhang nangyayari ngayon sa Sinclaire?”Yohan’s eyes widened and shot a glare to Darren.
“I’m sorry, okay? I spilled everything. Nakakatakot kaya ang Ate mo,” depensa ni Darren sa sarili.
“Tinawagan ko si Darren kaninang umaga. I made him spill everything kaya ‘wag siya ang sisihin mo. Everything. You know what that means, right?” sabat naman ni Connie.
Ilang segundong hindi nakapagsalita si Yohan at nakatingin lang ito sa kapatid. “It’s none of your business. Umuwi ka na, Connie. Fiancee ka lang ng Chairman, that doesn’t mean that you can barge in here whenever you want to.”
“Sabihin mo muna kung bakit inako mo ang kasalanang hindi naman sa ‘yo. Nasaan na ba ‘yang Ryner na ‘yan? Papuntahin mo rito.”
Nagtinginan sina Darren at Yohan at isang mensahe ang dumaloy sa pagitan ng mga tinginan nila.
Wala ngayon si Ryner. Hindi siya pumasok at mas lalong hindi iyon magpapakita hanggang mainit pa ang dugo ni Yohan sa kanya.“Like I said Connie. This is none of your business.”
She hissed. “Bakit mo ba siya pinagtatanggol? Ikaw ang nadehado sa paningin ni Mavis. Ang buong akala niya ikaw ang rason ng buong gulong ‘yon.”
“So be it. Kahit galit pa rin ako sa ginawa ni Ryner, he is still under me. What he did is also my responsibility. At nasa advantage ‘to ng student council namin, lalo na ng school. Nangyari na ‘yon, hindi na pwedeng i-rewind at baguhin.” Mapait pa sa ampalaya ang reaksyon ng mukha nito habang sinasabi ang mga salitang ‘yon.
Binigyan siya ng pagkatamis-tamis na ngiti ni Connie pero halatang nagtitimpi ito ng isasagot. Kilala ni Yohan ang kapatid. Alam nitong maikli pa sa hibla ng buhok niya ang pasensya nito.
Hinarap ni Connie si Darren. She mouthed the words ‘you can go now’ at agad naman itong lumabas. Pagkalabas na pagkalabas ni Darren ay isang batok kaagad ang sinapit ni Yohan sa kapatid.
“Ow! Connie—“
“Shut up! Ang sarap mong itapon sa Antartic Ocean! Ano bang pinanggagawa mo, ha? Alam mo ba kung ano ‘yang sinasabi mo? You’re doing exactly what you don’t want to do. Kung sabihin mo na lang kasing may gusto ka kay Mavis, tutulungan naman kita.”
“What?!” Napaurong si Yohan. “Never.”
“Ah, so ganoon na lang ‘yon? Hahayaan mo na lang na ganito kayo? You’re making her hate you, narealize mo na ba ‘yon? Sus naman kapatid! Iyong ibang kaedad niyo nagse-sex na nga, e, ikaw ni salitang ‘I love you’ o ‘I like you’ hindi mo pa rin nasasabi. Torpe ka ba talaga? Dahil kung oo hindi kita kilalaning kapatid ko. Walang torpe sa mga Arvilla. We’re always the aggressive type.”
“Like you,” Yohan commented.
“Exactly.”
Napabuntung-hininga ang binata. “Bakit lahat kayo sinasabing I like Mavis? Ni hindi ko nga sinasabi ‘yon, e. That midget? Ha! No way. Concern lang ako ‘cause we’ve been together since childhood. May katiting din siyang value sa ‘kin.”
“Argh! Stubborn little rascal.” Tumayo si Connie at may kinuhang mga pictures sa bag niya. Inilatad niya iyon sa harap ni Yohan at isa-isang niwe-wave sa harapan niya. “Ito iyong picture niyo noong kindergarten kayo. Ito naman ‘yong umiyak siya dahil inagaw mo ‘yong icecream niya. At ito ‘yong grumaduate kayo sa middle school. Mayroon pa ako rito, ‘yong picture na magkasama kayo sa bathtub—“
“Stop. What’s your point?” agad siyang pinutol ni Yohan bago pa man makuha ni Connie ang picture na sinasabi niya.
Connie sighed.
“If you like her, let her know. Ang problema kasi sa ’yo kung ano iyong ayaw mong sabihin, ‘yon iyong lumalabas sa bibig mo,” sabi niya habang dinuduro ang dibdib ni Yohan. ”Villain? Bad guy? Wala ka sa pelikula, Yohan. Kung concern ka pala sa kanya, then do something para maging malaya kang mag-alala para kay Mavis. You said you’re protecting her from the shadows? Bullshit. Make her yours so you can protect her forever. Ganoon lang kasimple ‘yon.”
---------------------------------------------------------------
Did you like this chapter?
Vote and Comment ♡
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Kiss | ✔
Literatura Feminina#2 in ChickLit last Nov. 2016 __ Sinclaire University's nemesis has always been the St. Blue Academy. Unbeknownst to all, the student council president of Sinclaire, Mavis, is also the long time rival and target of bullies of the student council pre...