"ATE Mavis," mabilis na napalingon si Mavis sa kaliwa niya nang biglang sumulpot doon si Gray. "It's time."
"Huh?" naguguluhan niyang tanong. "What do you mean it's time?"
"It's just what it means. Let's go."
"Ha?!"
"Excuse us."
Hindi na nakakontra si Mavis dahil hinila ni Gray ang ribbon na nasa likod niya. Wala namang nagawa ang mga kaibigan ng dalaga kung hindi ang hayaan si Mavis. Nag-aalinlangan silang kumaway nang pababa na sila ng hagdan. Si Jade naman ay nagpakawala lang ng ngiti na nagsasabing 'go on'. Hinayaan na lang tuloy ni Mavis na hilahin siya ni Gray.
"Hey, Gray, saan ba tayo pupunta?" hindi niya napigilang itanong nang nasa labas na sila ng bahay.
"Somewhere."
"Where the hell is that 'somewhere'?"
"Here."
"Ha? Teka, 'di ba sina—mmff!"
Mabilis na tinakpan ni Gray ang bibig ni Mavis ng sinubukan nitong magsalita. Nagulat kasi siya nang makita sina Summer at Yohan na nakatayo sa gitna ng basketball court sa likod ng bahay ng mga Arvilla. Tiningnan ni Mavis si Gray pero sinenyasan lang siya ng kasama na tumahimik. Kasalukuyan silang nagtatago sa likod ng damuhan malapit sa court. The distance between them and Yohan is enough para marinig niya ang mga pinag-uusapan ng mga ito.
**
As expected, natalo ni Summer si Yohan sa nilalaro nila kanina. Handa na siyang makinig sa sasabihin ng dalaga nang biglang hinila siya nito sa likod ng bahay nila. Mas lalo tuloy lumawak ang pagtataka niya sa ikinikilos ng kababata. Ano ba ang mahalaga nitong sasabihin na dapat pa siyang kaladkarin ni Summer sa likod ng bahay nila?
"Uhh... Sum?" tanong niya habang kinukuha ni Summer ang sandals na suot nito.
Talagang na-i-impress si Yohan sa babaeng nasa harapan niya. Nang unang dumating sina Summer at Gray sa bahay nila kahapon ay laking gulat niya nang makita ang malaking transformation na nangyari sa dalaga. Even the vibe around her changed. Nasanay kasi siya sa boyish personality ni Summer noon na walang ibang inisip kung hindi ang maglaro ng video games ng papa niya, kaya naman hindi siya sigurado kung papaano tratuhin ang lady-like Summer na sumulpot sa harapan niya ngayon.
"Kuya Yohan, maganda na ba ako?"
"Ha?" he was caught off guard by her sudden question. "Maganda ka naman talaga, a."
Kinuha ni Summer ang bola na nasa gilid ng ring at nagsimulang mag-dribble. "The sound you made while you said that was based on an older brother's perspective. Hindi mo ako kapatid, Kuya Yohan."
"Huh? Of course I know that—"
"How do you see me?" tanong ni Summer at biglang pinasa kay Yohan ang bola. "How do you see me, not as a little sister, but as a woman?" matalas siyang nakatingin sa mga mata ng binata. "As a man, how do you see me as a woman?"
Ito ba 'yong gusto niyang pag-usapan? tanong ni Yohan sa sarili. Tiningnan niyang mabuti si Summer at halata sa mga mata nito ang matinding pagnanais ng sagot mula sa kanya.
"Actually..." he said while dribbling the ball. "I was surprised when I saw the two of you yesterday. Especially you, Sum. Sa konting taon na hindi tayo nagkita, mabilis kayong lumaki ni Gray. Noon kaya ko pang buhatin ang kapatid mo, pero ngayon kasing tangkad mo na siya. It really did surprise me. Pero iyong transformation mo nasa ibang level. Noon kaya ko pang mag-joke na hindi ka magkaka-boyfriend, pero ngayon mukhang hindi ko na kayang sabihin 'yon. I'm sure na hindi mabilang ang mga lalaking gustong manligaw sa 'yo ngayon."
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Kiss | ✔
ChickLit#2 in ChickLit last Nov. 2016 __ Sinclaire University's nemesis has always been the St. Blue Academy. Unbeknownst to all, the student council president of Sinclaire, Mavis, is also the long time rival and target of bullies of the student council pre...