[30] These Two Guys

4.2K 141 10
                                    

"DARREN ano raw sabi ni Jonathan?" tanong ni Yohan sa VP nitong kanina pa kino-contact ang treasurer nilang 2nd year na si Jonathan.

"Hindi niya sinasagot ang cellphone niya."

"That brat," asik ng SC president ng St. Blue habang hinihilot ang kanyang sentido. Nagkaroon kasi ng problema sa budget notebook nila. Hindi tugma ang pera sa budget notebook at sa liquidation report na pinasa sa kanya ng treasurer nila. Saktong napansin niya 'yon nang makarating siya sa bahay kaya naman pinapapunta niya si Jonathan sa kanila. Bukas niya kasi ipapasa sa Student Affairs ang liquidation report at ang budget notebook. Pagkatapos ngayon ay hindi pa nila ma-contact ang treasurer.

"Mapuputulan ko siya ng leeg kapag nalaman kong binulsa niya ang 10,000 na kulang," sabi ni Yohan habang pinipilipit ang leeg ng pandang si Bucho.

"Chill, okay? Tatawagan ko siya ulit," saad ng kalmadong si Darren. "Alam mo bang 'bulkan' o 'Yohan the Volcano' ang tawag ng ilang members ng student council sa 'yo? Mabilis ka kasing mainis."

"Tss. I don't care kung ano ang itawag nila sa 'kin," he said at kumuha ng calculator para i-solve ulit ang records sa budget notebook. "I'm not alive to please them. If I'm pissed, then I'm pissed."

Napabutung-hininga si Darren at napailing. Well, this is the typical Yohan, I guess, sa isip-isip niya.

"E, baka naman nagkamali lang siya sa pag-record." He tried to reason with Yohan.

"Nagkamali? Okay lang sana kung piso, sampung libo ang kulang, Darren. Sampung libo. Sino naman ang maniniwala na nagkamali lang siya sa pag-record?"

"Okay, okay," awat niya sa kaibigan. "Heto at nagri-ring na ang cellphone niya."

"That brat will have a better explanation kung bakit—"

"YOHAN!" Naputol siya sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at bumulagta ang humahangos na si Mavis. Nasa likod pa nito ang backpack niya at halatang kakagaling niya lang sa eskwelahan. Laking gulat ni Yohan nang tumakbo ang dalaga sa direksyon niya at sinuggaban siya ng yakap. Isang mahigpit na yakap. "Hindi nawala ang posisyon ko! SC president pa rin ako!" masayang saad ni Mavis. "Thank you! Thanks so much, Yohan. Ibabalita ko 'to kina mommy! Thanks ulit!" Pagkatapos no'n ay kumaripas na siya ng takbo at naiwang nakaawang ang bibig ni Yohan. She just left him there, utterly dumbfounded.

"Ahem!" pabirong tawag atensyon ni Darren sa kanya habang nakangisi. "Sinagot na pala ni Jonathan. Oh," sabay abot niya ng cellphone sa kaharap.

Umayos naman ng pagkakatayo si Yohan at kinuha ang cellphone sa kamay ni Darren. "Where are you right now?" tanong niya sa kabilang linya. Napailing na lang si Darren dahil nakangiti si Yohan ngayon samantalang kanina ay parang gusto niya ng pumutok sa inis.

"Yohan, you're supposed to be mad," paalala niya sa kaibigan.

Tinapunan lang siya ng tingin ni Yohan. "Hindi tugma ang budget notebook at ang liquidation report mo. Kulang ng 10,000. Care to explain this?"

Hindi na napigilan ni Darren ang pagngisi. "Dude," panimula niya at nag-crossed arms sa harapan ni Yohan. "You're smiling again. Stupidly, that is." Hindi siya pinansin ni Yohan. "Yohan walang taong galit na ngumingiti," dagdag niya pa. "People who do that are either crazy or perverts."

Nilagay ni Yohan ang palad sa mukha ni Darren at nagpatuloy lamang sa pakikipag-usap kay Jonathan. "Yes. Pumunta ka rito. Now. Yes. I said now." Pinatay niya na ang call. "What the heck is your problem, Yanson?" patapong tanong niya kay Darren at hinarap ito.

"You're stupid, Arvilla. Stupidly in love," sagot sa kanya ng kaibigan at tumawa.

Tiningnan siya ng masama ni Yohan. Ilang sandali pa'y tiningnan nito ang cellphone ni Darren na hawak-hawak niya pa. "Kisa is calling you," sabi niya.

Darren's face lit up. "Talaga?! Bigay mo sa 'kin. Dali."

Inabot naman ni Yohan ang cellphone. Pagkatingin ni Darren sa screen ay nalaglag ang balikat niya. He glared at Yohan. "What a jerk," sambit niya. Niloko lang kasi siya nang sinabi nitong tumatawag si Kisa.

Nagkibit-balikat si Yohan. "Well, if I'm stupid..." he smirked. "Then so are you." 

The Bad Guy's Kiss | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon