APAT na araw na ang nakakalipas simula noong hindi masyadong kinakausap ni Yohan si Mavis. Pati nga sa loob ng bahay ay ang awkward nilang dalawa. Pero hindi naman kasi mapigilan ni Yohan ang hindi mailang sa sitwasyon nila. Although he said that he'll steal her from him, he doesn't know where to start. The fact that Mavis' chose Jade was the reason why his confidence crumbled. Ayaw man niya ay unti-unti 'yong nawawala.
And why the hell do I have to see him now of all times?! Inis na bulong ng isipan ni Yohan.
Pauwi na kasi siya mula sa St. Blue nang magkasalubong sila ni Jade sa parking lot. Pilit niyang iniwasan na makita siya nito pero mukhang wala rin 'yong nagawa dahil si Jade mismo ang lumapit sa kanya.
"Yo, Earl," greeted the older guy. Yohan gave him a sharp look in reply. "Chill. Gusto lang naman kitang makausap."
"No, thanks. Busy ako," mabilis na sabi ng binata. "'Tsaka ano pala ang ginagawa mo sa St. Blue?"
"Nag-deliver ng bulaklak. Anyway, may gusto nga akong sabihin sa 'yo."
"I told you, I'm busy."
"Busy? Or are you just trying to avoid me? Huwag mong sabihin na takot ka sa 'kin?"
Yohan gritted his teeth. Dammit. I hate how his provocation can always affect me. "Fine. Saan mo gustong mag-usap?"
Ngumisi naman ang nakatatandang lalaki. "I know a good place. Come on."
Ilang minuto ang nakalipas.
"Bakit mo ba ako gustong kausapin? As far as I'm concerned, wala tayong dapat pag-usapan. 'Tsaka hindi tayo close," pahiwatig ni Yohan habang nakaupo sa malaking bato na nasa tabing-dagat. "At bakit pinili mong mag-usap dito?"
"Chill, okay? Kakarating lang natin tapos puro ka tanong," saad naman ni Jade at inabot kay Yohan ang isang can ng coke zero. "Dito kasi ako pumupunta kapag gusto kong mag-isip."
"Kung gusto mong mag-isip, bakit mo pa ako dinala rito?" reklamo pa ulit ni Yohan.
Napakamot na lamang ng ulo si Jade. "You're really a whiny person, aren't you?"
"Shut up. Bakit ba kita kinakausap?"
Napatawa na lamang si Jade. "Bakit mo itinago kay Mavis na gusto mo siya?"
Yohan flinched. "Why are you asking me that now?"
Napataas naman ang kilay ng kausap niya. "Why not? I'm just asking."
"At paano mo naman nasisigurado na sasagot ako?"
"Well, I won't force you to answer me. Kung ayaw mong sagutin, fine by me. Pero ano ba ang makukuha mo kung itatago mo sa 'kin 'yon?"
Umismid si Yohan. "You're a real pesky guy, do you know that?"
"I'm just saying what's on my mind."
The younger guy sighed. Napakamot siya ng ulo at uminom sa coke zero na binigay sa kanya ni Jade.
"It's not like I hid it from her on purpose. I just don't know how to tell her." Hindi umimik si Jade at pinakinggan lamang ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Yohan. "I got this vague feeling that if I tell her straight, she might try to avoid me. At ayoko no'n. In her eyes, I'm always the bad guy, the villain. And perhaps she considers you as the hero. Siguro 'yon ang pinagkaiba nating dalawa. But don't expect me to congratulate you after I've lost this battle. Hindi ko pa tuluyang tanggap na talo ako."
Umano'y naging blanko ang ekspresyon sa mukha ni Jade. Pinagsasabi nito? tanong ng isip niya. Hindi niya pa ba alam?
"Bakit ka nakangisi riyan? Seryoso ako," sabi ni Yohan. "Are you that happy that you won?"
Itinago ni Jade ang ngiti sa mga labi niya. So that's how it is, he thought. I see. I see. Sorry, Earl. But I won't do something like helping you or encourage you at all. Think of this as my little payback.
"I see. Kaya mo pala iniiwasan si Mavis dahil diyan." Napatigil si Yohan sa pag-inom. "Bingo?" Hindi niya nasagot si Jade at tumawa naman ang huli dahil do'n. "Ilang tao na ba ang nakapagsabi sa 'yo na para kang bata?"
"Shut up," singhal ni Yohan. "Bahala ka nga. Kung tungkol lang do'n ang gustong mong pag-usapan, aalis na ako," sabi niya at tumayo habang pinagpag ang uniform niya. Pagkatapos ay nagsimula siyang maglakad.
"A piece of advice, Earl," sambit naman ni Jade na nagpahinto kay Yohan. "Don't avoid her. Ask."
Nagpatuloy sa paglalakad ang binata. "You know, it's creepy when you're being considerate of me, old guy."
Jade smirked. "Brat," aniya.
MBs!
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Kiss | ✔
ChickLit#2 in ChickLit last Nov. 2016 __ Sinclaire University's nemesis has always been the St. Blue Academy. Unbeknownst to all, the student council president of Sinclaire, Mavis, is also the long time rival and target of bullies of the student council pre...