[64] The Chaos in Her Heart

3.1K 102 10
                                    

"STUPID. Stu---pid. Stu-------------pid," singhal ni Mavis kay Yohan habang inilalagay sa noo nito ang basang bimpo.

"Midget, stop that. Hindi ako gagaling dahil sa orasyon mo na 'yan," reklamo naman ng binata.

Nasa loob sila ng kwarto ni Yohan at kasalukuyang inaalagaan ng dalaga ang may lagnat nitong kababata dahil walang natira sa bahay nila. May trabaho sina Tito Aki at Tita Mira at mukhang nasa bahay ngayon ni Sir Will si Connie. Ang mga katulong lamang ang nandoon nang dumating sina Mavis.

"Bakit mo kasi tinago na may sakit ka? What are you, a kid?" Mavis clicked her tongue. "Kaya pala hindi mo ginamit ang sasakyan mo at tumakbo ka ng pagkalayu-layo ay para pagpawisan ka at maitago ang sakit mo. Para ka talagang bata. Paano ka naman gagaling kung tatakbo ka lang? Naisip mo na bang puwedeng lumala ang lagnat mo?"

"I'm not gonna get well with your constant nagging, you know? Puwede ko na bang inumin 'yong gamot ko?"

"Sheesh. Nakikinig ka ba talaga sa sinasabi ko?" napakamot na lamang ng ulo si Mavis at kinuha muna ang temperatura ni Yohan. Pagkatapos ng ilang minuto ay inalalayan niya ang binata na inumin ang gamot nito. "Pagkatapos nito matulog ka," saad niya.

Ipinikit naman ni Yohan ang mga mata niya. "M'kay."

"At uminom ka ng maraming tubig."

"Mhm."

"After one hour, kukunin ko ulit ang temperature mo."

"Okay."

Napataas ang kilay ni Mavis. He's very obedient. Dahil ba 'to sa lagnat? Naitanong niya sa sarili. Napangiti na lamang siya.

"Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka pa," sabi ni Mavis. Handa na siyang tumayo nang biglang pinigilan ni Yohan ang kamay niya.

Itinakip ng binata sa ibabaw ng mga mata niya ang isang braso habang ang isa naman ay nakahawak ng mahigpit sa kamay ni Mavis. "Don't go to him," anito habang nakapikit pa rin ang mga mata. "Stay here." Mavis was stunned. Not because of what he said but because of a certain fragility that resided in his voice. At dahil doon, parang kusang gumalaw ang katawan niya at umupo uli sa tabi ni Yohan.

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi naman ako aalis, Yohan. Pupunta lang ako sa—"

"Please." Ngayon mas lalong kumabog ang dibdib ni Mavis. Minsan lang lumabas ang salitang 'please' mula sa bibig ni Yohan. At mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ng dalaga. "Stay here."

Holy crap.

"O-okay."

Pagkatapos ng eksenang 'yon ay sumunod ang nakakabinging katahimikan. Hindi alam ni Mavis kung tulog ba ang pasyente niya o ano. Pero hindi nito inaalis ang pagkakahawak sa kamay niya. Now that he's like this, he really looked like someone else. With his ragged breathing, his weak state, the little streak of sweat from his neck to his slightly visible collarbone, and the lightly flush of red in his skin—for some reason, all of that made him look unbelievably and incredibly sexy.

Biglang kinagat ni Mavis ang lower lip niya—her habit when she's nervous. What the hell? What the hell?! WHAT THE FRIGGIN' HELL?! Ano 'tong pumasok sa utak ko?!

"Yoha—?"

She stopped when she felt that he tightened his grip on her hand.

"Mav... do you hate me?"

Nagulat si Mavis sa biglaang tanong ni Yohan. Hindi nakatingin sa kanya ang binata pero alam niyang nag-aabang ito ng seryosong sagot. Dahil sa tanong na 'yon ay parang luminaw ulit ang utak ni Mavis.

"Of course I hate you. How can I not?" Huminga muna ng malalim ang dalaga. "But even if I said that, I know that there's a part of me that can't hate you entirely. Minsan hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, e. Naiinis ba talaga ako sa 'yo? Nagagalit? Nasusuklam? I don't even know myself. But something inside me screams that it's way different from what I'm thinking. Pero hindi ko muna 'yon masasabi sa 'yo ngayon dahil hindi pa ako sigurado."

"I'm always afraid that you'd hate me." His voice sounded a little sad and there's also a hint of agitation and anxiety. "Alam ko kung ano ang mga ginawa ko noon at ayokong magbigay ng excuses ngayon lalo pa't humantong itong nararamdaman ko sa ganito. I'm a prideful guy but I'm a coward—kahit naman ako'y alam kung ano ang kahinaan ko. Teasing you, bullying you—I did all those things to get your attention. Now I realized how pathetic I am."

Hindi makapaniwala si Mavis na naririnig niya 'to ngayon mula sa bibig ni Yohan. Him, of all people, said that he's pathetic. Nanibago ang dalaga. Parang bagong Yohan ang nasa harapan niya ngayon. And for some reason, she can't look away either.

"Pero hindi ako magbaback-out," pagpapatuloy nito. "I'm not fooling around with you, Mavis. Seryoso ako sa nararamdaman ko." He suddenly pulled Mavis closer to him and put her hand in front of his beating chest. Mavis was taken aback of course. Pero hindi niya rin naman pinigilan si Yohan sa ginawa niya. "I love you. And I'm quite desperate to make you love me."

Hindi napigilan ni Mavis ang pag-iinit ng mga pisngi niya dahil sa mga naririnig niya. Lalo pa't ramdam ng palad niyang nakalapat sa dibdib ni Yohan ang lakas ng pintig ng puso nitong kapares din ng puso niya. They're almost perfectly in sync. Kahit na hindi siya nakatingin kay Yohan at ganoon din ang lalaki sa kanya dahil sa brasong nakaharang sa mga mata nito, hindi pa rin mapigilan ni Mavis ang ma-concious sa sitwasyon nilang dalawa ngayon. She's too stunned to even utter a single word.

"I know that I'm not exactly the boyfriend material that most girls want. Maikli ang pasensya ko, mabilis akong mainis, ma-pride rin akong tao... but please don't get fed up with me. I'm not a nice and responsible guy like your first love. I'm reckless and on top of that, I'm stupid so I end up saying things I don't want to say. But please be with me." Huminga ng malalim ang binata. "Choose me."

Hindi malaman ni Mavis kung ano ang gagawin. This is beyond her control. Naubusan siya ng puwedeng sabihin. Nabalutan ng katahimikan ang buong kwarto at naramdaman ng dalaga na parang nawalan ng lakas ang kamay ni Yohan na nakahawak sa kamay niya.

"Yohan...?" hindi ito sumagot.

Ilang ulit niyang tinawag ang pangalan ni Yohan hanggang sa ma-realize niyang nakatulog na pala ito. Maybe all that talk worn him out. But there's also a part of Mavis who felt relieved that he fell asleep. Dahil kapag gising si Yohan at hingan si Mavis ng sagot, hindi alam ng dalaga kung ano ang unang sasabihin. Pero kahit pa man nakatulog na si Yohan ay hindi nito binitiwan ang kamay ni Mavis.

Choose me.

Bumalik sa alaala ni Mavis ang dalawang simpleng salitang 'yon kasabay ng mga mukha ng dalawang lalaking naghihintay ng sagot niya. She sighed deeply. Naguguluhan na siya.

Why is love so complicated?

p

The Bad Guy's Kiss | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon