[23] Goodluck

3.7K 128 7
                                    

NAKAUPO ngayon si Mavis sa front porch ng bahay habang tinitingnan ang mga black polka dots sa kuko niya. Nakatulog kasi siya kahapon noong lunch break nila at pinaglaruan ni Kisa ang mga kuko niya gamit ang permanent marker.

"Hey, midget. Male-late na tayo. Magsisimula na ang competition. Get in," utos sa kanya ni Yohan at inihinto ang kotse sa harap niya.

Mavis sighed. "Kanina pa kaya ako naghihintay. Ikaw 'tong mabagal, e," reklamo niya. Pinasabay na naman siya ni Ate Connie sa sasakyan ni Yohan. Nagpahatid kasi ang huli kay Mang Ian para mauna roon sa competition. Siya raw kasi ang number one supporter ni Mavis.

Yes, today is the 'judgement day', as Mavis would like to call it that way. Sa resulta ng araw na 'to nakasalalay ang posisyon ni Mavis as the Sinclaire's student council president. Mula kaninang umaga ay nininerbyos na siya. She stayed up late last night para i-memorize ang mga formula na posibleng lalabas sa mga math at physics problems sa kompetisyon. And as expected, nahihilo siya ngayon. Kulang kasi sa tulog. Napakabigat ng katawan niya. Halos hindi nga sana siya babangon ngayon dahil sa sakit ng ulo niya. Mukhang migraine yata. Why is this happening on this day of all days?

She tried to get up mula sa pagkakaupo pero biglang nanghina ang mga tuhod niya at na-out-balanced siya. Bago pa man mahulog ang katawan niya sa lupa ay naramdaman niya na ang mga kamay na sumalo sa kanya. Tumingala siya. It was Yohan. Within that moment, parang nag-travel na naman sa nakaraan ang kaluluwa niya. Parang déjà vu. Noon kasi ay palagi rin siyang sinasalo ni Yohan tuwing nadudulas siya.

Why is it that he's always capable of catching me before I fall?

"Malaki ka na pero lampa ka pa rin. Paano ka natisod sa lugar na pantay ang lupa?" Yohan scolded her habang inalalayan siya papunta sa sasakyan. "Are you that nervous?"

"Sino ba ang hindi kakabahan?" sagot naman ni Mavis habang minamasahe ang noo. Aminado siyang kailangan niyang mag-relax. Bawal siyang ma-stress sa araw na 'to. This is a big day for her.

"Whatever," sabi ni Yohan at nagsimula nang mag-drive. "Nag-review ka ba kagabi? Nakita kong bukas pa ang ilaw ng kwarto mo hanggang alas dos kaninang umaga," aniya at binigyan ng sideway glance si Mavis.

Hindi siya sinagot ng dalaga imbes ay patuloy lang ito sa pagmasahe ng noo niya. Mariing nakapikit ang mga mata niya kaya hindi niya alam ang reaksyon ni Yohan ngayon. Napamulat lamang siya ng maramdaman niyang huminto ang sasakyan.

"Why did we stop?" tanong niya pero hindi siya pinansin ni Yohan at mabilis itong lumabas ng kotse. Napabuntung-hininga naman siya. Wala siyang lakas ngayon para makipagbangayan sa kababata niya. Hihintayin niya na lang itong bumalik.

Ilang sandali pa'y narinig niya ang pagbukas ng kotse at ang pagpasok ni Yohan. He throw a small plastic to Mavis' lap. "Ano 'to?" tanong ng dalaga.

"Shut up and take it. Makakatulong 'yan para mawala ang sakit ng ulo mo at makafocus ka mamaya." He handed her a mineral water. Binuksan ni Mavis ang loob ng maliit plastic at nakita ang mga gamot na binili ni Yohan. "You're pushing yourself too hard. Kung masakit ang ulo mo huwag mong itago. Are you a kid?"

There he goes again. Nagging at me like I'm a brat.

Pero imbes na mainis ay napangiti si Mavis ng mga sandaling 'yon. "Thanks Yo—"

"Don't get me wrong. I'm not doing this for you. Ayoko lang mauwi sa wala ang mga pinaghirapan kong questionnares para sa tutorial mo."

Nagpakawala ng matipid na ngiti ang dalaga. "You're not really honest," aniya.

Yohan started the engine again. "Shut up."

**

Nakarating sila sa Baskerville Private School within 20 minutes. Iyon kasi ang magiging host ng kompetisyon ngayong taon. As expected, late na dumating sina Mavis at Yohan. Pagkarating nila ay ina-announce na ang mga pangalan ng representatives ng bawat eskwelahan.

Most likely, there are 18 schools na magpa-participate. And among those 18 schools, there's the four schools na palaging nasa top four: the Sinclaire University, St. Blue Academy, Baskerville Private School and the Marigold University.

(A/N: Familiar ba kayo sa tunog ng 'Marigold University'? Actually 'yan ang eskwelahan ng mga bidang sina Shane at Gabby sa isa ko pang story na Stray Heart. At ang Baskerville Private School naman ang eskwelahan ni Sandrei ng story kong Finding JC. Oh, 'di ba? 'Di ba? Hehe! Opo, iisang mundo lang sila nina Mavis at Yohan.)

Unang tapak pa lang nila sa stadium kung saan gaganapin ang kompetisyon ay pinagtitinginan na sila ng mga tao. Nakita ni Mavis ang mga kaibigan niya at ang ilang members ng student council. Pati nga rin si Madame V ay nandoon. Lalo na si Ate Connie na nagwe-wave sa front row.

"Hey, hey. There's the Earl of St. Blue. Look." Narinig ni Mavis na bulong ng isang babae malapit sa kanya. "He's pretty cool, right?"

"Oo, girl! No one would mistake that superb looks and that aura of superiority around him," pagsasang-ayon ng babaeng kasama niya.

Tinapunan naman ni Mavis ng tingin ang subject ng mga bulungan pero hindi man lang natitinag ang cool atmosphere na pumapaligid dito. Naka-poker face pa nga ito habang naglalakad.

Tumingin naman si Mavis sa stage kung saan nandoon ang mga contestants. "Holy mother of—! Bakit nasa taas ng stage ang student council presidents ng Baskerville at Marigold?!" gulat niyang bulong kay Yohan habang mini-maintain ang kalmado niyang sarili. Bakit kasi ang layo ng entrance ng stadium sa stage? Nako-concsious na nga siya dahil nakatingin sa kanila ni Yohan si Madame V. Baka kung ano na naman ang sabihin nito. May reserved seat kasi si Yohan sa tabi ni Connie at ang fiancee nitong si Will kaya kailangan niya ring pumunta malapit sa stage.

"Hindi mo ba tiningnan ang list ng contestants? Si Sandrei Ken Arriego ang representative ng Baskerville at si Shane Harris naman ang sa Marigold," sabi ni Yohan na mukhang annoyed na sa mga bulungan na naririnig niya.

"For Sinclaire University, we have Mavis Geanne Madrigal," anunsyo ng MC sa stage. Nagmadali namang naglakad si Mavis.

"Goodluck." Napahinto siya bigla. Lumingon siya sa likod. Was that Yohan? tanong niya sa sarili. Hinanap ng mata niya ang binata at nakitang naglalakad na ito papunta sa upuan niya.

She smiled. Hindi siya puwedeng magkamali. Although it sounded like a whisper, alam niya kung sino ang may-ari ng boses na 'yon. Alam niyang kay Yohan nanggaling ang 'goodluck' na iyon.

"Well, goodluck to me too," she said as she faced the stage and continued walking. 

The Bad Guy's Kiss | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon