BANDANG mga 6:00 PM ay nagdatingan na ang ilang bisita nina Connie at William. Nandoon ang kapatid ni Tito Aki na si Light. Pati asawa ni Light na si Shejah at ang anak nilang si Leigh. Ang mga magulang naman nina Summer at Gray na sina Isha at Vinn ay nandoon din.
(A/N: Hi guys! If you wanna know the story of Light, Shejah, Isha, and Vinn, kindly read No Other Than Her. Hehe! Thank you sa suporta at sa patuloy na pagbabasa ng The Bad Guy's Kiss. Loveyall! Happy reading!)
Katatapos lang i-announce ang kasal nina Connie at William kaya ngayon naman ay ine-enjoy na lang ng mga bisita ang mga inihanda para sa Christmas party. Nagkaroon din ng exchange gifts at kantahan. Sa kabilang dako naman ay nakatambay sina Kisa, Reika, Darren at pati si Ryner— na nasa wheelchair pa rin— sa may veranda na nasa second floor. Puno kasi ng mga matatanda sa loob at na-a-out-of-place sila. Napatigil silang apat nang makitang papunta sa direksyon nila sina Mavis at Yohan.
Hindi naman napigilan ni Kisa na mapatawa. Natigil lang ito ng sikuhin siya ni Reika. "Aww. Sorry, sorry. Nakakatuwa kasi. Kanina ko pa napapansin na match ang mga damit niyong dalawa," sabi niya at tinuro ang dalawa.
Sabay na napatingin naman sina Mavis at Yohan sa mga suot nila. Parehong kulay skyblue at pareho pa ng disenyo.
"Don't even talk about it, Kis," saad naman ni Mavis.
"Hands down talaga ako kay Ate Connie," sabi naman ni Darren habang tinatago ang ngiti niya.
"Paano mo nalaman na si Connie ang may gawa nito?" curious na tanong ni Yohan.
"Wala namang ibang magpaplano niyan kung hindi siya lang."
Yohan sighed. "Exactly."
"It looks good on both of you though," puna naman ni Reika.
"Yeah. Huwag lang kayong sumimangot," dagdag ni Ryner.
"Kuya Yohan!" napalingon silang lahat nang marinig ang boses ni Summer. Kasama nito ang kapatid niyang si Gray na panay naman ang laro sa PSP.
"Sum, ano'ng problema?" tanong ni Yohan sa kanya.
"Maglaro tayo kasama ang pinsan mong si Leigh. Tara!" alok niya sa binata.
"Ha?! Teka—!" hindi na siya nakatanggi dahil biglang hinila ni Summer ang kamay niya. Naiwan tuloy nakaawang ang mga labi ng mga taong naiwan doon.
"Who the hell is that girl?" Si Darren ang unang nagtanong.
"That's Summer. Kababata rin namin," sabi naman ni Mavis. "She's his sister. By the way, si Gray nga pala."
"Hi," matipid na bati ni Gray.
"At ito naman si Kisa, Reika, Ryner, at Darren," pagpapakilala ni Mavis habang nakaakbay kay Gray. "Mga kaibigan namin. At saka—huh? Teka parang si... Kuya Jade! Ikaw nga! Late ka na!" gulat na bulalas ni Mavis nang makita si Jade na kumakaway sa may bandang gate.
"Wait lang guys, sasalubungin ko lang siya," sabi ni Mavis.
"Teka Mabs," pagpipigil ni Kisa. "Paano si Yohan?"
"Yohan who?" she said without a moment's hesitation to filter her words. "Tss. Who cares about him anyway? Nag-e-enjoy naman siya kasama si Summer, e," she said and ran off.
Sumipol si Ryner nang makaalis si Mavis. "That was unexpected," saad niya at tumango naman ang mga kasama niya roon.
"Unexpected, indeed," segunda naman ni Darren.
"Don't you think it's becoming more obvious? Hanggang kailan nila mare-realize ang katotohanan?" napatanong na lang si Kisa.
"It's their pace. Hayaan na lang natin," saad naman ni Reika. "Let's just watch them from the sidelines. It's more fun that way."
"You're becoming quite the evil one, Rei," Kisa snickered.
"Ha-ha. Shut up, goth gi—"
"Oy, oy, oy." Napatigil si Reika nang biglang sumulpot si Yohan sa harap nila at mukhang nag-aaway ang dalawa nitong mga kilay. "Nakita ko si blondie sa gate. Kasama niyo ba siya? Huh?—" nagpalinga-linga ang ulo niya. "And where the hell is that midget?"
"Sinalubong niya si Kuya Jade," sagot naman ni Kisa.
"She said she invited him," dagdag ni Ryner.
Animo'y may lumabas na usok sa mga tainga ni Yohan. "Tsk. Damn," mahina niyang sabi at nagsimulang maglakad.
"Teka Yohan, saan ka naman pupunta? Shouldn't you be chasing after her now?" sabi ni Darren.
Tinapunan siya ng masamang tingin ni Yohan. "Who cares about her? Bahala siya." Iyon ang huli niyang sinabi at bumalik kina Summer at Leigh na naglalaro ng video game.
"That's the red alert, right?" tanong ni Kisa. "Hey guys, wala ba talaga tayong dapat gawin?"
"Don't worry." Naibaling ng apat ang tingin sa batang kaharap nila na nakatayo lang doon at nakasandal sa pader habang naglalaro sa PSP na hawak niya. "It's all according to plan."
"HA?" the four said in chorus. It's as if the kid said something using an alien language.
Ibinaba naman ni Gray ang PSP na hawak niya. "It's so simple that it became so much like a cliché love story." Tiningnan niya si Mavis na nasa ibaba ng veranda na kinalalagyan nila. "She likes him for sure." Tinapunan niya naman ng tingin si Yohan. "And he likes her back." Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin sa PSP na hawak niya. Mukhang ni-resume nito ang game. "Unfortunately, I think everyone of you knew, right? Except them, though." Nagsimula siyang maglakad. "Uhh...Sorry. I talked too much. Excuse me."
Ilang minuto matapos umalis si Gray ay siya namang bumalik si Mavis kasama si Jade. Nagulat na lang siya nang madatnan na parang nakakita ng multo ang mga kasama niya. "Mabs!" mabilis na hinawakan ni Kisa ang mga balikat niya. "Ilang taon na 'yong batang 'yon? I mean 'yong pinakilala mong 'Gray' sa 'min kanina."
"Huh? Uhh... Sa pagkakatanda ko, 11 years old?" sagot ni Mavis.
"Sigurado ka?" napapailing na tanong ni Reika. "Feeling ko 35 years old ang kumausap sa 'min kanina."
"Damn. That kid is sharp," Darren mumbled and laughed softly.
"What the hell are you all talking about?" Napatawa na lang si Mavis.
**
Samantalang abala naman si Yohan sa pagtalo kay Summer sa video game na nilalaro nila. Kahit pa man noon ay hindi niya masigurado ang panalo niya sa kababata niya. It's kind of frustating lalo pa't hindi niya gustong matalo, but it's fun. Napabaling ang tingin niya sa mga magulang nina Summer at Gray na sina Vinn at Isha. As expected of the daughter of the famous couple in the world of games. Game developer kasi si Vinn at ang asawa niyang si Isha ang partner niya.
"Kuya Yohan..." naibaling ni Yohan ang tingin sa katabi niya. "Kapag natalo kita rito, puwede ba kitang tanungin ng isang tanong? 'Tsaka gusto kong sagutin mo ako ng seryoso."
"Huh?" nagtaka siya sa seryosong tono ng boses ni Summer. Pati nga ang pinsan niyang si Leigh na nasa tabi ni Summer ay nagtaka rin. "Summer, even if I win— though it sounds impossible— I'll still answer all your questions seriously."
"Please, Kuya." Napaurong si Yohan sa seryosong boses ni Summer. "Importante 'to sa 'kin."
Matagal niyang tinitigan ang katabi niyang nakatingin lang sa harap ng monitor. Hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ni Summer pero batid niya na talagang mahalaga ito para sa dalaga ngayon. Lumingon si Yohan sa direksyon nina Mavis na masayang nag-uusap kasama si Jade. The frustration and irritation is building up inside him. "Okay," sagot niya kay Summer at animo'y kumislap ang mga mata nito ng sabihin 'yon ni Yohan sa kanya.
"Thanks, Kuya!"
!%
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Kiss | ✔
Chick-Lit#2 in ChickLit last Nov. 2016 __ Sinclaire University's nemesis has always been the St. Blue Academy. Unbeknownst to all, the student council president of Sinclaire, Mavis, is also the long time rival and target of bullies of the student council pre...