“BAKIT hindi ka tumanggi?” tanong ni Kisa kay Mavis. Nasa Student Council room sila ngayon. Tatlo sila nina Reika. Katatapos lang kasi ng meeting.Ang masama pa niyan, ang intense kanina ng meeting nila. Parang wala kasing gustong kumampi kay Mavis maliban kina Kisa at Reika. Ayun tuloy walang narating ang mahigit kumulang dalawang oras na meeting nila.
“Alam mo namang palagi kang kumakapit sa patalim tuwing final exam sa Physics,” dagdag pa ni Reika na kasalukuyang minamasahe ang noo niya. Nahilo ata sa bangayan nila kanina. Tungkol kasi sa upcoming festival ang agenda ng meeting. Pinagdedebatehan kung ano ang magiging theme ngayong taon.
“Alam ko naman ‘yon. E, sa wala akong choice. Kung nakita niyo lang sana ang mukha ni Madame V. Nakakatakot kaya,” sabi ni Mavis na nakapanlumbaba sa mesa niya.
“Three weeks pa naman, ‘di ba?” tanong ni Reika. Tumango si Mavis.
“Pwede pa ‘yan. Magpa-tutor ka na lang,” suggest ni Kisa.“Kanino naman? May alam ba kayong genius sa Physics?”
“Teka. Sino ba iyong champion last year sa Scholastic Competition na ‘yan? Baka matulungan tayo,” tanong ni Reika na hinalukay ang mga school newspapers na nakatambak sa cabinet nila. “Uh-oh,” sabi niya ng makita ng hinahanap.“What? What? Sino raw?” curious na tanong ni Mavis.
Iniharap ni Reika ang newspaper sa harap ng dalawang kaibigan. Napa-facepalm si Kisa. “Ang malas mo talaga, Mabs!”
“Asking him is impossible,” dissapointed na sabi ni Mavis.
“Tsk tsk tsk. But you don’t have any choice either. ‘Pag hindi ka nanalo sa competition na ‘to, you’re dead meat.”“But—“
“No buts,” kontra ni Reika habang nakapamaywang sa harapan ng dalawa. “You will have to ask him to tutor you. You must. Siya lang ang available ngayon at siya lang din ang pag-asa mo.”
**
Umuwi si Mavis na laglag ang mga balikat. Wala siyang ibang choice kung hindi ang lunukin ang pride at pakiusapan si Yohan na turuan siya sa Physics. Kahit pa masama ang loob niya rito. Could there be any worse than this? Kung hindi niya lang talaga mahal ang pinaghirapan niyang position as the president.
“Papasok ka ba o diyan ka na lang titira sa harap ng gate?” Napalingon si Mavis. Ang aroganteng Yohan pala ang nagsalita mula sa sasakyan niya. “Nakaharang ka sa daan, midget. Pumasok ka na kasi,” sabi niya ulit.
“Shut up, monster. Mukha kang cactus!” sigaw niya at pumasok sa loob ng bahay. Kakainis. Lumingon siya sa direksyon ni Yohan at umusok pa uli ang tenga nito nang makitang he’s sticking his tongue out to her. Ang kumag!Padabog siyang pumanhik diretso sa kwarto niya. Makita lang nito ang binata ay mukhang nauubos agad ang energy niya.
Matapos nilang mag-dinner ay dumiretso na agad si Mavis sa harap ng TV sa sala. Naging habit niya kasi ‘yon. Total palagi lang siyang mag-isa sa bahay nila, TV lang din parati ang karamay niya.
Umupo siya sa dulo ng mahabang sofa. Ilang sandali pa’y naupo rin sa dulo noon si Yohan. Naningkit ang mga mata nitong tiningnan ang binata.
Yohan shot him with a sidelook. “Bakit? ‘Di ba ako pwedeng manood ng TV sa sarili kong bahay at umupo sa sarili kong sofa?”
Mavis pouted. “Wala akong sinasabi. You’re so stingy. ‘Wag mo ‘kong kausapin ‘di tayo bati,” she said but then realization came. Naihampas niya ang palad sa noo. Oo nga pala’t kakausapin niya pa ang kumag na ‘to tungkol sa pagpapaturo ng Physics. Kailangan niyang magtiis. Kailangan niya munang magpaka-anghel. “I mean, of course. Bahay niyo ‘to, e.”
Tumaas ang isang kilay ni Yohan. “Mm. Whatever.”Mahigit isang oras na silang nanonood pero walang may nagsasalita ni isa sa kanila. Ilang sandali pa’y nagdesisyon na si Mavis na tanungin si Yohan tungkol sa pagpapa-tutor niya. Bahala na. Basta kailangan niyang gawin ‘to.
“Mavis, hindi ko makita ang TV, nakaharang ka,” reklamo ni Yohan ng tumayo sa harap niya si Mavis at nakapamaywang.
“Yohan, papalampasin ko ang ginawa mong pagpapahiya sa ‘kin sa eskwelahan.”
“Huh? The hell are you talking about? Kung tungkol ‘yon sa issue tungkol sa ’yo—“
“Oo ‘yon nga. Palalampasin ko ‘yon ngayon. Pero!” binigyan siya ni Yohan ng blankong tingin. “Tuturuan mo ako sa Physics! Magaling ka roon ‘di ba?” nasabi rin nito. Pero aminado naman siya na gusto niya ng tumakbo sa kwarto dahil sa tinging itinapon sa kanya ni Yohan.
“Naka-drugs ka ba? Nagda-drugs ka, no?”“Seryoso ako!” tuluyang umusok ang tainga ni Mavis. “Ikaw ‘yong may kasalanan kung bakit ako naiipit ngayon. ‘Pag hindi ako manalo sa Scholastic Competition na ‘yon, mawawala ang posisyon ko. Iyon ang sabi ng Chairman namin. So take responsibility!”
“No way. Too much trouble. At isa pa, you really suck. Especially sa Physics. Teaching you will be a pain.“
Wow. Salamat sa support. Nakakalakas ka ng loob.
“Atleast I’ve tried. Kung mawala man iyong posisyon ko atleast I’ve put up a fight. Hindi ako magmumukhang kawawa.” She heard him sigh. “Kapag tinuruan mo ako, hindi ko na uubusin ang vanilla ice cream mo sa ref,” sabi niya at itinaas ang kanan niyang kamay.
“Inubos mo na naman ang vanilla icecream ko?”
She gasp in her mind. Patay. “Sorry!”
Napabuntung-hininga ulit si Yohan.
Pumayag ka na, pumayag ka na. Ritwal ni Mavis sa utak niya.
“Get your Physics books,” he said, finally. “Iyong mula sa pinaka-basic.”Yes!
---------------------------------------------------------------
Did you like this chapter?
Vote and Comment ♡
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Kiss | ✔
Chick-Lit#2 in ChickLit last Nov. 2016 __ Sinclaire University's nemesis has always been the St. Blue Academy. Unbeknownst to all, the student council president of Sinclaire, Mavis, is also the long time rival and target of bullies of the student council pre...