"GISING na ba siya?" iyon ang unang narinig ni Ryner nang magkamalay siya. Sinalubong siya ng madilim na paligid nang sinubukan niyang imulat ang mga mata. Doon niya na-realize na piniringan siya at nakagapos rin ang mga kamay at paa niya.
He can smell the gunpowder everywhere. May tatlo o apat na taong nag-uusap sa harap niya kaya nagkunwari siyang natutulog. Hindi siya makapaniwala na ganito ang sinapit niya pagkatapos talikuran si Reika. May kutob na siya na amoy gulo ang dalawang lalaking humarang at kumausap sa kanya. Nabanggit kasi ng mga ito ang Owl, ang pangalan ng gang niya. Mahigit isang taon na ring hindi niya nakikita ang mga kaibigan niya roon. Ang tanging komunikasyon niya lang sa mga ito ay si Cedric, ang kaliwang kanan niya noon na leader na ngayon. Siya kasi ang pumalit kay Ryner ng umalis ito.
"This is bullshit. Why are you letting him sleep? I wanna play with him. Hanggang kailan siya matutulog?" Isang pamilyar na boses ang nagpagulantang kay Ryner. Boses 'yon ng babae at kilalang-kilala niya kung sino 'yon. Si Lilith Dane, mas kilala sa pangalang Lily. Siya ang sinasabing pumalit sa leader ng Beehive. "Give me that knife."
Are you freakin' kidding me? Sa lahat ba naman ng puwedeng gumapos sa 'kin ang Beehive pa? I'm in deep shit.
A shot of excruciating pain hit his leg causing Ryner to scream in pain. Na-i-imagine niya na ang isang maliit na kutsilyong nakabaon sa paa niya ngayon. May biglang humablot sa piring niya at lumantad sa harap niya si Lily na hawak ang kutsilyong nakabaon sa balat niya. Hindi na nagulat si Ryner sa laki ng pagbabago niya. She dyed her black hair to the color of crimson red. Nawala ang inosente nitong mukha at napalitan ng ibang Lily. Kung hindi niya nakita ang dalawang nunal sa ilalim ng mata niya ay hindi pa sana siya maniniwala na si Lily ang nasa harapan niya.
"Good morning, Ryner. Long time no see." Nakangiti itong nakatingin kay Ryner. She even kissed his cheek.
"What a way to wake me up, Lily," puna ni Ryner habang nakakuyom ang mga kamay sa sobrang pagpipigil sa sakit na nadarama nang biglang ginalaw ni Lily ang kutsilyo sa binti niya.
"Sinisigurado ko lang na hindi ka makakatakbo."
"Ano'ng kailangan mo sa 'kin?" sabi ni Ryner habang iniinda ang sakit.
"I want you gone."
"Then you should've kill me instead of tying me up."
"Nah. That would be boring. And besides, I love you, you know." Napasigaw ulit si Ryner ng biglang ibinaon ulit ni Lily ang kutsilyo sa isa niya pang binti. "Bakit kasi hindi mo tinatanggap ang pagmamahal ko sa 'yo?"
"Your rotten love? Sino'ng may gusto no'n—aggh!" napainda siya nang may sumipa sa kanya sa tagiliran.
"It's okay, Joe. He'll die anyway," pahiwatig ni Lily.
Believe it or not, Lily is Ryner's ex-girlfriend. Pero hindi naging sila dahil sa pagmamahal. Ang tatay ni Lily ang unang leader ng Beehive. Only a few knew him or knew how he looked like. He was ruthless. He had his own rules. Dahil sa kanya mas kinakatakutan ng ibang gang ang Beehive.
Then something happened on one night. Lasing siya noon. Kasama niya ang mga gang niya. Nagkataon lang naman na nandoon si Ryner at nakita niya ang lahat ng nangyari. A woman accidentally bumped Beehive's leader. Sa sobrang inis ay naitulak niya ito sa daan. Her head hit a big rock at nawalan siya ng malay. Nataranta ang ilang Beehive pero kalmado lamang ang leader nila. He gestured them to carry the woman. Sinakay nila ito sa isang van. At akala ni Ryner 'yon lang ang nangyari. Hanggang sa ibinalita kinaumagahan na namatay ang babaeng 'yon dahil sa tama sa ulo at natagpuan ang katawan niya na palutang-lutang sa ilog. It weigh a heavy regret to him. Akala niya dinala nila ang babaeng 'yon sa ospital, imbes ay tinapon pala nila ang katawan nito sa ilog. Hindi nasikmura ni Ryner ang ginawa ng Beehive. Kahit hindi niya kilala ang babae ay gusto niya itong bigyan ng hustisya. Kinuwento niya ang lahat ng nasaksihan niya sa Owl. At sumang-ayon ang mga ito sa gusto niyang mangyari. But they're missing a piece. A single chess piece. Isang bagay na kakailanganin nila para magtagumpay ang plano. Habang hindi nila 'yon nakukuha, hindi sila makakapagsimula.
Beehive is a very secretive gang. They don't want to be in the spotlight, they're more suited within the shadows. At dahil do'n mas naging mahirap para kina Ryner ang paghahanap sa kanilang hideout.
And then she came. Lilith Dane came, the daughter of Beehive's leader. Who would have thought that she's the missing piece for the completion of Ryner's plan? He became her boyfriend. They shared secrets to each other, secrets that led Ryner to proceed to his plan.
Nadulas si Lily at nasabi nito ang kinaroroonan ng Beehive. She was bragging about her father's gang, afterall. Kinontact agad ni Ryner ang mga pulis. But then nahuli siya ni Lily at nasabihan nito ang ilan sa mga kasama niya. Doon din nalaman ni Lily na leader din ng isang gang si Ryner. Fortunately, mas mabilis ang mga pulis. Pero iilan lang ang nahuli nila at kasama na roon ang leader ng Beehive. May iilan pa ring nakatakas kasama si Lily.
"The moment that my gang will be born again, you have to watch your back, young man. You'll be hunted. After all, you chose my daughter as your enemy."
Iyon ang huling sinabi ng tatay ni Lily bago siya dalhin ng mga pulis. Pagkatapos ng insidenteng 'yon ay wala ng balita kung saan napunta ang mga nakatakas na Beehive members. Tapos ay umalis si Ryner sa Owl at iniwan kay Cedric ang gang.
Mahigit isang taon na simula noon at 'di inakala ni Ryner na ngayon pinili ng Beehive na sumulpot. He can't even feel his legs anymore. Nakailang saksak na ba si Lily sa mga binti niya? Pito? Walo? Hindi niya na matandaan. Nanghihina na siya. Kahit paningin niya ay lumalabo na rin. He lost a lot of blood.
"You can choose where to die, Ryner," Lily said. "The river or the ocean?"
"Go..to hell, bitch" Ryner manage to say while maintaining his consciousness.
Tumawa si Lily. "You're really something, aren't you? Nagbabakasakali ka pa ba na may tutulong sa 'yo? How pathetic." She pressed her lips against his. "I love you, Ryner. But I'm done with you. You can die now." She gestured one of the bulky guys named Joe. "Drown him. River or ocean, I don't care as long as he's dead."
Tumango naman si Joe at binuhat na parang sako ng bigas si Ryner at nilagay siya sa likod ng truck.
,
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Kiss | ✔
ChickLit#2 in ChickLit last Nov. 2016 __ Sinclaire University's nemesis has always been the St. Blue Academy. Unbeknownst to all, the student council president of Sinclaire, Mavis, is also the long time rival and target of bullies of the student council pre...