[40] A Sheep in a Wolf's Clothing

4.1K 110 2
                                    

BAKIT nga ba mahal kita kahit 'di pinapansin ang damdamin ko?

"Goth girl, could you shut that off?" Reika gave Kisa an irritated look. Bigla kasing tumunog ang kantang Bakit Nga Ba Mahal Kita habang kumakain sila ng cheesecake. Nasa bench silang dalawa ngayon na nasa park at hinihintay ang mga kasama nila.

"Huh?" buong pagtatakang naitanong ni Kisa at napahinto sa pagsubo ng cheesecake. "Ano'ng pinagsasabi mo? Hindi kaya sa 'kin 'yon. It's that man over there."

Bakit nga ba mahal kita kahit na may mahal ka mang iba?

Tinakpan ni Reika ang mga tainga at lumingon sa kaliwa niya. May lalaking nasa mid-30s ata at nakaupo sa kabilang bench at nakasuot ng itim na jacket na may hoodie. Nasa kaliwang kamay nito ang cellphone, kung saan nanggagaling ang kanta, at nasa kanan naman ang isang can ng rootbeer. Tinitingnan niya pa lang ang mama ay parang na-gets niya na kung ano ang problema nito.

"Rei, saan ka pupunta?" tanong ni Kisa nang tumayo bigla si Reika.

"Just a second," said Reika. Inilapag niya ang kinaing cheesecake sa tabi ng kaibigan.

Napasubo na lang ulit si Kisa ng cheesecake nang makita niyang papunta si Reika sa kabilang bench. "There she goes again."

"Hey..." saktong tumingala siya at nakita ang mukha ni Darren. His dark hair shines under the sweet sunlight. Dala niya ang coke float na tinext sa kanya ni Kisa kanina. He leaned down and gave her a quick kiss on the cheek. "'Sup? Kanina pa ba kayo?"

Seeing him made Kisa smile. "Nope. Thanks pala sa coke float."

"No problem. Ah, si Ryner pala." Darren gestured to his right kung saan nakatayo si Ryner at nakatingin naman kay Reika na nasa kabilang bench.

"I know him. Siya 'yong kapatid ni Sir Ryle, 'di ba?" tanong ni Kisa at tumango naman si Darren.

"Hi," bati ni Ryner sa kanya. "Umm, sino 'yong mama na kausap niya?"

Tumingin silang tatlo sa direksyon ni Reika. "Oh. Don't worry. She's always doing that."

"Always?" kumunot ang noo ni Ryner sa sinabi ni Kisa.

"Yup. Kapag may nakita siyang tao na nasa parehong sitwasyon katulad ng sa kanya, nilalapitan niya agad at kinakausap."

"Even strangers?" tanong ni Darren na mukhang na-curious din.

Tumango naman si Kisa. "Well, yeah. She hates seeing people like that. Iyong may mga sugat sa puso na gustong mapag-isa. Maybe for her, it's like seeing her old self."

For a moment, they all stared at Reika who's talking with an adult man. Parang ang lalim kasi ng pinag-uusapan nila. Umupo naman ang dalawang lalaki sa bench. "Hindi ko alam na magkakilala pala kayo," puna ni Kisa at binalingan ng tingin ang dalawang lalaki sa tabi niya.

"Member kasi siya ng student council. He's the auditor," sagot sa kanya ni Darren. "Hindi ko nga inakala na magkakilala si Ryner at si Reika."

"Tutor ni Rei si Kuya," Ryner said. "She's always coming at our house for her tutorials, so, yeah. By the way, sure ba kayong ayos lang na sumama sa inyong dalawa? Hindi ba kami makakaistorbo sa date niyo?"

"Date?" Napatawa si Kisa. "Bibili lang kami ng gift para sa Mommy ko."

"Yep. 'Tsaka bibili rin ako ng gift kay Ate Hina. Malapit na kasi ang birthday niya," segunda naman ni Darren.

"No, I mean—"

"'Tsaka sabi mo may bibilhin ka rin," putol ni Darren kay Ryner. "And I heard Reika wants to buy something too."

The Bad Guy's Kiss | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon