[o5] Concerned

5.5K 196 21
                                    

NASA hapag-kainan ang buong pamilya Arvilla at si Mavis. Kanina pa kwento ng kwento si Connie tungkol sa gwapong editor niya at sa cute nitong anak pero nanatiling tahimik sina Mavis at Yohan. Ang tanging nagsasalita lamang ay sina Connie, Tito Aki, at si Tita Mira.

"Tapos na po ako, mauna na ako sa kwarto," sabi ni Mavis habang tumatayo.

"Pero darling Mavis parang tatlong beses ka lang sumubo, a. Hindi mo ba nagustuhan ang luto ni Manang Ines?" tanong ni Tita Mira.

"Uhh, hindi po. Masarap nga po, e. Talagang busog lang po ako. Thank you, Tita." At pagkasabi niyon ay tumalikod na siya at umakyat ng kwarto niya.

Pagkaalis na pagkaalis ni Mavis ay sabay na tumingin ang tatlong Arvilla kay Yohan.

"What?" patay malisyang tanong naman ng binata at patuloy lang sa pagsubo ng vegetable salad niya.

"Pumpkins, ano na naman ang ginawa mo?" Agad na tanong ni Connie sa kanya habang tinututukan siya ng tinidor.

"I did not do anything. And would you knock it off? 'Wag mo akong tawaging 'pumpkins' Connie." She just rolled her eyes at sinubo ang isang malaking slice ng karne causing Yohan to grimace since he's a full-pledged vegetarian.

"Yohan. Tell us the truth." Si tito Aki naman ang nagsalita.

Napabuntung-hininga si Yohan. Nawalan ata ng gana. Mukhang alam na nito kung saan hahantong ang usapan. "Salamat sa pagkain." At umalis siya doon nang hindi lumilingon.

"Yohan," tawag ulit ni tito Aki pero tumakbo si Yohan papunta sa kwarto nito.

Nagkatinginan sina Connie at ang mga magulang niya.

"Noong kalong ko pa lang siya, feeling ko anghel ang kinakalong ko. Bakit ngayon.. Honey, saan napunta ang anghel natin?" nasabi na lamang ni Tita Mira kay Tito Aki.

"18 is a rebellious age, honey. Take Connie for example."

"Hey, what did I do?" kontra naman ni Connie sa sinabi ng tatay.

"You have six boyfriends that time. At 'di lang 'yon, sabay-sabay pa sila," Tita Mira pointed out.

"It's not my fault, mommy. They were captivated by my exquisite beauty na nagmana sa 'yo. 'Di ba daddy?"

Tumawa si tito Aki. "You got that right honey."

Nag-appear ang mag-ama.

**

Napasampa si Mavis sa kama niya.

Nakakainis, bulong niya sa utak habang tinatakpan ang mukha ng unan.

Nakalimutan niyang dito pala siya kasalukuyang nakatira sa bahay nina Yohan. Kahit ano'ng iwas niya sa lalaki ay makikita niya pa rin ito sa bawat sulok ng bahay nila.

She sighed and opened her laptop. Nagdesisyon na lang siyang mag-Facebook na lang muna. She clicked the official site ng Sinclaire. Pero nang makita niya ang mga status na nandoon, she regretted clicking the link.

Shiela Maganda posted: Akala mo kung sino'ng santa may baho rin palang tinatago #SUpres

Ako si Cute posted: Living with St. Blue's pres? How slutty. #MGM

Give me Love posted: Ano na lang ang mangyayari sa moral code ng Sinclaire?

Kupida posted: She should step down from her position. Kahihiyan ang dala niya sa Sinclaire.

Agad niyang tiniklop ang laptop at dumapa sa kama. Kinuha ang unan at itinakip uli sa mukha niya. Saka siya sumigaw sa galit at nagpagulong-gulong sa kama.

Hindi ako iiyak.

Hindi ako iiyak.

Hindi ako iiyak.

She chanted to herself habang hinihingal.

Lumabas siya ng kwarto at pumunta sa kusina. Naghanap siya ng icecream sa ref. Sweet things usually calm her mind.

Nakakainis. 'How slutty' daw, pakain ko sila sa pating, e. Normal lang ba talaga sa tao ang magjudge ng kapwa nila kahit na hindi pa nila alam ang katotohanan? Tsk. This generation is twisted.

Binuksan niya ang refrigerator and fortunately may vanilla-flavored ice cream doon. Kumuha agad siya ng kutsara at umupo sa gilid ng kitchen sink.

"What are you doing?" Kamuntik niya ng mabitawan ang kutsarang hawak na puno ng ice cream na isusubo niya na sana. Halatang nagulat siya. Agad siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakita ang mukha ni Yohan.

Ugh. Bakit ko ba siya kailangang makita ngayon?

Hindi niya ito pinansin. Aba't ang kapal ng apog nitong kumilos ng kaswal sa harapan ni Mavis matapos ang sinabi nito sa eskwelahan nila.

"Hindi ka makatulog?" tanong ulit ni Yohan pero hindi siya pinansin ni Mavis. "You're eating ice cream?" he asked again.

This time, parang may nagtulak sa boses ni Mavis at binigyan ito ng sarkastikong sagot. "No. I'm eating poop," she replied and rolled her eyes.

Paano niya ako nakakausap ng normal ngayon samantalang kung makapagsalita siya sa 'kin kanina para siyang hari. At naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong tumulo ang luha ko sa harap niya kanina.

"At this hour? Alam mo bang ala-una na ng umaga? Sasakit ang tiyan mo niyan."

"Who died and made you my nagging mom?" patuloy lang na kumakain si Mavis habang kumukuha si Yohan ng tubig sa ref.

"What's with that attitude?" he asked at tiningnan siya ng masama ni Mavis. "What?" he questioned again.

"Kung makapagsalita ka parang nakalimutan mo na ang lahat ng mga sinabi mo sa 'kin." He turned to the other side and whispered something. Pero hindi clear kay Mavis iyon. Although it sounded like a cuss.

"Don't get the wrong idea, Mavis. That's me when I'm the Student Council president at parte 'yon ng responsibilidad ko. Now I'm your childhood friend and I'm concerned about your well-being. May pinagsamahan pa rin tayo."

"That, coming from the one na pinahiya ako sa buong eskwelahan namin. Lovely. At tsaka concerned? Sino? Ikaw?" Sinimulan niyang hugasan ang bowl na pinaglagyan niya ng icecream. Masarap sana kaso nawalan na siya ng gana.

"After all these years na pambubully mo sa 'kin? Magiging concern ka?" She glanced at him. Pero muling ibinalik agad sa bowl na hinuhugasan niya. "We're stuck with each other simula noong bata pa tayo dahil bestfriends ang mga nanay natin. 'Yon lang iyon. Hanggang doon lang. You became my nightmare since we met ages ago. You're the bad guy in my fairytale, the villain in my story. But don't expect na magpapatuloy 'yon."

Kinuha niya ang baso na may tubig sa kamay ng lalaki at ininom 'yon. "You're growing up Yohan, and I am too. I hope you'll realize that I'm not that little kid from years ago anymore."

She stormed out of the kitchen leaving him with the empty glass of water.

Leshe napapa-english ako ng wala sa oras. Dumiretso siya sa kwarto niya. Nasestress ako. Kailangan ko ng matulog. 

The Bad Guy's Kiss | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon