NANG bumalik sina Mavis at Yohan sa operating room ay wala na roon sina Reika. Baka tapos ng tahiin ang mga sugat ni Ryner at inilipat siya sa silid niya. Naabutan na lang nila roon si Sir Will na nakaupo sa pinakadulong upuan. Tinapi ni Yohan ang balikat niya at umupo sa tabi nito. Saka kinuwento niya kay Sir Will ang totoong nangyari kung bakit nabaril si Connie.
"The way she handles things is too reckless," puna ni Sir Will at kinamot ang batok niya. "Minsan gusto ko na lang siyang kadenahan at ilagay sa lugar na ako lang ang nakakaalam."
Biglang tinapunan ng tingin ni Yohan si Mavis. Then he tapped the older guy's shoulder. "I totally understand you, Sir."
Siniko naman siya ni Mavis.
"She's always been like that. Kahit noong una kaming magkita," sabi ni Sir Will at napasampa sa kinauupuan niya. "Believe it or not, she proposed to me when we first met."
"Wh—" muntik nang malaglag sa upuan sina Mavis at Yohan sa narinig nila. "A-ano raw?"
Napangiti si Sir Will sa naging reaksyon ng dalawa. Although for Mavis, it seemed like a happy and sad smile at the same time. "May book signing siya noon sa mall at sinamahan ko lang ang pinsan ko. I was just standing at the corner when she suddenly grabbed my hand and told me to marry her. Ako raw kasi ang ideal man niya. Sa sobrang gulat ko ay napatawa ako ng malakas. Nakatingin pa noon ang mga tao sa 'min. She peaked my interest so I told her that I will only marry her if she'll give me a son. Tumango naman siya agad. After that she really became my girlfriend."
Hindi maipinta ang mga mukha nina Mavis at Yohan. They're both wearing the 'are-you-serious' face. Nanatili lang silang tahimik habang patuloy sa pagkukwento si Sir Will. "I agreed to be her boyfriend dahil akala ko noon hindi magtatagal ang relasyon namin... pero akala ko lang pala 'yon. I seriously love her now. Wala na akong pakialam kung babae o lalaki ang ibibigay niya sa 'kin. I just really, really wanna marry her and build a family with her."
Kasabay nang pagsabi niya no'n ay ang pagbukas ng operating room at lumabas sina Tita Mira at tito Aki kasama ang ilang nurses. Mabilis namang napatayo sina Mavis, Yohan, at Sir Will. Kinuha ni Tita Mira ang face mask niya at biglang kinabahan sina Yohan ng makitang umiiyak ito. Si Tito Aki naman ay napasampa sa upuan na animo'y pagod na pagod. Nilapitan siya ni Yohan.
"Dad..."
"Ito ang unang pagkakataon na humawak ako ng scalpel na nanginginig ang mga kamay," sabi ni Tito Aki at tiningnan ang mga palad niya na hanggang ngayon ay mukhang nanginginig pa rin.
"Yohan..." napabaling si Yohan kay Tita Mira nang bigla itong magsalita sa likod niya. Mabilis naman siyang lumingon at sinunggaban siya ng yakap ng ina.
"Mommy, sabihin niyo na kasi—"
"She's safe." Animo'y nabunutan ng napakalaking tinik ang mga Arvilla na nandoon. Pati na rin sina Mavis at Sir Will. "They're both safe."
"Jeez." Kumawala si Yohan sa yakap ni Tita Mira at napaupo na lamang. "Don't scare us like that."
**
"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" tanong ni Sir Ryle kay Reika.
"Alam naman ni Mommy na nandito ako."
It's exactly 5:00 PM ng hapon at hindi pa rin nagigising si Ryner simula nang tahiin ang mga sugat niya kagabi.
"I'm really thankful na ito lang ang inabot niya," saad ni Sir Ryle at inabot kay Reika ang burger na binili niya sa hospital canteen. "Sabi ng doktor matatagalan pa raw bago siya makalakad uli. Pahihilumin daw muna lahat ng mga sugat niya."
"Umm... Sir Ryle..." napalingon ang lalaki sa direksyon niya. "Sorry. Hindi ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses noon. I mean, medyo sinadya ko pero... Ano..."
"I deserve it, Rei."
"Pero kasi—"
"Totoo lahat ng mga sinabi ni Cedric. Ayaw ko mang aminin pero totoo 'yon, nagmamatigas lang ako. Masyado kasing komplikado ang sitwasyon ng pamilya namin. Noong umalis si papa, wala akong confidence na mananatili sa 'kin si Ryner, I mean, kakahanap ko pa lang ng trabaho noon at hindi pa namin ganoon kakilala ang isa't-isa. Kaya nagulat ako noong hindi siya nagreklamo na tumira sa iisang bahay kasama ako."
He laugh. Nabigla si Reika. Ito kasi ang unang pagkakataon na nagkuwento si Sir Ryle tungkol sa pamilya nila. "But it was tough. Hindi kasi nagsasalita si Ryner noon. I don't have the slightest idea how to close the gap between us. But Ryner is family, too. Kaya siguradong magiging okay din ang lahat kahit kaming dalawa lang. Para nga akong ewan noon. I felt agitated over the small and trivial things. Palagi akong nag-aalala sa hapunan naming dalawa. Ako kasi ang tagaluto. Paano kung ayaw pala ni Ryner ng ganoong ulam o baka may allergy siya sa ganoong pagkain. Natatawa pa ako sa sarili ko noon."
Napangiti si Reika. "You're a good brother."
"You're making me blush, Rei."
"But I'm not lying. He's lucky to have you. You're a reliable adult and your kind and you have the qualities of my ideal man."
"Uhh... Rei?"
Reika pursed her lips. Alam niyang hindi ito ang tamang oras para sa ganito, lalo na sa harapan ng walang-malay na si Ryner, pero kailangan niyang bigyan ng kaliwanagan ang nararamdaman niya. She glanced at Ryner and inhaled some air of courage. Pagkatapos ay tumayo siya sa harapan ni sir Ryle. "I love you," she said while her face flushed. Napahinga siya ng malalim at umupo uli. She clutched her chest while Sir Ryle stared at her in disbelief. "Whoo! Gumaan ang pakiramdam ko dahil nasabi ko na 'yon sa 'yo."
"Rei, ano—"
Reika let out a soft laugh while looking at Sir Ryle's troubled face. "Don't worry, Sir Ryle. Hindi ako nag-e-expect ng sagot— I mean, alam ko naman kung ano ang isasagot mo. Gusto ko lang talagang sabihin 'yon sa 'yo. Ryner gave me this courage, he gave me this brave heart. Ayokong sayangin 'yon." Kumagat si Reika sa burger na binigay ni Sir Ryle sa kanya kanina. "And I told my mom to stop my tutorials."
"Baki—" bago pa makapagsalita si Sir Ryle ay nailagay na ni Reika ang palad niya sa harap ng bibig nito.
"I'm not doing this to forget you or whatsoever. I'm doing this to face Ryner's feelings directly."
Napailing na lamang si Sir Ryle pero hindi nito napigilang ngumiti. "I understand. Thanks for telling me you love me, Rei."
She chuckled. "I'll be wishing for your happiness with Ate Tris."
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Kiss | ✔
ChickLit#2 in ChickLit last Nov. 2016 __ Sinclaire University's nemesis has always been the St. Blue Academy. Unbeknownst to all, the student council president of Sinclaire, Mavis, is also the long time rival and target of bullies of the student council pre...