ILANG araw ng stuck sa utak ni Mavis ang sinabi ni Jade noong nag-date sila.
"Please reconsider me again. This time, hindi na ako aalis. I promise."
"H-Hindi ko kayang sagutin 'yan ng ganoon kadali. Give me time. Let me think it over."
She must admit that it gave her chills and a part of her felt overwhelmingly happy when she heard it from him. That's why she told him that she'll think it over first. Pero kada maalala niya ang mga sinabi ni Jade, palaging nagpa-pop-out ang mukha ni Yohan sa utak niya na animo'y default setting. She was caught up in the middle of the chaos in her heart. Pero bago ang lahat, may isa pa siyang kinakaharap na problema.
Kasalukuyan siya ngayong nasa harapan ng laptop at nasa tabi niya si Ate Blair. Magkakaroon daw sila ngayon ng 'family meeting' kaya naman naka-skype sila ngayon ng whole family niya. Nasa isang laptop sina Yuna at Harry—ang mga magulang nila— habang nasa kabila naman ang Kuya niyang si Levi.
"Good evening!" unang bati ng dalaga sa pamilya niya.
"Teka bakit nandiyan si Ate Blair?" tanong ni Levi na halatang gulat.
Ngumisi naman ang nakatatandang kapatid at inakbayan si Mavis. "Mula Christmas nandito na ako."
"That's sneaky," their father remarked.
"By the way, why the sudden call?" seryosong tanong ni Mommy Yuna. Napapailing na lang si Mavis. Kahit kailan talaga ang seryoso ng Mommy niya.
"Mom, chill. Wala tayong kaaway. May gusto lang akong sabihin." Tiningnan niya isa-isa ang mukha ng pamilya niyang nasa screen at huminga ng malalim. "First and foremost— Mom, Dad, wala tayo sa loob ng opisina kaya relax lang, okay? Please wipe off those business faces right away."
"Uhh... Okay." The two adults said in chorus.
Napangisi tuloy si Levi. Pero natigil 'yon ng siya naman ang tiningnan ni Mavis. "'Tsaka ikaw naman Kuya, you're pushing yourself too hard. Ang laki ng eyebags mo. Kumakain ka ba ng maayos? Huwag puro libro lang. Mas importante pa rin ang kalusugan."
"O-Okay."
Napatawa ng malakas si Blair. "Pinapagalitan kayo ng bunso natin? Jeez." Mabilis siyang lumingon kay Mavis at niyakap ito. "I love you, Mabs. Mana ka talaga sa 'kin."
"Ate, hindi ako makahinga."
"Aww. Sorry, sorry."
"Anyway..." pagpapatuloy ni Mavis. "I MISS YOU, GUYS!"
Napatawa na lamang ang ibang miyembro ng pamilya Madrigal.
"Don't worry, Geann," sabi ni Harry. Parang automatic na napangiti si Mavis nang sabihin ng Daddy niya ang second name niya. "Sisiguraduhin namin na nandiyan kami sa graduation mo."
"Daddy...!"
"It's a promise. Kaya konting tiis na lang, okay?" segunda naman ng Mommy niya.
Mabilis na tumango si Mavis at hindi niya napigilan ang malapad na ngiti sa mga labi niya. Konting tiis na lang— she kinda loves how that sounds.
"Umm... 'Tsaka nakapagdesisyon na pala ako kung ano ang gusto kong gawin pagkatapos kong grumaduate," she admitted honestly. "That's the main reason kung bakit ko kayo gustong kausapin ngayon."
Matapos ang usapan nilang dalawa noon ni Yohan, mukhang naliwanagan siya kung ano ang future na nararapat para sa kanya. She thought about it really carefully. And besides, she can't think of anything better suited for her than the idea that she have now.
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Kiss | ✔
ChickLit#2 in ChickLit last Nov. 2016 __ Sinclaire University's nemesis has always been the St. Blue Academy. Unbeknownst to all, the student council president of Sinclaire, Mavis, is also the long time rival and target of bullies of the student council pre...