IT IS a rare sight— seeing three St. Blue students with three Sinclaire students talking to each other as though they're very close friends despite the feud of their schools is a rare sight, indeed.
Nakaupo sa damuhan sina Kisa at Darren habang nasa bench naman sina Reika at Mavis at nasa paanan nito si Yohan na nakaupo rin sa damuhan. Napasampa naman si Ryner sa wheelchair niya. Kasalukuyan nilang kinakain ang box ng cupcakes na dala nina Kisa.
"Hey, sarap nito. Saan niyo binili?" tanong ni Mavis at sumubo ng isang cupcake.
"Ginawa ni Mommy," sagot ni Darren. "Kasama ang Mommy niya," he said again and pointed at Kisa.
Napatigil naman sa pagsubo ang iba at tiningnan silang dalawa.
"Magkakilala ang mga magulang niyo?" sabay na tanong nina Reika at Mavis.
Umiwas ng tingin si Kisa. "Si Mama lang at ang Mommy niya."
"I didn't know that Kisa's family owned a cakeshop. 'Tsaka mahilig kasi si Mommy sa mga 'yon at suki siya nina Kisa. Then they found out about us and—yeah, you can pretty much imagine what happened next," saad naman ni Darren.
The two girls, Mavis and Reika, giggled habang patuloy lang sa pagkain sina Ryner at Yohan.
"Isa lang ang hahantungan niyan." Napatawa si Mavis. Nag-appear naman sa kanya si Reika. "So, saan ang kasalan? Saan ang reception? Saan ang honeymoon?" she teased them and they both flushed. Napatawa lamang silang dalawa ni Mavis.
"Teka, bakit ba kami ang ginigisa niyo?" namumula ang pisnging tanong ni Kisa.
"Sorry. Sorry. Ang cute niyo kasi," sabi ni Mavis at kumuha ng isang cupcake. Tiningnan ni Yohan 'yon at biglang inagaw sa kamay ni Mavis. "Hey—!" kontra niya.
Napatingin naman sina Darren sa kanila. "Kainin mo na lahat 'wag lang 'to," sabi ni Yohan at inilayo ang cupcake para 'di maabot ni Mavis.
"Babayaran ko 'yong banana juice mamaya, 'wag mong agawin 'ya—aray!" daing ni Mavis nang pinalo ni Yohan ang kamay niya.
"Stupid. Kita mo na ngang mga mani ang toppings. Gusto mong maging rocky road ang balat mo?" aniya ni Yohan.
Napatigil naman ang dalaga. "Ah. Okay. Oo nga pala. Sorry."
"Ano naman ang problema sa mani? Allergy ba?" tanong ni Ryner.
Tumango naman si Mavis. "Madalas ko kasing nakakalimutan."
"Scatterbrain," Yohan muttered.
"Shut up." Mahina siyang sinapok ni Mavis.
"Hindi ko alam 'yon, Mabs. Buti na lang napigilan ka," saad ni Reika.
"Being childhood friends really comes in handy, isn't it?" Darren said while grinning at Yohan. Hindi naman siya pinansin ng huli. "Halos alam niyo ang tungkol sa isa't-isa."
"Teka, teka. May naisip ako," sambit ni Kisa habang nakaturo ang hintuturo sa langit. "Ite-test natin 'yan ngayon." Lahat ay nakatingin sa kanya. "I'll give a particular question at sabay kayong sasagot. Okay lang ba?"
"Sure," Mavis said.
"I don't mind. Pero sasagutin ko lang ang mga tanong na gusto kong sagutin," saad naman ni Yohan.
Kisa and Reika shared a grin and Darren gave Kisa a 'go-for-it' look. Nanatili namang tahimik si Ryner na animo'y na-a-amused sa pinapanood niya. "Okay. So, first question." She cleared her throat at inilagay ang kamay niya sa harap nina Mavis at Yohan na parang may hawak na microphone. "Ano ang paboritong sport ni Yohan?"
(A/N: Nasa left side ang mga sagot ni Yohan at nasa right side naman ang kay Mavis.)
"Basketball." / "He's a basketball freak, so basketball."
Tinapunan ni Yohan ng masamang tingin ang kababata. "'Basketball freak'? Pagkatapos mo akong pakitaan ng miraculous dunk mo na 'yon, ako 'yong basketball freak?" Tinuro niya ang sarili. "Ako? Are you friggin' kidding me?"
"You are one. Kahit 11:00 PM ng gabi nagba-basketball ka pa rin at hindi ako makatulog dahil sa ingay ng mga dribbles mo, basketball freak. Anyway, next question na, Kis."
Mahinang tumawa si Kisa at nagpatuloy sa pagtatanong. "Ano ang pinakaayaw ni Mavis sa pagkain?"
"Carrots." / "Carrots."
"Sino ang paboritong singer ni Yohan?"
"Wala." / "None."
"Paboritong anime ni Mavis?"
"One Piece." / "One Piece! Waaa~ Luffy~"
"Geez. You're annoying," puna ni Yohan pero nagpanggap si Mavis na walang naririnig. Nagpatuloy naman si Kisa.
"Sino ang unang crush ni Yohan?"
"Tss. Ate niya." / "Si Ate Blair."
"E, ang unang crush ni Mavis?"
"That jerk Ace." / "Si Ace."
"Best asset ni Yohan?"
"....." / "Mabait siya kapag tulog."
"What?" angal ni Yohan pero nagpatuloy lang si Kisa.
"Best asset ni Mavis?"
"She's tiny." / "....."
"Paano 'yon naging best asset ko?" kontra naman ni Mavis.
Tumawa naman ang iba nilang kasama pero nagpatuloy pa rin si Kisa.
"Alin ang mas gusto ni Yohan, steak o porkchop?"
"I'm vegetarian." / "None of those. Vegetarian, e."
"Saan ang kiliti ni Mavis?"
"Neck." / "Sa leeg."
"That's way too creepy, monster! Bakit mo alam 'yon?" sumbat ni Mavis.
Yohan grinned. "Just how long do you think we've been together, midget?"
"G-grabe. Na-overwhelmed ako. Okay. So last question na lang," sabi ni Kisa at napapailing na lamang. "Gaano ka-close ang family niyo?"
"The word 'close' won't even cut it." / "Sobra..? Hindi ko alam kung paano i-describe."
Nagkatinginan ang dalawa at mabilis din na ibinalik sa mga kaibigan ang mga tingin nila.
"Si Tita Yuna, 'yong Mommy ni Mavis, ang nagbigay sa 'kin ng pangalang 'Yohan'. It was taken from her full name which is Yuhannah. The same goes for her," Yohan said while pointing at Mavis with his thumb.
"Well, yep. The name 'Mavis' was taken from Tita Mira's name which is Miravis," pagsasang-ayon naman ni Mavis. "So...umm, nakapasa ba kami?" natatawang tanong niya sa mga kaibigan.
"Hindi ko alam kung papalakpak ba ako o ano," saad ni Kisa habang tumatawa ng mahina. "Good job, guys! 100 points!"
Napapailing na lang sina Reika at Darren.
"No wonder you two are a couple." Napatingin lahat kay Ryner. Nabigla naman siya sa binigay na reaksyon ng mga kasama niya. "Uhh... Mali ba ako?"
"Hindi kami," sabi ni Mavis. "We're not dating or anything."
"Ha?" nagtaka si Ryner. "Pero grabe ang galit ni Yohan noong pinagkalat kong nakatira ka sa bahay nila at—"
"Ry," awat ni Yohan. Ryner pressed his lips together wondering if he said something that wasn't supposed to be said. Don't tell me hindi niya pa alam...?
"Shit," nasabi na lang ni Darren.
Nakakunot naman ang mga noo nina Kisa at Reika.
"It was you...?" mahinang tanong ni Reika kay Ryner.
"But we all thought it was Yohan," saad ni Kisa.
Biglang napatayo si Mavis at nilapitan si Yohan. She closed the distance between them, tugged his collar and gripped the piece of cloth in her hand. Confusion was clearly plastered on her face while looking directly in his eyes. "What the hell was that supposed to mean?" she gritted her teeth. "WHAT THE HELL WAS THAT SUPPOSED TO MEAN, YOHAN?"
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Kiss | ✔
Literatura Feminina#2 in ChickLit last Nov. 2016 __ Sinclaire University's nemesis has always been the St. Blue Academy. Unbeknownst to all, the student council president of Sinclaire, Mavis, is also the long time rival and target of bullies of the student council pre...