"MAY plano na ba kayo sa future niyo?" tanong ni Mavis habang bini-braid ang mahabang buhok ni Reika. Nasa bahay sila ngayon ni Kisa para bumisita. Two days from now will be the party at the Arvilla mansion.
"I wanna be a chef," saad ni Reika at napatingin sa kanya ang dalawa niyang kaibigan.
"Chef?" pagdo-double check na tanong ni Kisa sa kanya.
"Yep. It seems fun watching the happy and satisfied faces of people when they eat the food you made. Nakaka-inspire kasi kapag ganoon. That's why after graduation ay kukuha ako ng entrance exam sa isang culinary school sa Cebu."
"Wha— Talagang aalis ka?" tanong ni Mavis.
"Aalis ako para sa kapakanan ng future ko," sabi niya at nilingon ang kaibigan. "It doesn't mean that I'm not coming back."
"May point ka rin naman. E, ikaw Kis?"
"Iti-train daw ako ni Mommy sa pagbe-bake. I'll probably take over our cakeshop. Tsaka..." she suddenly looked sad. "Pupunta si Darren sa Germany pagkatapos na pagkatapos ng graduation. Doon siya gustong pag-aralin ng papa niya para sa business nila. Kaya naman magfo-focus muna ako sa negosyo namin. I'm gonna make it big. At kapag bumalik na siya, ipagmamalaki ko 'yon sa kanya. I want to be a worthy girl for him."
Napangiti ang dalawa niyang kaibigan. "Aww. It's the power of love, Rei," sabi ni Mavis.
"Yeah, definitely love," segunda naman ni Reika.
"Geez. Stop teasing me. Ako na lang palagi ang tinutukso niyo," reklamo naman ni Kisa. "E, ikaw Mabs? Ano'ng plano mo?"
Mavis sighed. "I have no idea."
"Huh?" sabay na napatanong sa kanya sina Reika at Kisa. They're both pulling off a blank face while staring at their friend.
"Swear. Wala pa talagang nagpa-pop-out sa utak ko. I keep telling myself to decide already. Malapit na ang graduation pero wala pa talaga akong gustong gawin ngayon. Parang hindi pa nagsi-sink in sa utak ko na hindi ako magiging teenager habangbuhay."
"Don't worry, Mabs," sabi ni Kisa. "That kind of thing just comes naturally. Mare-realize mo 'yon sa panahong hindi mo ini-expect. Trust me. It happened to me too."
"Right, right. Don't rush. 'Patience is virtue', 'di ba?" saad naman ni Reika
**
One day before the Christmas party/Engagement party.
Isa dapat 'yong simpleng party lang pero dahil nasama sa gabing 'yon ang engagement party nina Connie at William ay naging formal party. That's why everyone who will attend must wear formal clothes. "Okay, so given that it will be a formal party, ako na ang bahala sa susuotin niyong dalawa," saad ni Connie habang nakapamaywang at nakatayo sa harapan nina Mavis at Yohan na nakaupo naman sa mahabang sofa. "Okay ba? Malinaw na ba?"
"May masama akong kutob diyan, Connie. Puwedeng magback-out?" pahayag ni Yohan.
"Nope."
"Why did I even ask?" he whispered to himself. "Hoy, midget, 'wag kang pumaya—"
"Okay din ako ro'n, Ate Connie." Mabilis na sabi ni Mavis at tiningnan siya ng masama ni Yohan.
"Bakit ka ba pumapayag palagi na maging barbie doll ng kapatid ko?" napatanong ng lalaki.
"Because I love Ate Connie."
"Aww. I love you too, cupcake," sabi ni Connie at binigyan ng halik si Mavis sa pisngi. "So kukunin ko na 'yong in-order kong mga damit niyo. Bye!"
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Kiss | ✔
Literatura Feminina#2 in ChickLit last Nov. 2016 __ Sinclaire University's nemesis has always been the St. Blue Academy. Unbeknownst to all, the student council president of Sinclaire, Mavis, is also the long time rival and target of bullies of the student council pre...