[26] Battle of Brains

4.1K 142 11
                                    

"WHAT the hell happened to you two?" tanong ni Darren kay Mavis nang makaupo na ito sa upuan niya sa ibabaw ng stage. Magsisimula na kasi ang Second Round at napansin niya na basa ang buhok nina Yohan at Mavis.

"N-Nothing," nauutal na sagot sa kanya ng dalaga. Pilit niya kasing iniiwasan na magtama ang paningin nilang dalawa ni Yohan. Naaalala niya pa rin ang nangyari kanina sa pool at sa tuwing bumabalik sa alaala niya 'yon ay nag-iinit ang mukha niya. She can still feel the warmth of his lips in her's. At hindi biro iyon dahil ni minsan ay hindi niya ini-imagine na si Yohan ang magiging first kiss niya. Kahit nga sa panaginip ay hindi pa nangyayari iyon.

Bumalik siya sa realidad nang mag-flash sa large screen ng stadium ang unang katanungan para sa Second Round. It was a Physics problem at agad niyang nasagutan iyon. Ewan pero mabilis na kumilos ang mga kamay niya. After mag-times-up ang host ay unang itinaas ni Mavis ang sagot niya. It was correct at hindi niya napigilang ngumiti.

Nahagilap ng paningin niya si Ate Connie na naka-thumbs-up. Pati ang malaking banner na may nakasulat na "GO SINCLAIRE! WIN SINCLAIRE!" na pinagpuyatan nina Reika at Kisa kagabi ay naka-flash sa harapan niya. It was just a single question that she got the correct answer but it brought back her winning spirit and her determination to win. Wala na siyang pakialam kung masakit ang ulo niya. Hindi niya hahayaang matalo at maging kawawa sa huli.

Unti-unti nang nababawasan ang mga contenders. The Second Round is the most crucial round of the competition. Dito kasi nangyayari ang elimination. Kapag nagkaroon ka ng two consecutive wrong answers ay mai-eliminate ka agad, kahit na mataas pa ang score mo sa First Round.

Mayroon kasing apat na Rounds ang competition. Ang First Round which is the 'patikim' kung baga sa mga contenders at sa audience, the Second Round which is the elimination round, ang Final Round kung saan magiging basehan ng next round— dito kinukuha ang mga may highest scores, usually above 70. And lastly ay ang Face-Off. Usually maximum of five contenders lang ang natitira sa round na 'to. Last year ay apat ang natira. Dapat kasi ay maka-score ka ng 120 points and above bago ka makapasok sa Face-Off Round. At hindi biro iyon.

Tiningnan ni Mavis ang score niya, medyo malaki pa ang hahabulin niya para umabot sa 120 points pero konti na lang para makahabol siya sa 70 points na kakailanganin para sa Final Round. Iyong ibang may mga matataas na scores sa First Round ay minalas sa Second Round at na-eliminate.

Hindi nagtagal ay natapos ang ikalawang bahagi ng kompetisyon. Tumingin siya sa screen kung saan nakalagay ang mga pangalan ng school na natira. Napahinga si Mavis ng maluwag nang makita na nandoon ang pangalan ng Sinclaire. Pati ang Marigold, Baskerville, at St. Blue na may magkakalapit na scores ay nandoon din.

"Bumabawi, a." Napalingon siya nang marinig na magsalita si Darren sa tabi niya.

Hindi napigilan ni Mavis ang mapangiti. "I won't lose that easily," saad niya.

Madaling natapos ang ten-minute intermission number para sa Second Round. Nang magbigay ang signal ang isa sa mga staff ay bumalik na ang 11 contenders sa stage. Nang makaupo si Mavis sa upuan niya ay hindi sinasadyang nagkatinginan sila ni Yohan. Bigla niyang binawi ang tingin. Any time soon, parang lalabas sa dibdib niya ang puso niya. She ended up clutching her chest.

"Inaatake ka ng asthma?" tanong ni Darren at umiling siya.

"Ah, hindi. Wala 'to."

"E, kasi narinig kong tinawag ni Yohan 'yong coordinator at sinabing inaatake ka."

"Ha?!" Hinanap agad ng mga mata ni Mavis si Yohan at nang makita niya ito ay nag-uusap nga sila ng coordinator. Agad niyang tiningnan si Ate Connie na puno ng pag-aalala ang mukha. Mabilis niya itong sinenyasan na mali ang akala nilang inaatake siya. Na-gets naman agad 'yon ni Ate Connie at agad na nilapitan si Yohan. Muntik nang matawa si Mavis dahil nakita niyang kinurot ni Ate Connie ang kapatid sa tagiliran. Ewan lang kung may ibang nakakita no'n. Siguradong mapapahiya ang Earl of St. Blue.

Without further ado ay sinimulan na ng host ang Final Round. Habang patagal ng patagal ay nagiging pahirap ng pahirap ang mga questions. Narinig pa nga ni Mavis ang mga buntung-hininga ng mga kapwa niya contenders. Pero medyo nakahinga siya ng maluwag dahil doon. At least alam niyang hindi lang siya ang nag-iisang napapasubok ngayon. Bawat flash ng answers ng mga contenders ay gayon naman ang mga hiyawan ng mga estudyante. Kanya-kanyang cheers sa bawat schools na natira.

Unlike sa mga nagdaang rounds, iba ang Final Round dahil sa round na 'to hindi pinapakita ang mga scores. Tanging ang mga tamang sagot lamang ang naka-flash sa large screen na nandoon. Mismong ang tatlong judges lamang ang nagta-tally ng scores.

Nang matapos ay isa-isang in-announce ng host ang mga hindi makakapasok sa Face-Off. Isa-isang natanggal ang ilang contenders hanggang sa apat na lang ang natira at 'yon ay ang Top 4 last year. Laking pasasalamat ni Mavis. Pero nagulantang ang lahat nang banggitin ng host ang pangalan ng Marigold University. Nanlulumong bumaba ng stage si Shane Harris. A petite and red-haired girl hugged him and patted his back. Mukhang girlfriend niya. Ngayon ay tatlo schools na lang ang natitira. Pero mas ikinagulat ng lahat nang nagsalita ulit ang host. Hindi mawari ni Mavis ang nangyari dahil halos mabingi na siya sa mga tili at palakpakan na naririnig niya. Huli na nang makita niya ang anino ni Sandrei Ken Arriego na bumababa ng stage. Tumingin siya sa katabi niya at katulad niya ay nagulat din si Darren sa naging resulta ng Final Round.

Nakita ni Mavis sina Kisa at Reika na tumatalon-talon. Pumapalakpak naman si Ate Connie at napapailing na lang si Yohan. Everyone was overwhelmed. Hindi nga makapaniwala si Mavis na pati ang iba niyang mga schoolmates ay sumisigaw din ng suporta sa kanya. Gayon din ang mga schoolmates ni Darren. The heat of the competition is getting into them.

Having only two individuals competing for the Face-Off is unheard of in the whole history of the scholastic competition. The crowd went in chaos nang i-confirmed ng host na sina Darren at Mavis nga ang maghaharap sa Face-Off. It's a battle of brains between St. Blue Academy and Sinclaire University.

The Bad Guy's Kiss | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon