JADE seemed to be on edge— iyon ang napapansin ni Mavis simula nang bumalik siya mula sa restroom. Kumakain sila ngayon ng tanghalian. Pagkatapos nito ay manonood sila ng sine, nag-aya kasi si Mavis.
"Hey, may nangyari ba?" hindi niya napigilang itanong sa lalaking kaharap.
"Hm? Wala naman," sagot nito sa kanya.
"Liar."
Jade let out a soft laugh. "Talaga bang wala akong matatago sa 'yo?"
"Kung ayaw mong malaman ko, itago mo ng mabuti."
"You're pretty sharp these days."
"I'll take that as a compliment," she said and took a bite in her fried chicken. "So? Ano na 'yon?"
"Looks like I found myself a rival."
"A rival?" napatawa si Mavis. "Talaga? Rival saan?"
"Err... You don't have to know."
"Stingy."
"Anyway, bilisan mo baka hindi tayo makaabot sa movie. Teka, bakit mo pala gustong manood ng Fast and Furious 7? Akala ko kanina nang tanungin kita kung ano'ng movie ang gusto mong panoorin, I expect something na romance or horror. But this time, you chose action."
"Nah. No particular reason," sumubo ang dalaga ng kanin. "Nakalimutan kasing i-download ni Yohan."
Napatigil si Jade sa pagsubo nang kinakain niya. "So siya ba ang taga-download ng movies?"
"Kinda. Tinatamad kasi ako. When I'm asking him a favor to download this movie or that, he really complains a lot, mind you, a lot, but he'll do it anyway. 'Tsaka palagi rin siyang nagrereklamo kapag inaaya ko siyang manood ng horror movies hanggang umaga, pero hindi rin naman siya umaalis. 'Tsaka—Teka bakit ba siya ang topic natin?"
"You seem to be awfully happy while talking about him."
"Nah. No can do. That foul-mouthed jerk always, always, always complains about everything. Hindi ko nga maintindihan kung bakit niya piniling maging vegetarian. Tapos magrereklamo siya na puro karne na lang daw ang kinakain namin. Tsk. 'Tsaka palagi niya na lang sinosolo si Bucho. He's always pissing me off. Walang araw na hindi kami nagkakasagutan sa bahay. Plus he's—" Napatigil si Mavis at napahawak sa bibig niya. "Sorry. Siya na naman ang lumalabas sa bibig ko. Jeez, that jerk."
Uminom si Jade ng coke. "You're really into him."
"Of course not!"
Napatawa ng mahina si Jade. "Joking! Just joking."
Naghahanap lamang si Jade ng tamang pagkakataon para sabihin kay Mavis ang gusto niyang sabihin simula pa kanina. Pero hanggang sa lumabas sila sa sinihan ay hindi niya matyempuhan ang magandang mood. Lalo na nang maalala niya ang napag-usapan nilang dalawa ni Mavis kaninang kumakain sila. Now, he really regret that he left her for more than one year.
"You really have that sour face, Jade. You're creeping me out."
"Huh?" nabalingan niya ng tingin si Mavis. "What do I look like now?"
"Gorilla."
"Gori— Imposible."
Napatawa na lang si Mavis habang nakaupo sila sa tabi ng dagat at nakaharap sa sunset. Now that it comes down to this, ito na ang perfect chance ni Jade para sabihin sa dalaga ang main objective ng araw na 'to.
"Mav—"
"Talagang hindi mo binalik sa dati ang kulay ng buhok mo." Naunahan siya ni Mavis sa pagsasalita. After hearing that, he unconciously reached his head and touched his hair.
"I kinda like this color now."
Tumawa ng mahina si Mavis. "Indeed. Ang cool mong tingnan kapag ganyan."
"Then I must be thankful na natalo ako sa pustahang 'yon."
"You underestimated us. It's your fault."
"Hindi ko naman kasi ini-expect na tutuparin mo ang sinabi mong ita-top mo lahat ng subjects mo sa exam na 'yon."
Mavis gave him a 'V' sign and a triumphant smile. "It's all thanks to that monster."
"Huh?" naitanong ni Jade.
The girl hugged her knees at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Because of his constant teasing to me, I ended up competing with him. Hindi ko nga lang na-realize 'yon hanggang sa lumabas na ang resulta nang pinaghirapan kong pag-aaral. Before I even knew it, I challenged him as my rival."
"Did he accept that challenge?"
"Kinda."
Pagkatapos no'n ay lumipas ang mahabang katahimikan. Nagtaka tuloy si Mavis dahil tumahimik si Jade pagkatapos ng pag-uusap na 'yon. Napakunot ang noo ng dalaga.
"Uhh... Jade?"
"Mabs..." Mabilis na napalingon ang ulo ni Mavis sa lalaki. Nagulat kasi siya sa tono ng boses nito. There's something edgy on his voice that she can't explain. "Nagalit ka ba nang umalis ako?" seryosong tanong ni Jade. Sa puntong 'yon, hindi agad nakasagot si Mavis sa kanya. Imbes ay napatingin lamang siya sa mga alon na nag-uunahan sa dagat na nasa harapan nilang dalawa.
"I did," sagot niya kay Jade. She rested her chin in her knees at hinayaan na liparin ng hangin ang buhok niya.
The guy flinched and pressed his lips together. Biglang bumigat ang naramdaman niya. Mukhang mas lalong nababawasan ang isang milimetrong posilibilidad na mayroon siya. Is it too late? Wala na ba siyang pag-asa? Kung ganoon, ano pang silbi ng pagkikita nilang dalawa ni Yohan kanina?
"Nagalit ako ng umalis ka," pagpapatuloy ni Mavis. "Pero kapag naaalala ko ang rason kung bakit ka umalis, hindi ko magawang magalit sa 'yo ng lubusan. I mean, you did the right thing. Kahit naman ako ang nasa posisyon mo, gagawin ko rin ang ginawa mong 'yon. Kung nagalit man ako, galit 'yon para sa sarili ko at hindi sa 'yo."
"Teka... Sure ka bang...?"
Napatawa si Mavis. "Kung galit ako, wala ako ngayon dito. Anyway, ano na 'yong gusto mong sabihin sa 'kin?"
Animo'y nahimasmasan si Jade. For a second there, parang biglang nawala ang confidence niya. Dahil ba takot siyang magalit si Mavis sa kanya? Maybe. In fact, being hated by the girl beside him is one of his greatest fear. He's not being a coward, that's just the kind of person Jade is. He's afraid to be hated by the people he loves more than anything.
"Mabs... If I tell you this, you can't run away, okay?"
Naging seryoso ang mukha ni Mavis. Tumango siya at tahimik na inabangan ang susunod na sasabihin ng katabi niya. Desidido naman si Jade. There's not a single regret left in him. If he gamble on this slight chance, might as well lay his bet in advance.
He suddenly grabbed the girl's hand and took a lot of breath. "Will you give me a second chance?" he asked. Mavis pursed her lips together and blink twice. Pero bago pa man siya makasagot, mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Jade sa kamay niya. "No, wait. Let me change that," he said. "Please reconsider me again. This time, hindi na ako aalis. I promise."
A%
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Kiss | ✔
ChickLit#2 in ChickLit last Nov. 2016 __ Sinclaire University's nemesis has always been the St. Blue Academy. Unbeknownst to all, the student council president of Sinclaire, Mavis, is also the long time rival and target of bullies of the student council pre...