[27] Who Won?

3.8K 131 12
                                    

NAGULAT si Mavis sa mga nakalagay sa table niya na mga chocolates at kung anu-ano pang mga matatamis nang pumanhik silang dalawa ni Darren sa backstage. Magsisimula na kasi ang last intermission number para sa Face-Off.

Napangiti siya sa maliit na note na nakaipit doon.

'Mega super duper uber goodluck Mabs! – R&K'

Na-gets niya agad na kina Kisa at Reika galing ang mga 'yon. Napapailing na lang siya habang sinusubo ang mga maliliit na kisses chocolate. Samantalang titig na titig naman si Darren sa walong maliliit na tsokolate sa mesa niya. May nakasulat kasing mga letra sa wrapper ng bawat chocolates. Nailagay niya ang kamay sa ilalim ng bibig na animo'y isang detective na nagso-solve ng isang kaso.

U L C D O K O G

"Ano'ng problema?" Napatingin siya sa pinanggagalingan ng boses at bumungad sa kanya ang mukha ni Mavis na kasalukuyang ngumunguya ng kisses. Nagkibit-balikat si Darren at tinuro ang mga tsokolate sa mesa niya. Nabigla siya ng biglang nag-flash ang isang wild grin sa mga labi ng dalagang kaharap. Napataas tuloy ang kilay niya.

"You're wondering who gave you these chocolates," puna ni Mavis. Tumango si Darren. Isa-isang kinuha ni Mavis ang mga maliliit na tsokolate at in-arrange ang mga letters sa harapan ni Darren. Nang matapos gawin 'yon ni Mavis ay parang biglang may kumublit sa puso ng lalaki. He can't help but smile.

G O O D L U C K

"She's so sly," saad ni Darren na napapailing na lamang.

"I know," pagsasang-ayon naman ni Mavis. "That's why Kisa is Kisa."

"But maybe that's why I love her."

Mavis smiled. "Corny mo, loverboy," she teased. "Goodluck sa 'tin. Don't let your guard down, St. Blue. Baka makuha ko ang trono niyo." She stretched her hand towards him asking for a bumpfist.

"Right back at you, Sinclaire," sagot ni Darren at tinanggap ang bumpfist ni Mavis.

After ng sampung minuto ay bumalik na sa taas ng stage ang dalawang natirang contenders. Sinalubong sila ng mga hiyawan ng mga audience. Umupo ang dalawang contenders sa upuang inihanda sa kanila habang in-announce ng host na magsisimula na ang pinakahihintay nilang Face-Off. Mavis felt the continuous pounding of her heart. She whispered a short prayer at huminga ng malalim.

"First question!" sabi ng host. Math problem iyon. Trigonometry. After two minutes ay parehong itinaas nina Darren at Mavis ang mga sagot nila. Pareho silang tama at pumalakpak ang mga audience.

Nagpatuloy lang ang huling round na 'yon. Bawat tamang sagot ni Darren ay maling sagot ni Mavis at bawat tamang sagot ni Mavis ay maling sagot ni Darren. Walang nagpapatalo. Mas lalong umiinit ang Face-Off dahil sa hiyawan ng mga Sinclaire at St. Blue students.

Katulad ng mga nagdaang rounds, hindi rin pinapakita ang scores sa Face-Off. Tanging ang tatlong judges lamang ang may hawak no'n. Ang mga sagot lamang ang naka-flash sa screen at ang nakikita ng lahat.

Bumibigat na naman ang ulo ni Mavis. Puro problem solving kasi ang lumalabas na tanong at wala siya sa tamang kondisyon para mag-analyze. Mas lalo pa siyang kinabahan sa confidence na ini-emit ng kaharap niya. Parang hindi kasi nahihirapan si Darren. Kalmado lang ito habang nagsosolve. Lumipas ang higit kumulang isang oras ng pagbabatuhan ng mga katanungan. Nakahinga si Mavis ng maluwag ng matapos ang huling tanong. Mabuti na lang at nag-review siya kagabi ng mga formula na tinuro sa kanya ni Yohan. Naitama niya ang huling tanong.

Ngayon ay hinihintay na lamang ang resulta. Nagta-tally kasi ng mga scores ang mga officials. Nakatayo lang at nakaharap sa audience sina Mavis at Darren. Mas lalong kinabahan si Mavis nang iniabot na ang kapirasong papel sa host. Iyon na yata ang resulta. Mananalo ba siya? Mananalo ba si Darren? Malalaman na ng lahat.

"Matapos ang mahabang paghihintay!" panimula ng host. "We finally have a champion for this year's Scolastic Competition!" pumalakpak ang mga audience. Naramdaman ni Mavis ang paghina ng mga tuhod niya. Her vision became blurry. "With 215 points!" Narinig niya mula sa host. "This year's winner is no other than—"

Mavis felt her knees weaken. She staggered. Nag-blackout ang utak niya. Parang nagso-slowmotion ang paghulog ng katawan niya mula sa stage. Her conciousness is slowly fading away and all she could remember were the strong arms that prevented her from falling on the floor. She also heard gasps from the audience. But the moment na ipinikit niya ang mga mata niya ay hindi na siya nakahanap pa ng lakas para imulat itong muli.

**

Puting kisame ang sumalubong kay Mavis nang buksan nito ang mga mata niya. She can smell the scent of dissinfectants around her that's when she realized that she's in the hospital. Si Ate Connie ang kasama niya roon na kasalukuyan namang natutulog sa sofa. Napangiti siya ng makita ang tatlong banana juice na nasa tabi niya. Tiningnan niya ang orasan; 1:00 PM na ng hapon. She sighed. Tatayo sana siya para pumunta sa CR nang biglang may sumagi sa isipan niya. Naalala niya ang mga nangyari bago siya mawalan ng malay.

Ang competition! Shit! Nahimatay ako bago i-announce ang winner. Damn. Why did I miss the most important part? Paano ngayon 'yan? Who the hell won?!

sion!

The Bad Guy's Kiss | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon