"VICE pres, heto 'yong dapat pirmahan ni Yohan."
"Mm. Lagay mo na lang diyan at ibibigay ko sa kanya mamaya," sagot ni Darren.
Lumapit sa kanya ang treasurer ng student council. "Darren sorry, nakalimutan kong i-update ang budget notebook natin."
"Don't worry. Ako na ang bahala."
"Hindi pa rin ba pumapasok si Ryner?" tanong ng secretary. "Tambak na ang trabaho niya. Darren pa'no 'to?"
"I'll take care of it later."
Napabuntung-hininga si Darren habang tinitingnan ang mga papel na nakatambak sa table niya. One thing that Darren hates about himself is that he doesn't know how to refuse others.
He was raised to become the proper heir of the Yanson Corporation that's why he knows stuffs kahit gaano pa ka-complicated 'yon basta tungkol sa deductions and analization.
It was past 6:00 PM at nasa Student Council room pa rin siya. Nasa importanteng meeting kasi si Yohan ngayon kasama ang ilang student leaders ng ibang private schools. Siguro patungkol iyon doon sa parating na Scholastic Competition.
Ibinaba niya ang suot na eyeglasses at sumandal sa upuan. He then rubbed the bridge of his nose. Binuksan niya ang laptop at mukha agad ni Kisa ang nakita niya. Wallpaper niya kasi ito. Nagdownload siya ng picture ni Kisa mula sa Facebook. He smiled at himself. Ang creepy nitong ginagawa niya. Parang stalker. Well, whatever.
"Oh. So that's the goth girl. She's pretty." Naisarado niya ng wala sa oras ang laptop. Nagulat kasi siya sa boses ni Yohan na nagmula sa gilid niya.
"Sneaky little—hindi ka man lang kumatok?"
"Kumatok ako," Yohan said. "Kaso walang sumagot. Pagpasok ko absorb na absorb ka diyan kakatitig sa mukha ng nililigawan mo."
"Kakarating mo lang ba?" tanong ni Darren sa kanya para takpan ang kahihiyang nararamdaman niya.
"Nope. Pumunta pa ako kay Chairman Will bago dumiretso rito. So, ano? Sinagot ka na ba?" sabi ni Yohan na tumaas-baba pa ang kilay.
Umismid si Darren. "Wala pa."
"Thought so. Ang tibay mo talaga." Kinuha ni Yohan ang mga papel sa mesa niya. "Go home. Ako ng bahala rito."
"Ha? Teka trabaho ko 'yan," kontra ni Darren.
Iwinakli ni Yohan ang kamay niya. "This is not your job. Pinasa lang sa'yo. Ilang ulit ko bang sasabihin na dapat marunong kang umiling kung ayaw mo 'yong trabaho. Everyone is taking advantage of you dahil masyado kang malambot sa kanila. I'll finish this, umuwi ka na."
"Pero kakagaling mo lang sa meeting. Alam kong pagod ka rin."
"Mas pagod ka. Tingnan mo nga 'yang eyebags sa ilalim ng mata mo. Go home, Darren. Get some rest. This is an order."
Darren sighed. Wala talagang makakabali ng desisyon ni Yohan. Mukhang alam nitong nagpuyat siya kagabi. Alam kasi ni Yohan na nag-a-undergo si Darren sa training ng papa niya. Balang araw kasi ay sa kanya ipapasa ang kompanya nila kaya kailangan niyang pag-aralan ang mga transactions at ilang processes na nauukol doon. And he must admit that it's taking a toll in his entire system. Palagi siyang napapagod.
Niligpit niya ang gamit at kinuha ang bag. "Sigurado ka ba, Yohan?" tanong niya ulit sa kaibigan.
"Don't underestimate me. Sisiw lang 'to." 'Tsaka niya sinimulan ang pagpirma sa ilang papel na nandoon.
Napangiti si Darren. "I'll text Mavis na bilhan ka niya ng vanilla icecream."
"Wha—Hey! Kailan pa kayo naging textmates?"
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Kiss | ✔
Chick-Lit#2 in ChickLit last Nov. 2016 __ Sinclaire University's nemesis has always been the St. Blue Academy. Unbeknownst to all, the student council president of Sinclaire, Mavis, is also the long time rival and target of bullies of the student council pre...