ONE rainy morning.
"ATE BLAIR!?"
"Merry christmas! Nagulat ka ba?"
Mabilis na napayakap si Mavis sa Ate niyang nakatayo sa harap ng pintuan ng bahay ng mga Arvilla. Nasa likod nito sina Daniel at Riri. Simula noong nagpakasal sina Blair at Daniel ay nagdesisyon ang mga ito na mag-migrate sa Amsterdam. At noong isang taon ay nanganak si Blair sa panganay nilang si Rinnarose A.K.A Riri.
"Siyempre nagulat ako. Kailan kayo bumalik, Ate?" tanong ni Mavis.
"Two days ago. Sa hotel kami nag-s-stay ngayon."
"Ah. Tito, long time no see! Hi Riri!" bati niya at nilapitan ang dalawa. Nilaro nito ang mga kamay ng mahigit isang taon na pamangkin.
"Long time no see rin, Mabs," bati pabalik ni Daniel. "Ga-graduate ka na this year, right?" Tumango si Mavis. "May plano ka na ba sa future mo?"
"Pinag-iisipan ko pa, Tito. Sa ngayon gusto ko munang i-enjoy ang last days ko as a highschool student."
"Blair?" Napatingala silang lahat nang may tumawag sa pangalan ng kapatid ni Mavis mula sa itaas. It was Connie. Nakadungaw siya sa bintana niya mula sa second floor. "Waah~ Sabi na nga ba ikaw 'yan! Teka, pasok kayo sa bahay. Bababa lang ako." Napatawa na lamang si Blair habang ginigiya sila ni Mavis sa loob. Sumunod sa kanila ang mag-ama.
"Ito na ba si Rinnarose?" tanong ni Connie at lumuhod para tingnang mabuti ang bata na kalong pa rin ni Daniel. "Grabe ang genetics niyo, guys. Nakopya ng bata. 'Tsaka Dan hindi ka man lang pumangit? Ang unfair, a. Sayang nag-break tayo."
Napatawa na lamang ang mag-asawa sa sinabing iyon ni Connie. Pati nga si Mavis na nakikinig lamang sa kanila ay 'di mapigilang tumawa.
"Pero kung hindi tayo nag-break, hindi mo makikilala ang mapapangasawa mo ngayon," saad naman ni Daniel.
Connie snapped her fingers. "True."
Ang totoo niyan ay mayroong history ang tatlong nasa harapan ni Mavis ngayon. Ex-boyfriend kasi ni Connie si Daniel, at magkaibigan naman sina Blair at Connie. So, to make the story short, Daniel and Blair met through the ties of the Arvilla family and Madrigal. But it was all in the past and it seemed like they all accepted what happened. Kung hindi pa nila tanggap 'yon ay sigurado si Mavis na hindi sila makakatawa ng ganito ngayon. Mahahalata mo talaga na walang bahid ng hard feelings sa pagitan nilang tatlo.
"Ate Blair, dito ba kayo mag-s-stay?" tanong ni Mavis.
"Ha? Ah, may reservation kami sa hotel."
"Nope. Cancel that. Napaayos ko na ang kwarto niyo," sambit ni Connie habang nakapamaywang.
"Pero—"
"Why do you think I sent you the invitation in advance?" she grinned. "It's for you to stay here until the party."
Napapailing na lamang sina Blair at Daniel habang nagkatinginan. "Okay, okay. We lost. We'll stay here," sabi ni Blair. She let out a soft chuckle.
"Yay!" nag-appear naman sina Mavis at Connie.
**
"Yohan, gising ka na ba? Hihiramin ko muna si Bucho," tawag ni Mavis sa kababata mula sa labas ng kwarto nito. Kalong niya ngayon ang pamangkin niyang si Riri. Gusto niya kasing palaruin ito sa panda stufftoy nilang si Bucho habang nagkukwentuhan naman ang Ate niya, ang asawa nito, at si Connie sa sala.
"Tulog pa kaya siya?" tanong niya sa pamangkin na nakatingin lamang sa kanya. Imposible namang sagutin siya nito. Napatawa tuloy si Mavis.
"Yohan, papasok kami, a," sabi niya ulit at pinihit pabukas ang pinto ng kwarto. Naabutan niya si Yohan na nakatalukbong ng kumot at natutulog pa rin. "Hoy, monster, tanghali na gumising ka na riyan."
Hindi siya pinansin nito kaya nagdesisyon na lang si Mavis na kunin si Bucho. Iyon nga lang ay hindi niya kayang buhatin ito habang kalong niya si Riri. Masyado kasing mabigat para sa kanya ang stufftoy. "Pa'no 'yan, Riri? Gusto mo bang dito na lang maglaro?" napatawa ulit si Mavis. "Dito na lang ha? Okay? Waah~ Ang cute mo talaga. Akin ka na lang, please?" she gave her a flood of kisses in the cheek. "Pareho kayo ni Bucho, parehong cute. So dahil pareho kayong cute, maglalaro kayong dalawa," sabi niya at kinuha si Bucho sa tabi ni Yohan at pinahiga. Pagkatapos ay pinadapa ni Mavis ang pamangkin niya sa tiyan ni Bucho.
Mukhang nagustuhan naman iyon ni Riri dahil hindi ito umiyak. Tumawa pa nga ito. Nagustuhan yata ang lambot ng tiyan ni Bucho. Mabilis na kinuha ni Mavis ang cellphone at pinicturan ang pamangkin at ang stufftoy.
"Ikaw ang gagawin kong wallpaper, Rir—waah!" nagulat siya nang bigla na lang may humablot sa baywang niya. Napahiga tuloy siya sa tabi ni Yohan. Later she realized that it was him who pulled her waist. Uh-oh. Mabilis na pumaibabaw sa kanya ang lalaki.
"W-What— Don't tell me... Yohan, gumising ka!" She fought him. Pero mabilis na inilagay ni Yohan ang mga kamay nito sa balikat ni Mavis. "Not this again... monster, wake up! Bakit ba ganito ka palagi tuwing bagong gising? Para kang lasing!" Yohan leaned forward and reached her neck. "Stop! Dammit—'Wag sa leeg! 'Wag sa leeg!" Mavis blushed when she felt his cold lips touched her skin. "Shit." She shivered under him. Parang may kung anong kuryente na dumaloy sa kanya. "Yohan, stop.. shi.. stop."
Biglang napahinto si Yohan. Tila nakahinga naman ng maluwag si Mavis. Ang bilis-bilis nang tibok ng puso niya. She felt like any minute now, her heart will explode without any warning. Unti-unting umangat ang ulo ni Yohan hanggang sa magkatapat na ang mga mukha nila ng dalaga. He can see the clear view of Mavis' red face. At katulad ng dalaga ay parang uminit din ang mga pisngi niya.
"Wha—what are you doing, Mavis?!" bulalas nito.
"Stupid! Ako ang magtatanong niyan. What are you doing?!"
Mabilis na napaupo si Yohan. "Did I do it again?"
"You did." Tiningnan siya ng masama ni Mavis. "And it's worse this time."
Yohan's 'super-clingy-habit-when-he-wakes-up' started when his Tito Light gave them Bucho. Bata pa siya noon at palagi niyang sinasama si Bucho sa pagtulog at hanggang sa paggising. Kaya naman ngayon tuwing magigising siya, palagi siyang naghahanap ng puwedeng makapitan, mayakap— kahit ano. Everytime that happens, he's half-asleep, kaya wala siyang masyadong maalala tuwing tuluyan na siyang magising.
"E, bakit ka ba kasi nandito? 'Tsaka nasaan si Buch—" napatigil ito nang makita si Riri na mukhang nakatulog sa tiyan ni Bucho. "Kaninong anak 'yan? Sa 'yo?"
"Loko. Pamangkin ko 'yan. Anak ni Ate Blair."
"Nandito si Ate Blair?"
"Nasa baba. Dito raw muna sila hanggang sa Christmas part—ano na naman 'yang tingin na 'yan?" said Mavis when she noticed that Yohan is staring at her. No, not exactly at her but at her neck.
"Mavis... don't get mad, okay?"
Kumunot ang noo ng dalaga. "Mas lalo akong magagalit dahil sa tono ng boses mo. Ano 'yon? Stop with the creepy stare."
"Seemed like I left a mark on you."
"Mark?" nagtatakang tanong ni Mavis.
"A hickey."
"What?!"
"On your neck."
"WHAT?!"
Mabilis na tumakbo si Mavis papunta sa loob ng banyo at tiningnan ang sarili sa salamin. "Shit. Nandito nga! Yohan, kunin mo 'to."
"Don't ask for the impossible. 'Tsaka kasalanan mo 'yan dahil pumasok ka rito at kinuha si Bucho sa 'kin."
"Bakit ko naman naging nakasalanan 'to?" singhal na patanong ng dalaga. "Bakit? Binibigyan mo rin ba si Bucho ng hickey?!"
"Nagkataon lang," sagot naman ni Yohan at nagkibit-balikat.
"Nakakainis ka, jerk." She stomped her feet while walking towards him. Then she extended her hand to him like she was asking for something. "Give me a bandaid. A bandaid!"
The guy grinned an evil one. "What? Itatago mo? Sayang."
"Don't you 'sayang' me! Bigyan mo na kasi ako ng bandaid."
Napahiga na lang ulit si Yohan at 'di napigilang tumawa. "Goodnight ulit, midget."
"Hey!"
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Kiss | ✔
ChickLit#2 in ChickLit last Nov. 2016 __ Sinclaire University's nemesis has always been the St. Blue Academy. Unbeknownst to all, the student council president of Sinclaire, Mavis, is also the long time rival and target of bullies of the student council pre...