FOR a moment there, Kisa literally froze. Wala siyang may naibigkas nang sabihin ni Darren na hindi siya tunay na isang Yanson. Hindi niya alam kung ano ang mga tamang salita na pwedeng sabihin sa sitwasyong ganoon. Parang nanonood siya ng isang teleserye sa telebisyon. Although it was real this time. Words aren't enough to ease what Darren feels right now. He was hurting. It was as if she could even hear the breaking of something inside Darren. It was painful to watch him.
"It's going to be okay. Maybe not now...but eventually," she said while caressing the boy's hair. Nakahiga kasi ito ngayon sa mga paa niya at natutulog. Hindi siya umuwi sa kanila at pati na rin si Darren. Nag-stay sila sa isang bench malapit sa bahay nina Kisa at doon na rin nakatulog ang lalaki. She wiped his slightly wet eyes. Siguro ay nagkakaroon ito ng hindi magandang panaginip.
"Nagising ba kita?" saad ni Kisa nang makitang mulat na ang mga mata ng lalaki.
"S-Sorry. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako," sabi ni Darren at mabilis na bumangon sa pagkakahiga. "I even made you my pillow."
"Nah. Okay lang 'yon," she said. "Saan ka pupunta?" tanong nito nang tumayo si Darren at kinuha ang backpack niya.
"...Uuwi muna sa 'min."
Lie
She could tell that much. Sa tono pa lang ng boses niya ay alam ni Kisa na nagsisinungaling ito. It's written all over his face. "Okay. Mag-ingat ka," ang tanging nasabi niya kahit na nag-aalinlangan siyang paalisin ang lalaki. Kinakabahan kasi siya sa kung ano ang gawin nito.
"Thank you, Kisa." He smiled and started to walk.
She stared at his back. Naalala niya tuloy ang mga napag-usapan nila kaninang madaling-araw. At hindi niya maalis sa isipan ang mukha ni Darren nang isinasalaysay nito ang totoong nangyari sa pamilya niya. About what really happened 17 years ago.
Nang magpakasal ang Yanson couple ay buntis na si Mrs. Genn. It was a forced wedding pero pumayag naman ang magkasintahan dahil mahal naman nila ang isa't-isa. Mr. Darvin was an only child. At sa kanya inaasahang magmula ang susunod na tagapagmana ng Yanson Corporation. Mrs. Genn's child should be male. Although something occurred na hindi nila inaasahan.
Nanganak si Mrs. Genn ng isang malusog na batang babae. Although they were overjoyed by the fact that the baby was born healthy, there was still that lingering uneasiness. Wala pa ring tagapagmana ang mga Yanson.
Years had passed. Malaki na si Hina, ang una nilang anak, pero hindi pa rin ito nasusundan. Kailangan na ng tagapagmana. Lalo pa't pine-pressure si Mr. Darvin ng papa niya.
Hanggang isang araw, bigla na lamang nahimatay si Mrs. Genn. Akala nilang lahat ay may sakit lang ito. But it wasn't the case. Mrs. Genn is actually pregnant to their second child. Laking tuwa ng lahat. Nagkaroon pa nga ng party noon sa bahay nila. She successfully delivered a baby boy at pinangalanan nila iyong Darren.
But unlike Hina, Darren was fragile and weak. Palagi itong na-o-ospital. Doon na nga halos tumira si Mrs. Genn sa sobrang pag-aalala sa anak. Kahit na gusto ring magbantay sa ospital ni Mr. Darvin, hindi niya rin kayang iwan ang trabaho niya sa kompanya.
It lasted for five months. Limang buwang paghihirap ni baby Darren hanggang sa kinumpirma ng doktor na kinuha na siya ng Maykapal. The family grieved over it. A small boy with a very large existence was taken from them. Malaki ang naging epekto no'n sa pamilya Yanson. But on that same day, umuwi si Mr. Darvin na may dalang isang malusog na batang lalaki.
"I brought Darren home." Masaya niyang sabi sa asawa't anak niya. Humagulgol si Mrs. Genn sa harap ng asawa. Pero niyakap siya nito at hinalikan sa noo. Binigay niya sa mga braso ng umiiyak na babae ang limang buwang sanggol.
"Darre... Dar... Darren's home?" Napalingon ang dalawa at nakita nila si Hina na umiiyak at inaabot ang kamay ng sanggol. She was seven years old that time. At naramdaman ng mag-asawang Yanson ang pangungulila ni Hina sa kapatid nito.
Niyakap siya ng ina habang kalong ang sanggol. "Yeah," she said. Her voice ragged. "Darren's home."
Since that day, that baby boy took up the role of Darren. Walang nakakaalam sa nangyaring 'yon maliban sa Yanson couple, kay Hina, at sa mga katulong na nadoon noong mga oras na 'yon. At nanatili ang sekretong 'yon hanggang ngayon.
Darren was actually one of those abandoned babies na iniiwan ng mga magulang sa ospital. Maybe because hindi nila kayang tustusin ang gastuhin ng bata o 'di naman kaya ay ayaw nila itong alagaan. Ayon sa nurse na kinunsulta ni Mr. Darvin, isang 15 anyos na dalaga ang nagsilang kay Darren. Ofcourse na-shock si Mr. Darvin, hindi na iba ang sitwasyong ganoon sa panahon ngayon. But he's still thankful dahil hindi pina-abort ng dalagang 'yon ang bata.
If Darren's a sin to them, he was a blessing to the Yanson family.
Time passed at lumaki si Darren. Napagdesisyunan ng mag-asawang Yanson na sabihin ang totoo sa kanya. Hindi nila habang buhay na maitatago ang katotohanang iyon. 18 years old na ito. Naniniwala silang maiintindihan ni Darren ang katotohanan.
Right after telling him the truth, nagpaalam si Darren na lumabas muna para pag-isipan at intindihin ang lahat ng mga sinabi nila. Knowing Darren's calm and composed attitude, pumayag naman ang mga magulang niya. But it was their miscalculation. Dahil noong araw na iyon ay hindi umuwi si Darren. Hindi rin siya nagpakita sa bahay nila nang sumunod na araw. Hindi rin noong Martes, Miyerkules at Huwebes...hanggang sa lumipas na ang isang linggo.
Walang Darren na umuwi sa bahay ng mga Yanson.
(!
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Kiss | ✔
ChickLit#2 in ChickLit last Nov. 2016 __ Sinclaire University's nemesis has always been the St. Blue Academy. Unbeknownst to all, the student council president of Sinclaire, Mavis, is also the long time rival and target of bullies of the student council pre...