[41] Bitter Friday

3.6K 99 1
                                    

"YOU'RE doing it wrong, monster!"

"Pipe down. Don't talk to me. Nagko-concentrate ako."

"Like I said, you're doing it wrong!"

It's Friday morning at maaga nagising si Mavis. Hindi na kasi siya makatulog. Pagkatapos nilang mag-breakfast ay pumunta siya sa sala at nanood ng TV. Hanggang sa umalis sina Tito Aki at Tita Mira papunta sa ospital at nagkulong si Connie sa kwarto ay nandoon lang siya. Laking gulat niya na lang ng umupo si Yohan sa sofa sa likod niya. Nakaupo kasi siya sa carpet sa harap ng TV. Walang may nagsalita sa kanilang dalawa hanggang sa bigla na lang pinaglaruan ni Yohan ang buhok niya.

"Aish! Ayoko na. Bahala ka nga." Saka nito ginulo ang buhok ni Mavis. As in 'yong gulong-gulo.

"Waah! Stop! Leshe Yohan— stop!"

"Jeez, you're annoying."

"Sino ba kasi ang nagsabi sa 'yo na paglaruan ang buhok ko? Mula elementary alam kong hindi ka marunong mag-braid."

"What can I do? I'm bored," he said and let out a long sigh.

"You're bored but don't use me as your entertainment!" daing ni Mavis at umupo sa couch sa tabi ng sofa kung saan humiga si Yohan.

"But it's fun to tease you," he said smirking.

"You said you're gonna make a move on me. Is this your way of courting a girl?" sarkastikong tanong ni Mavis sa kanya. Namumula na kasi ang mga pisngi nito sa inis.

"This..." he said while leaning forward and blow some air to Mavis' neck, "...is my way of courting a girl." Nahampas ni Mavis ang leeg niya. Parang nanindig kasi ang balahibo niya nang tumama ang hininga ni Yohan sa balat niya. It sent something to her nerves.

"God, you're crazy!" Tinawanan lang siya ni Yohan.

Grounded pa rin ang dalawa at na-stuck sila sa bahay. Mula kaninang umaga ay nanonood lang sila ng movies sa cable. Tanghali na at halos mamatay na sila sa boredom. Nagkulong si Connie sa kwarto at kailangan niya pa raw tapusin ang manuscript niya kaya naman solo nina Mavis at Yohan ang sala at ang TV.

Mavis decided to act normal around Yohan. 'I might make a move on you. I won't let that blondie jerk take you away.' Hindi niya pa rin maalis sa isipan ang sinabing 'yon ng kababata. It's just that she can't imagine herself with Yohan as a couple. Talagang imposible para sa kanya. Kahit sa panaginip hindi pa nangyayari 'yon.

"If you're thinking about what I told you before... that I won't let him take you away... seryoso ako no'n," sabi ni Yohan. Biglang nabitiwan ni Mavis ang remote control at napatingin sa tabi niya na nakatingin naman sa TV. "Baka kasi akalain mo na gino-good time lang kita."

"Se-seryoso ka talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Mavis sa kanya.

"You know me, midget. Once I get serious about something, hindi ako titigil hanggang hindi ko nakukuha ang gusto ko."

"But you're Yohan! I mean—"

Nagkatinginan silang dalawa. Something sparked between them na hindi nagustuhan ni Mavis. Hindi niya kasi alam kung anong klaseng emosyon ang nakikita niya ngayon sa mga mata ni Yohan. Was that anger? Curiosity? Confusion? Pain?

"You sound like you could love every other guy in Earth except me."

Nanlaki ang mga mata ni Mavis. Hindi niya alam kung ano ang ika-counterattack sa sinabi ni Yohan. Gustong niyang itanong kung kailan pa nagsimulang magbago ang paningin ni Yohan sa kanya pero hindi niya mahanap ang eksaktong mga salita para roon. Now that Yohan's eyes was glued on hers, mas naging mahirap para sa kanya ang magsalita.

The Bad Guy's Kiss | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon