KAHAPON ay bumalik na sina Blair, Daniel, at ang pamangkin ni Mavis na si Riri sa Amsterdam. Kagaya nga nang sinabi nila'y uuwi sila sa kanila bago mag-umpisa ang klase nina Mavis. Balik eskwela na ang Sinclaire at ngayon ay naglalakad ang dalaga sa hallway patungo sa classroom nila. Bago ang preparation sa graduation, mayroon pang cultural festival. At iyon muna ang pagtutuunan ng atensyon ni Mavis.
"Morning, pres."
"Hi, Mabs!"
"Good morning, Ms. President."
Biglang nahinto si Mavis sa paglalakad. Kanina niya pa napapansin na maraming bumabati sa kanya. Ang ilan nga'y hindi niya kilala at mukhang mga first years. Although, Mavis didn't hate their politeness and given that they're all scorning her last year because of the Yohan-And-Mavis-In-The-Same-House incident, she's still in confusion. Ganoon lang ba kabilis magbago ang isip ng tao?
Hanggang lunch break ay iyon ang iniisip ni Mavis. Nasa cafeteria siya ngayon at hinihintay sina Kisa at Reika. At habang ginagawa niya 'yon ay naalala niya ang usapan nilang dalawa ni Yohan kanina ng ihatid siya nito sa eskwelahan nila. Kagaya kasi ng Sinclaire ay balik eskwela din ang St. Blue Academy.
"May nagawa ba ako?" tanong ng binata.
"Huh? Wala naman. Bakit?"
"Iniiwasan mo kasi ang tingin ko mula kaninang umaga. May nasabi ba ako sa 'yo?"
Dahil tinanong 'yon ni Yohan, sigurado na ngayon si Mavis na hindi niya naalala ang lahat ng sinabi niya noong nagkasakit siya. Pero hindi alam ni Mavis kung ano ang dapat niyang maramdaman. Would she be relieved? Or pissed?
Naputol siya sa pag-iisip ng lumantad sa harapan niya ang isang pirasong papel na may mukha niya. Muntik na tuloy siyang mapatalon sa gulat.
"Hi, Mabs!" bati ni Kisa at ni-wave ang poster sa harapan ni Mavis.
Umupo naman si Reika sa tabi niya. "Alam mo na ba ang tungkol dito?" tanong niya sa kaibigan at tinukoy ang poster. Agad na hinablot ni Mavis ang papel na 'yon sa kamay ni Kisa at binasa ang nakasulat.
The Duchess of Sinclaire takes the stage!
Sinclaire's Cultural Festival is coming this January XXXX.
Run! Shout! Let the fun burst in colors!
Sinclaire will welcome you. Be sure to come!Hindi siya makapaniwala sa nabasa niya. Napaawang ng matagal ang bibig ni Mavis lalo pa't picture niya ang nasa poster. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa poster at sa mga kasama niya.
"What the hell is this?"
"That's a poster," sarkastikong sagot ni Kisa. "And you're the one in the picture."
"Nakita namin 'yan kanina sa daan. It's all over the town," pahiwatig naman ni Reika.
"So now I'm the Duchess of Sinclaire? Kaya pala ang bait sa 'kin ng mga taong nadadaanan ko kanina," saad ni Mavis na napapakamot na lamang ng ulo.
"Mukhang hindi patatalo si Madame V," sabi ni Kisa at nagsimulang sumubo ng tanghalian niya. "Kung may Earl ang St. Blue, mayroon namang Duchess ang Sinclaire. Baka mayamaya niyan maging monarchy na ang Pilipinas. Well, it's all for the competition anyway."
"But they're taking it too far," Mavis said.
"Hindi ko alam kung ano ang nasa isipan ni Madame V pero kung ako ang magdedesisyon, wala ng ibang mas fit pa sa titulong 'yan kung hindi ikaw Mabs. You're the model student of Sinclaire, you know? Pati first years ikaw ang palaging pinag-uusapan," Reika reasoned.
"Pero hindi naman ibig sabihin na—"
"Don't worry about it, Mabs," Kisa cut her off. "Don't pressure yourself. Anyway, kumain ka na. Say 'ahhh'," pabiro siyang sinubuan ni Kisa.
Wala na tuloy nagawa si Mavis kundi ang sundin ang sinabi nito. Don't pressure yourself— oo nga naman. Why would she pressure herself over something like this? May mas malaki siyang problema ngayon at kinakailangan niya ang mga advices ng dalawang nasa harapan niya.
Ilang minuto bago matapos ang lunch break ay nagpasya ang tatlo na bumalik na sa kani-kanilang mga classrooms. Pero bago 'yon ay pinigilan sila ni Mavis. Agad namang lumingon sa kanya ang dalawa niyang kaibigan.
"Umm, puwede ko bang mahingi ang opinyon niyo?" tanong niya sa kanila.
"Sure thing," agad namang sagot ni Kisa.
"Ano 'yon Mabs?" tanong ni Reika.
"So, umm... there's this girl who's uncertain about her feelings. Tapos nandiyan si Guy A na sabi niya'y first love niya raw at saka si Guy B na kababata niya naman. Then one day both of those guys said they love her. Pero naguguluhan 'yong babae. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Well, she's pretty much a novice in love, anyway. Pero ayaw niyang may masaktan sa dalawang lalaking 'yon kaya kailangan niya talaga ng tulong ngayon. Umm... ano sa tingin niyo ang puwede niyang gawin?"
Agad na nagkatinginan sina Kisa at Reika sa isa't isa. Animo'y may isang mensahe na dumaloy sa mga mata nila bago hinarap ulit si Mavis. "Well, as for me..." naunang magsalita si Reika. "I think that girl is just a wimp and a perfect example of selflessness."
Nalaglag ang balikat ni Mavis. Tumango naman si Kisa sa sinabi ni Reika. "Tama. 'Tsaka kahit ano'ng gawin niya, may masasaktan siyang isa. Kung ako ang nasa posisyon niya, ayoko rin namang saktan ang isa sa kanila. Pero hindi 'yon tama, Mabs. Whatever decision she'll make, she will end up hurting one of them. We're talking about love here, there's no escape from pain."
"Pero... Pero importante 'yong dalawa sa kanya," Mavis reasoned.
"All the more reason that she has to be brave and to make the right decision. It's not a matter of who to choose, it's a matter of how to make the choice. You can't beat love with logic, Mabs," mahinahong saad ni Reika. "Mas mahirap pa 'yon kaysa sa mga problems na sino-solve natin sa Trigonometry o Physics."
"We're not saying this because we're veterans at love or anything. In fact, we're just the same as the girl you mentioned. Pero sinasabi namin 'to sa 'yo dahil malakas ang kutob namin na 'yong babaeng tinutukoy mo ay nagiging duwag," Kisa said while tapping Mavis' shoulder. "Tell that girl to be brave. Love isn't something to think about with your mind. It's something to feel with your heart."
"Tama. Tama," pagsasang-ayon ni Reika. "Mind over heart or heart over mind—none of that matters. If you think that you're making the right decision, then it will be the right decision. Stop hesitating."
Kisa and Reika grinned. "Be sure to tell her that, okay?" they said in chorus.
-bean;v#
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Kiss | ✔
Chick-Lit#2 in ChickLit last Nov. 2016 __ Sinclaire University's nemesis has always been the St. Blue Academy. Unbeknownst to all, the student council president of Sinclaire, Mavis, is also the long time rival and target of bullies of the student council pre...