Glare
Pagdating ko kina Diana Rose ay mga kapatid niya lang ang nadatnan ko ro'n. Sabi nila ay nagbenta ng isda ang ate nila kaya naman kami na lang ang nagsalo-salo ng pagkain na dala ko. I watched their innocence and happiness in peace.
Mabuti pa talaga ang bata ay sobrang saya na kahit sa mga simpleng bagay. All the kids deserve to be this pure and happy. I don't want them to experience the harshness and abuse like what I had or even something worse than that.
"Nasaan na ang boyfriend mo, ate Diyosa?"
Saglit akong napalabi bago umiling. Natulala ako. "Wala na siguro akong jowa."
Tumayo si Dee at tinapik ang balikat ko. "Huwag mo siyang hiwalayan, Ate. Kasi gusto rin namin si kuya Poypoy kasi ang gwapo sobra at lagi kaming binibigyan ng pagkain pag dumadaan siya rito."
Napakurap ako at napatitig sa kaniya. "T-talaga? Binibigyan niya kayo?"
Tumango siya. "Opo. Gustong-gusto nga namin ang mga donuts, pizza, at chocolates. Ang bait-bait niya sa amin kahit ikaw naman ang gf niya. Huwag mo siya iwan, ha?"
"Oo nga, ate!" segunda pa ng mga nakababatang kapatid niya.
Wala sa loob na tumango ako dahil lumulutang na naman ang isip ko. Poseidon is kind that he cares for the people that I love. I sighed in dismay. Niloko pa rin niya ako at ginawang kabit.
Paglabas ko ng bahay nila ay palubog na ang araw. Tama-tama naman ay nakita ko si Diana Rose na tulala habang naglalakad pauwi. Huminto ako sa harap niya at halos bumangga pa sa akin.
"Hoy!" I shouted on her face.
Napahawak siya sa dibdib at halos mabitawan ang timba na dala niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano'ng nangyari sayo?"
She blinked consecutively like she's making sure that I am real.
"Narito ka pala, Salacia."
My lips twisted. "Hindi, aparisyon ko lang 'to," sarkastiko kong saad.
Tila wala naman siya sa mood na makipag-asaran dahil mukha na naman lumilipad ang isip niya. Parang sabog.
"Pumunta ka sa barangay at awayin mo na siya, itapon mo sa dagat," aniya na tila wala sa loob.
"Huh?" litong tanong ko.
Napakamot siya sa pisngi. "Naroon si Poseidon kasama 'yung kaibigan niya."
My heart leaped for a moment pero hindi ko pinahalata na positive ang impact sa akin no'n. Masama ko siyang tinignan.
"Akala ko ba yari siya sayo kapag niloko ako no'n? Oh, ano ginawa mo sa kaniya no'ng nakita mo?" tanong ko.
Napangiwi siya at tila nahihiyang tumango. "Eh kasi..." bulong niya at humakbang nang palayo sa akin kaunti, parang naghahanda. "Natulala na lang ako no'ng nakita ko siya tapos kasama niya pa 'yung si Zeus. Be, nganga ako! Naggagwapuhan ba naman. Parang pinapaluhod nila ako."
I glared at her as hard as I can. Hinawi niya ang maikling buhok at napahagikhik.
"Kung ako sayo, pakinggan mo ang paliwanag niya. Mala-Diyos na 'yang jowa mo, huwag mo na pakawalan. Tapos ireto mo naman ako sa friend niya."
Inirapan ko siya. "Tanga, for sure may babae na 'yon! Diyan ka na nga, para kang 'di kaibigan. Titiklop ka pala kay Poseidon. Sa kaniya ka pa kampi, huh!" inis kong saad at nagmartsa na paalis.
Narinig ko pa ang halakhak niya. "Aysus, kunwari ka pa. Bakit nagmamadali ang lakad mo ngayon?" she shouted in a mocking tone.
Uminit ang pisngi ko pero nagpatuloy sa paglalakad. Ano kaya ang gagawin ko kapag nakita ko siya?
BINABASA MO ANG
Lord Series #2: Drowned
Romance2/3 of Lord Series "I consider myself as the lord of the sea, but I can't even find her in the vastness and depth of it." Goddess Salacia is very much attracted to the man with a pair of dark blue eyes. She knew that she was drowned the moment their...