Chapter 28

5.4K 388 40
                                    

Determination

Goddess Salacia...

Katulad na katulad sa pangalan na itinatawag sa akin ni Poseidon. Napahawak ako sa dibdib ko at pakiramdam ko bigla ay hindi ako makahinga. Bakit narito ang pangalan na 'to? Imposibleng nagkataon lamang.

Nag-squat ako para mas matitigan iyon saka hinaplos ang bawat letra.

Ipagpapalagay ko na ako nga ang sinasabi ni Poseidon ngunit bakit narito ang pangalan ko? May nagsulat ba nito kasama ang mga nakakalungkot at puno ng galit na iba pang mga salita rito? Sino naman?

O 'di kaya ay ako mismo ang nagsulat? Pero ano ang ibig sabihin ng iba na isinulat? Bakit ko 'yon ginawa? Ano ang kinalaman dito ni Señorita Farrah at Señora Fauzia? At sino ang tinutukoy kong Papa?

Puro tanong lang ang nasa isip ko at ni isa ay wala akong masagot. Ipinikit ko ang mata at pinilit ang sarili na makaalala. Ngunit wala akong makita na kahit ano kung hindi kadiliman lang.

Bakit ba sa akin nangyari 'to?

Pagmulat ko ay saka ko lang naramdaman ang mga luha na kumawala sa mga mata ko. Sino ang sasagot ng lahat ng 'to?

"Yaya Dessa?"

Napatayo ako at agad na pinunasan ng palad ang basang pisngi nang marinig ang boses ni Azul. Tumikhim ako at tinitigan nang huling beses ang mga naroon bago nagsimulang maglakad paalis.

"Umalis na po siya?"

Dali-dali akong umakyat pataas nang marinig ang malungkot niyang boses. Napatingin sa akin ang katulong nang tuluyan na akong lumabas mula sa basement at tila nakahinga siya nang maluwag. Napagtanto ko kung bakit nang makita na namumula na ang mga mata at pisngi ni Azul, tila iiyak na kahit anong sandali.

"Ayan po siya!" saad ng kasambahay.

Agad kong inihanda ang ngiti. Nang nilingon niya ako ay walang sabi-sabi na tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako sa bewang.

"I thought you already left me, Yaya Dessa," seryoso niyang saad.

Malungkot akong napangiti dahil sa bigat na nararamdaman ko, dala ng nadiskubre ko at para sa awa sa bata. Kung pwede lang ay hindi kita iiwan at gugustuhin ko na ako ang mag-alaga sayo.

"Hindi pa naman, Sir Azul..." bulong ko at hinaplos-haplos ang makapal niyang buhok.

"I pray every night that we'll be always together, Yaya Dessa. I love my Mom but I feel better when I'm with you," mahinang saad niya at hinigpitan pa lalo ang yakap sa akin.

Ramdam ko ang pagiging emosyonal dahil sa pakiramdam ng pagod at pagkalito sa sarili kong buhay. Nangangapa na naman ako at parang bulag na hindi maintindihan kung ano ang nasa paligid.

Yumuko ako at lumuhod sa harap niya saka siya niyakap din nang mahigpit. Ang init ng yakap niya ay ginhawa ang dala sa kalooban ko.

"Sana nga, Sir Azul. Sana..."

At sana ay maging maayos na rin ang lahat. Sana malaman ko na ang totoo.

Magkahawak ang kamay namin na bumalik sa sala ngunit nang marinig ko ang pamilyar na tunog ng sasakyan ay agad akong lumayo sa bata. Takhang tinignan ako ni Sir Azul. Tipid ko siyang nginitian at pagtingin ko sa papasok sa mansion, hindi nga ako nagkakamali.

Agad akong nahanap ng mga mata niya sunod ay hinanap niya ang bata. Sinamaan niya ako ng tingin at agad-agad na nilapitan ang anak saka hinila ito sa sleeves ng damit, palayo sa akin na tila hindi pa sapat ang distansya namin.

Bahagya akong yumuko. "Magandang umaga po, Señorita Farrah," mahina kong saad.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" may galit sa tono ng pananalita niya.

Lord Series #2: DrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon