Chapter 40

10.5K 565 199
                                    

A/N: Hindi ko napansin ang haba na pala huhu. Sorry! Super napamahal kasi ako sa kanilang dalawa at kahit ako, narerealize ko 'yung sakit na pinagdaanan nila na ako lang din naman gumawa :) I apologize doon sa hindi fond sa super haba na chapters but I made sure it's worth it naman. Sa tuwang-tuwa naman diyan, 9500+ words 'to. HAHAHA. Enjoy reading, everyone.

Sea

Sa paglipas ng ilang sandali na ginagabayan ako ni Azul sa paghinga ay unti-unti rin akong kumalma. Tahimik akong lumuluha habang pinapanood siyang minamasahe ang palad ko gamit ang maliliit niyang kamay.

"Can you already feel this, Mama?" tanong niya saka marahan na diniinan ang pagpisil.

Pagod akong tumango. Nanatili siyang seryoso habang patuloy sa ginagawa. Sabay kaming napalingon nang bumukas ang pinto ng kwarto. Si Poseidon na may handang ngiti ang pumasok ngunit unti-unti 'yon na napawi.

Napatayo si Azul, nanatili na hawak ang kamay ko ngunit ang atensyon niya ay nasa bagong dating.

"Papa, Mama is not okay. I found her crying uncontrollably. She can't move, too and her body turned hard," pagsusumbong niya.

Malalaki ang hakbang na lumapit si Poseidon. Iniabot ni Azul ang kamay ko sa Papa niya para maintindihan nito ang tinutukoy niya.

Pumikit ako sa halong hiya at inis sa sarili. Hindi ko nakontrol ang sarili. Hinayaan ko na tuluyang mabasag na nakita ng anak namin. Malamang ay natakot siya dahil sa nangyari. I am careless.

"But nagiging okay na rin po siya. I guided her breath while I massaged her hands," dagdag niya.

Pilit akong nagmulat para makita ang mag-ama ko na bakas ang pag-aalala sa mukha. Si Poseidon ay kunot ang noo habang minamasahe ang kamay ko ngunit tinanggal niya 'yon nang nilingon si Azul. Ginulo niya ang buhok ng bata saka ngumiti.

"Good job, son. Now, can you get a bottled water on the kitchen?" mahinahon niyang saad.

Agad na tumango si Azul at sumulyap muna sa akin bago umalis. Nagkatitigan kami ni Poseidon nang kami na lang. Pinunasan niya ang tumatagaktak kong pawis sa mukha pababa gamit ang likod ng palad niya. Ako naman ay hinang-hina pa rin na nakasandal sa pader.

"Sorry," bulong ko.

Kumunot ang noo niya at seryoso ang ekspresyon. "For what?"

Nakagat ko ang labi bago siya malungkot na tinignan. "Hinayaan ko na makita ako ni Azul na ganito. Natakot pa ang anak natin..."

Tila hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Umigting ang panga niya at malamig ang titig sa akin.

"You're really thinking that? Ito na ang nangyari sayo, sinisisi mo pa rin ang sarili mo, Salacia?" mariin niyang tanong. Kapagkuwan ay umiling siya at bumuntong-hininga. "I'm gonna bring you to the hospital."

Akma niya akong bubuhatin ngunit pinigilan ko siya. "Ayos na ako, Poseidon. Walang masakit sa akin. Siguro sa pag-iyak ko lang 'yon at sabi ni Azul ay hindi naging maayos ang supply ng oxygen sa akin. Na-stress lang ako."

"What were you thinking? Bakit umabot sa ganito?" tanong niya. Ramdam ko na galit siya ngayon pero kinonontrol niya 'yon. "I told you that you should rest!"

Umiling ako. "Hindi naman ako nagpagod. Hindi ko lang napigilan na mag-isip habang may ginagawa..." mahinahon kong sagot.

"And what were you thinking about?"

Tinitigan ko siya. Ang madidilim niyang asul na mata ay tila may bagyo. Nakaluhod ang isa niyang tuhod habang nakaharap sa akin at ang isa niyang kamay ay nasa braso ko habang ang isa ay hawak ang kamay ko.

Lord Series #2: DrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon