Chapter 12

5.5K 386 53
                                    

Killing

"You are really making everything hard for me, Dessa!"

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang pamilyar na masungit na boses na 'yon. Nilingon ko siya at nakita ko ang stepmother ko na si Tita Liana kasama ang tatlo niyang bodyguard.

Lumayo ako sa karendirya 'tsaka kumaripas ng takbo. I looked back and saw the three huge men following me. Mas lalo kong pinabilis ang takbo ko at kung saan-saan sumiksik na eskinita.

Ayokong mahuli nila. I never wished that Tita Liana would love me but I didn't expect that she'll be an evil stepmom. Nagbabago na si Papa simula nang mamatay si Mama. Naramdaman ko na lumayo na siya lalo sa akin. But years later, he became worse. Hindi na lang silent treatment ang natatanggap ko sa kaniya. Pinagbubuhatan niya na ako ng kamay hanggang sa palala nang palala. Tita Liana didn't stop him, instead, she encouraged him. Kinakaladkad niya pa ako papunta sa kwarto nila para masaktan ni Papa. Paulit-ulit na akong tumakas ngunit palagi akong nahuhuli.

Ngayon na palabas na sana ako sa Bicol, palayo sa kanila, ay natunton pa rin ako.

Bigla na lang akong umangat mula sa lupa nang may kumarga sa akin. I tried to kick and punch him. Ngunit tila isang bato ang may buhat sa akin at hindi man lang natinag.

"Nahuli ko na po, Madam!"

Napahikbi ako at nagpatuloy sa pagpalag ngunit walang nangyari. Ibinagsak ako sa loob ng kotse at tinali ang kamay ko pati ang paa. I feel so helpless. Nilingon ko ang mga tao sa labas na mistulang walang nakita. I saw Tita Liana smiling at them before she went in the car. Nang magtagpo ang mata namin ay nakita ko ang galit doon. I equaled her stare even I am feeling scared.

"Sisiguraduhin ko ng hindi ka na makatatakas muli, Dessa," she uttered as she sat beside me.

My heart sank when the car started to drive away.

"Stop calling me that! Si Mama lang ang tatawag sa akin no'n at ayokong marinig mula sa demonyo mong dila!" I exclaimed in between my sobs.

She smirked at me. "Dessa, Dessa, Dessa. Paano ka pa matatawag ng Mama mo kung patay na siya, Dessa? Kawawa ka naman."

I glared and spit on her that landed on her cheek. Nanlaki ang mata niya ngunit agad na kumalma. Kumuha siya ng panyo mula sa bag niya at kalmado iyon na pinunasan.

"For pete's sake, be a good daughter to your father, Dessa. Ayos na kahit hindi sa akin, ayos lang na ganiyan ka na walang modo. Titiisin ko," tila anghel na sinabi niya. Akala mo siya ang inaapi.

I clenched my fists and she just watched my hands. I want to punch her.

"Be a good daughter for him? Paano ba ang mabait sayo? Ang maging punching bag ako at labasan ng galit ni Papa? At hindi mo ako anak, hindi kita ina. Dahil ang Mama ko, anghel. Mabait, maasikaso, hindi maluho at hindi mukhang pera. Lahat kabaliktaran mo." Nanlilisik ang mata niya habang sinasabi ko iyon sa kaniya. I smirked at her despite of my tears. "Walang-wala ka sa kalingkingan niya."

"Oh, really?" she sarcastically smiled. "Kaya pala pinakasalan din ako ng Papa mo? Naka-move on nga siya agad. If she's really that remarkable, hindi ako papakasalan ng Papa mo."

"Kasi, wala na siyang choice. Remember, ikaw ang nauna pero 'di ka pinakasalan noon? He settled with you now because he feels sad and lonely. Okay na lang sa kaniya dahil may anak naman na kayo. He settled for less because the best is gone."

Her jaw clenched. She pulled my hair towards her. Napapikit ako sa sakit ngunit hindi ako umaray. Nanindig ang balahibo ko sa pandidiri nang halikan niya ako sa pisngi.

Lord Series #2: DrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon