Chapter 7

6.6K 421 65
                                    

Maid

Nagising ako dahil sa malakas na katok. My head hurts like hell. Napasimangot ako at dahan-dahang tumayo saka naglakad palapit sa pinto ko. Pagsilip ko ay nakita ko si Diana Rose. I pouted and opened the door for her. Agad ko siyang tinalikuran at bumalik sa kama ko.

"Hoy, babae!" malakas ang boses na saad niya.

"Ano ba?" iritado kong tanong at sumubsob sa unan.

"Ano 'yong sinabi mo sa akin kagabi? Tungkol do'n sa ginilingan mo si Poseidon tapos nag-standing ovation? Bastos ka!" Halos sumigaw siya.

Kinuha ko ang isa ko pang unan saka binato siya. Napaatras siya at pinandilatan ako ng mata. Binato ko pa siya ulit ng isang unan.

"Ang gaga mo naman, be? Kagabi ko pa sinabi, ngayon mo lang na-gets tapos binulabog mo pa ako!" I shouted to her.

Sinapo ko ang ulo at umupo na. Lumangitngit ang kama ko na gawa sa kawayan dahil sa aking bigat. Nginiwian niya ako.

"Eh, ngayon ko lang na-gets!"

I rolled my eyes to her. "Ang sakit ng ulo ko. Umalis ka na nga! Baka masabunutan kita!" saad ko at tumayo muli patungo sa may lababo.

"Sorry na! Ikaw kasi, masyado kang bulgar magsalita. Bastos nito." Nagsermon pa siya.

I brushed my teeth while listening to her rants. Naghilamos na rin ako.

"Tapos si Madonna, umalis na paghatid sayo no'ng dalawa. Ang babaeng 'yon. Kung hindi lang talaga magkakagulo, sinampal ko na 'yon," aniya.

I chuckled and faced her. Hinilot ko ang sentido habang naglalakad pabalik sa kama ko.

"Huwag ka na pumatol do'n. Kami lang ang may hindi matapos-tapos na away no'n."

Napanguso siya at umupo sa tabi ko. Tinupi ko na ang kumot at inayos ang mga unan na ginamit ko.

"Nakakainis kaya!" Sumimangot pa siya. But her eyes widened when she remembered something. Napahagikhik siya at tinusok ng hintuturo niya ang tagiliran ko. "Pero si Poypoy mo, ha? Parang ikaw lang talaga ang pinuntahan. Pagbalik niya ro'n matapos ka ihatid, nagpaalam na rin at umuwi."

Medyo nanlaki ang mata ko at napatitig kay Diana Rose. She giggled and nodded eagerly.

I smirked. "Ako nga siguro ang dahilan bakit nagbago ang isip no'n." Hinawi ko ang buhok at pinigil pa ang ngisi.

Napawi ang ngiti niya at bigla akong hinampas sa balikat. Sa inis ko ay hinampas ko rin siya.

"Ano'ng ginawa ninyo rito, ha? Nauna si Ashton bumalik do'n tapos mukhang badtrip pa! Nahuli si Poseidon. Ano'ng ginawa niyo!?" Tila nanay na handang manermon ang itsura niya ngayon.

Inirapan ko siya at humalukipkip. I bit my lower lip when I remembered what we talked about last night.

"Sabi niya, patuloy ko lang daw siyang gustuhin..." mahinahon kong saad.

Diana Rose squealed like a pig. Inalog-alog niya ako at nanatili naman ako na nakahalukipkip.

"Ibig sabihin no'n, nagkakagusto na rin siya sayo. Gusto niya siguraduhin na habang nahuhulog siya sayo ay mananatili ka riyan para saluhin siya!" Tuwang-tuwa niyang sabi.

"Gano'n din ang naiisip ko."

Nahinto siya at tumitig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilang nang makita na mukha siyang nagtatakha.

"Bakit mukhang malamya ka? Dapat kinikilig ka na."

Napakamot ako sa pisngi at bumuntong-hininga. "I suddenly felt this last night. Parang malaki ang tsansa na magiging sobrang possessive si Poseidon, Diana Rose. Though, naramdaman ko 'yon no'ng sabihin niya na siya lang dapat ang gusto ko at wala naman problema dahil siya lang naman talaga. Pero naiisip ko, paano kung maging kami at lumala 'yon, 'di ba?"

Lord Series #2: DrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon