Boyfriend
Matapos lang ng nangyari sa akin kahapon sa kotse ay pinakalma niya lang ako at hinatid na hanggang sa may gate ng mansion. Hindi siya nagpakita sa guard dahil magiging komplikado lang ang lahat. Ngayon na may kaunting linaw na ang lahat, kailangan ko nga talagang mag-ingat.
Kung si Salem Figueroa nga ang ama ko base na rin sa nakalagay sa birth certificate na meron ako noon, ibig sabihin ay ako ang half-sister ni Farrah. Ako ang anak sa unang asawa ng Señior.
Alam ko nang kaunti ang kwento nila dahil kay Ma'am Leonora. Unang nakilala ng Señior ang una niyang asawa ngunit nagkaroon daw ng problema at nagkahiwalay. Noon niya nakilala ang dating beauty queen na si Señiora Fauzia. Sandali lang 'yon dahil nagkabalikan din si Salem at ang dati niyang kasintahan. Hindi nagtagal ay nagpakasal sila at nabuo ang kanilang anak.
Hindi rin naghabol agad si Fauzia dahil iba ang lalake na inakala niyang ama ni Farrah. Malamang ay may iba siya habang sila rin ni Salem.
Ang tangi kong naiisip ngayon ay ang matinding pangangailangan ng pag-iingat habang si Poseidon ay gumagawa ng paraan para kumpirmahin ang lahat lalo na't mukhang binura talaga ang lahat ng tungkol sa akin.
At ibig sabihin din nito ay malaking gulo at kapahamakan ang naghihintay sa akin kapag nalaman ni Farrah at Fauzia na may alam na ako. Sa ginawa pa lamang nila sa akin na ginawa akong alipin sa sariling pamamahay at ginawan ng masamang kwento, alam ko na may posibilidad na tuluyan nila akong tapusin kapag nabuko nila ako.
Ginawa pa nila akong magnanakaw at may utang na loob sa kanila. Sinira nila ako sa mga bagong tao na pinapasok nila sa mansion, pati na rin sa sarili ko.
Dahil ba ito sa kayamanan?
Sabi ni Leonora ay sa unang kinilalang anak mapupunta ang malaking parte. Kinuha nila ang oportunidad nang mawalan ako ng alaala. Ngayon ay halos pulubi ako at walang kinikita dahil nga nagbabayad ako ng utang sa kanila. Iyong mga ninakaw ko raw. Ang tanging konsolasyon sa lahat ng ito ay may tirahan ako at nakakain sa ilalim ng pangangamuhan ko kay Ma'am Leonora.
"Hoy, Dessa, ano na? Kanina ka pa tulala!"
Halos mapatalon ako nang biglaang marinig ang boses na 'yon.
Nilingon ko ang amo ko at pinagmasdan siyang mabuti. Wala ba talaga siyang alam dito?
Napaatras siya at napayakap sa sarili. "A-ano ba, bakit ganiyan ka naman makatingin? Nakaka-intimidate!" aniya saka ngumiwi at hinaplos-haplos ang sariling mga braso.
Tinagilid ko ang ulo. "Paano ang tingin ko?" tanong ko.
"Seryoso at para akong binabasa. Ay teka lang, bakit ako nagpapaliwanag sa personal maid ko?" iritado niyang saad saka ako nilapitan at tinapik sa braso.
Tahimik akong umiling at pinagpatuloy ang pagtutupi sa mga damit niya na tuyo na matapos labhan. Siya naman ay bagong ligo at nagsusuklay na.
"Bakit seryoso ka diyan, Dessa? Bad mood ka?"
Bumuntong-hininga ako. "May iniisip lang."
Umupo rin siya sa kama, sa bandang tapat ko saka ako pinagmasdan.
"Saan ka pumunta kahapon kasama si Colt, ha?" tanong niya.
"Hmm, wala lang."
Tinapik niya ako ng hawak na suklay. "Ano'ng wala? May relasyon na ba kayo? Hiniwalayan mo na ba si Samuel?" sunod-sunod niyang tanong.
Suminghap ako at itinigil ang ginagawa saka siya tinitigan sa mata niya. Napakurap naman siya at napatitig na rin sa akin.
"Alam mo ba kung nasaan ang kapatid ni Señorita Farrah? Curious lang ako kung ano ang hitsura niya..." hindi ko na napigilang sabihin.
![](https://img.wattpad.com/cover/234665482-288-k333161.jpg)
BINABASA MO ANG
Lord Series #2: Drowned
Romansa2/3 of Lord Series "I consider myself as the lord of the sea, but I can't even find her in the vastness and depth of it." Goddess Salacia is very much attracted to the man with a pair of dark blue eyes. She knew that she was drowned the moment their...