Chapter 36

6.1K 339 77
                                    

Friends

Hinalughog ko ang mga paperbag na naglalaman ng mga gamit na pinabili ni Poseidon sa assistant niya para sa akin. Pupunta kami ng bar at hindi ko alam kung may maisusuot ba ako na para do'n o 'di kaya, 'yung suot ko na lang ulit kanina? Kaso baka naman out of place ang peg ko ro'n dahil masyadong formal.

Ineksamin ko ang kulay pulang two piece dress. Square neck iyon at mababa ang neckline tapos ang kapares na palda ay hanggang ibabaw ng tuhod ang haba. May slit din sa kanan na banda.

Tinamad na ako tignan ang iba kaya 'yon na ang isinuot ko. Kasyang-kasya sa akin at nagandahan naman ako lalo na't na-emphasize ang liit ng bewang ko. Sinigurado ko rin na hindi makikita ang pahigang peklat sa bandang puson ko. Mabuti na lang at high-waisted ang palda.

Sabi sa akin ng doktor at mga nurse na nakausap ko ay inoperahan daw ako sa bandang 'yon. Hindi ko na maalala ang dahilan dahil nagre-recover pa ako no'n at hinang-hina pa dahil galing ako sa matagal na comatose.

Hinayaan ko lang na nakalugay ang alon-alon kong buhok na abot na sa bandang pwet. Kailangan ko na ipa-trim dahil medyo pangit na ang dulo o ako na lang ang gagawa katulad nang palagi kong ginagawa.

Nagpahid ako ng pulang lipstick sa labi at naglagay na rin ng face powder. Nilagyan ko rin ng manipis na kulay ang pisngi para mas maging buhay na buhay ang mukha ko. Kinuha ko mula sa isang box ang sandals na may two inches stiletto heels. Nag-spray lang ako nang kaunting pabango at lumabas na sa kwarto.

Abala siya sa kaniyang cellphone habang nakaupo sa sofa, handa na rin para umalis. Nakasuot siya ng itim na longsleeve polo na nakarolyo sa bandang siko niya. Bukas ang dalawang butones no'n sa itaas. Itim din ang pants niya at sapatos. Ang kaniyang itim na itim na buhok ay naka-brush up kaya ang hot niya lalo tignan.

Umangat ang tingin niya sa akin at malalim agad ang kaniyang titig. Pinasadahan niya ako ng tingin mula paa, pataas, tapos tumagal nang ilang segundo sa bandang neckline, doon sa dibdib ko na kita. Tumaas ang kilay niya habang may multo ng ngiti sa labi saka tumitig sa mukha ko.

Napairap ako. "Bakit nangingiti ka?" mataray kong tanong.

Dinilaan niya ang labi at binaba ang cellphone sa maliit na mesa sa kaniyang harap. Sumandal siya sa upuan saka pinagparte ang mga hita.

"You look gorgeous."

Hinawi ko ang buhok. "Alam ko! Hmp!" Naabutan ko ulit ang mga mata niya sa dibdib ko. "Hoy, grabe ka makatingin, ha?"

Inilahad niya ang kamay sa akin. Nang tinanggap ko 'yon ay hinila niya ako pabagsak sa isa sa hita niya. Agad na sinakop ng kamay niya ang bewang ko. Hindi pa siya nakuntento sa pagkadikit namin, itinulak niya pa ako palapit sa kaniya kaya napahawak ako sa dibdib niya nang halos masubsob ako palapit sa kaniya.

"Ano ba..." bulong ko at napanguso saka siya tinitagan sa mga mata niya na ngayon ay unti-unting pumupungay, tila inaantok at nalalasing.

Umangat ang isa niyang kamay saka hinaplos ang pisngi ko. Bumaba pa iyon at hindi pa nakontento, kinulong niya ang leeg ko sa mga palad niya saka marahan na hinila palapit sa kaniya.

Ako naman, imbes mainis o magalit dahil sakal niya nga ako ay parang na-excite pa ako.

Humigpit nang bahagya ang hawak niya sa leeg ko at dapat ay nasasaktan ako pero nag-iinit pa ako.

Itinagilid niya ang ulo saka hinila pa palapit ang leeg ko hanggang sa nagtagpo ang mga labi namin. Awtomatiko akong napapikit at tila may maliit na boltahe ang dumaloy sa katawan ko mula sa aming mga labi. Mapanuya at mababaw lang ang haplos ng kaniyang labi sa akin. Para naman akong sinisilaban at hindi magawang makuntento sa ginagawa niya.

Lord Series #2: DrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon