Chapter 8

5.9K 416 46
                                    

Phase

I stood in front of them, reminding them what are the next steps just to make sure that their dance is going to be perfect. Ilang beses akong napapangiti habang pinapanood silang isinasayaw sa perpektong paraan ang lahat ng itinuro ko. The loud roar and cheers from the audience made my heart beat louder. I am so proud watching them and giving their best. Sa ilang linggo naming practice ay talagang nakakapagod pero worth it. Sure win na 'to.

"Congratulations!" Bida-bida kong sigaw pagkatapos na pagkatapos ng last step at tugtog kaya naman nangibabaw ang boses ko.

Nasundan iyon ng sigawan at mahihinang 'boo' na natakpan na rin agad ng masasayang cheer para sa grupo na tinuruan ko. Naghiyawan din ang mga pawisan kong alaga at dinumog ako habang nagsisigawan.

I grinned and congratulated them, kahit may last group pa na sasayaw para sa competition. Kahit may isa pa ay sure na ako na panalo na kami.

"Good job!" I proudly said.

"Okay ba, Salacia?" tanong ni Cath.

I nodded. "Sure win na talaga! Ang galing ni'yo!" Humalakhak ako pagkatapos.

"O tabi-tabi na diyan, sasayaw na kami para mapahiya na 'yong nagki-claim na panalo na sila!"

"Akala mo naman magaling. Isinabak sa competition ang sayaw na 'yon? Parang zumba!"

Napangiwi ako at tinignan ang dalawang choreographer ng huling grupo. Isang babae at isang bakla. Inismiran ko lang sila at umalis na kami roon para bumalik sa nakalaan na pwesto ng grupo ng tinuruan ko.

"Bakit 'di mo sinagot ang mga chaka na 'yon, Goddess?" tanong ni Sally.

Pinasadahan ko ng mga daliri ang aking buhok bago umiling. "Hayaan mo na lang. Mamaya, isasampal ko sa kanila 'yong trophy. Zumba pala, ha?"

I crossed my arms and watched the last group dance. Panay ang tingin sa akin ng dalawa kada may ipinapakitang sa tingin nila ay bongga ang mga sumasayaw. I watched them with my bored expression. My lips twisted into a grin when I saw obvious mistakes. Tuluyan akong napatawa nang magkabanggaan ang ilan sa dancer dahil nakalimutan ang mga tama nilang pwesto. I shook my head and tried to stop from laughing.

Mukhang sa kanila ang zumba.

Natapos ang sayaw at rinig na rinig ko ang imbyerna na boses ng bakla na choreographer. Nagkibit-balikat ako at pinagmasdan na lang ang mga bata na nagsasayawan na sa gitna. The judges must be choosing now if which group should win. Malaki talaga ang tiwala ko na kami ang mananalo.

"Kaya pala napakagaling ng grupo niyo, si Salacia pala ang gumawa ng choreo!"

Napalingon ako at ang grupo ko sa dumating na tao.

"Mayor Edmond!" I greeted the man wearing a kinda formal attire. "Narito pala kayo!" saad ko.

Bumati na rin sila kay Mayor. He is a widowed man on his 40's. Medyo bata pa at nawalan agad ng asawa pero hindi na naghanap ng iba.

We knew each other because he was the one who helped me when I escaped from hell. Palaboy-laboy na kasi ako no'n at hindi alam kung saan pupunta. Pinulot niya ako at pinasakay sa van niya noon. Nagsinungaling ako na may kamag-anak ako rito kaya dito niya ako dinala imbes na sa DSWD. At kaya naman pamilyar ako sa lugar dito ay dahil dito ipinanganak noon si Mama pero agad din silang lumipat ng mga magulang niya. Ang kubo na tinitirhan ko ay dating kinatitirikan ng dati nilang bahay ngunit nasira rin. May nagpatayo lang daw ng kubo muli makalipas ang ilang taon hanggang sa namatay na ang may-ari kaya ako na ang tumira nang mapadpad dito.

We are not that close because we did not keep in touch but I will be forever grateful to him.

"Isa ako sa judge, naimbitahan ni Ashton." He laughed like Santa Claus. Napangiti ako at natawa na rin. "Ngayon na lang muli kita nakita, Salacia. Kumusta ka naman?"

Lord Series #2: DrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon