Juice
Napangiwi ako habang padabog na naglalakad papasok si Ma'am Leonora sa mansion na tinitirahan namin at ako naman ay nakasunod sa kaniya. Ibinato niya ang kaniyang purse sa isa sa mga upuan saka pabagsak na umupo. Ibinaba ko ang mga bag namin sa gitna ng sala saka siya tinignan.
Nakasimangot pa rin siya nang ituro ako. "Maghanda ka nga ng basin at lagyan mo ng maligamgam na tubig tsaka fragrance at kung anu-ano pa," aniya.
Tumango ako at agad sumunod. Tumungo ako sa kusina at doon naabutan ang isa sa mga katrabaho ko rito.
"Badtrip si Ma'am?" pabulong niyang tanong.
Tumango ako. "Oo. Magiging leon na naman si Leonora," saad ko at mahinang tumawa.
"Dessa!" narinig ko ang malakas niyang sigaw mula sa sala. "Bilisan mo!"
Natataranta na bumalik sa trabaho niya ang kasamahan ko. Ako naman ay ginawa na ang iniuutos niya. Kumuha na rin ako ng dalawang malinis na towel bago bumalik sa sala. Naabutan ko siya na nakapikit at minamasahe ang ulo. Sinilip niya ako bago muling pumikit.
"Nakakainis talaga ang pinsan ko na 'yon! Papapuntahin ako ro'n kung kailan niya gusto tapos papaalisin agad! Hassle, imbyerna," iritado pa rin niyang aniya.
Lumuhod ako sa harap niya saka inilagay ang towel sa makintab na sahig. Ipinatong ko roon ang basin. Nang ilapit niya sa akin ang mga paa niya ay tinanggal ko ang sandals niya saka iyon inilublob roon.
"Ikaw!" Kinalabit niya ang ulo ko nang may kaunting diin. Tiningala ko siya at nginiwian. "Ikaw ang may kasalanan no'n!" aniya habang pinapandilatan ako ng mata.
Umiling ako at tumutok na sa ginagawang pagmasahe sa mga paa niya.
"Inasikaso ko lang naman ang anak niya," saad ko.
"Eh, ayaw nga niya, 'di ba? Pero ewan ko ba sa babaeng 'yon, maayos ka naman mag-alaga, nag-iinarte pa," aniya saka bumulong-bulong.
Bumuntong-hininga lang ako habang marahan na pinipisil-pisil ang mga paa niya.
Personal na yaya ako ni Ma'am Leonora pero kapag nasa trabaho siya ay gumagawa rin ako ng mga gawain dito sa mansion. Masasabi ko naman na ayos kahit papaano ang pakikitungo niya sa akin. Mas pipiliin ko 'to kaysa kay Señorita Farrah na sinasaktan talaga ako at minamaliit palagi, dala na rin siguro ng nagawa ko nga noon.
Si Ma'am Leonora ay super bossy lang talaga at bungangera pero tao pa rin naman ang trato niya sa akin.
"Hayaan mo na 'yan diyan, magbababad na lang ako. Kuhaan mo nga ako ng orange juice do'n," utos niya pagkatapos akong tapikin sa balikat.
Tumango ako saka tumayo at agad na umalis. Naghugas muna ako ng kamay bago nagsalin ng juice sa baso. Pagbalik ko sa kaniya ay mukha pa rin siyang imbyerna sa nangyari. Biglaan ba naman kaming pinaalis kahit ang usapan ay isang linggo kami roon.
Agad siyang sumimsim sa juice at ako naman ay umupo sa sofa na kaharap niya. Hawak niya sa isang kamay ang baso at ang isa naman ay minamasahe ang gilid ng ulo niya.
"Kung hindi lang talaga ako tinulungan no'n maka-graduate, sinapak ko na 'yon. Lakas ng topak at lakas ako utus-utusan, akala mo hindi niya ako pinsan. Yumaman lang sila ni Tita, gano'n na. Sa Papa naman niya ang lahat ng yaman nila!" aniya.
Napakurap ako at napatuwid sa pagkakaupo, napukaw ang interest ko. "Nakita niyo na po ba si Senyor Salem?" tanong ko.
Kumunot ang noo niya at agad umiling. Sumimsim muna siya sa juice niya bago ako tinignan.
"Hindi, isang taon mahigit na patay na siya no'ng pumunta ako rito galing Manila," aniya. Dahan-dahan akong napatango. Tinaasan niya ako ng kilay. "Teka, bakit ba chismosa ka?"

BINABASA MO ANG
Lord Series #2: Drowned
Romance2/3 of Lord Series "I consider myself as the lord of the sea, but I can't even find her in the vastness and depth of it." Goddess Salacia is very much attracted to the man with a pair of dark blue eyes. She knew that she was drowned the moment their...