Sorry
Nalalapit na ang first periodical exam namin pero iba ang inaatupag ko. Imbes umuwi nang maaga para mag-review na ay naisipan ko maglakad-lakad sa paligid ng school, tumitingin sa mga iba't ibang shop dito. I scanned the place and was fascinated to see things that interest me.
Nakakita ako ng magagandang beads para ipanggawa ng anklets ko. Igagawa ko sina Diana Rose at ang mga kapatid niya. I am also going to make a manly version for Poseidon. But I can remember na he's fond on wearing simple yet expensive watches. Nakakahiya naman kung sirain ko ang yayamanin niyang porma gamit ang mga gawa kong bracelet.
I bought beads with different color before I left that stall. Ang katabi no'n na shop ay inagaw ang pansin ko. Sa salamin na sliding door ay nakabalandra ang iba't ibang designs. It is a small tattoo shop.
Lumapit ako at sumilip sa loob. May mga customer sila at abala. I looked at the posters. May price na nakasulat base sa laki ng mga tattoo. Depende rin sa kung gaano ka-komplikado ang designs.
I feel like I want to get one especially now that I remember the scar on my foot. Gusto ko 'yon takpan.
Ano naman ang ipapagawa ko kung sakali?
I can afford it using my savings. Ayoko gamitin ang pera ni Poypoy ko sa mga bagay na walang kinalaman sa pag-aaral ko o 'di kaya sa bahay kahit sinasabi niya na gastusin ko 'yon para sa mga gusto ko. Good thing that I still have my own money.
Napaatras ako nang bumukas ang pinto. A guy with lots of tattoo on his arms, came out. Nagkatinginan kami. He eyed me from head to toe then he glanced at the shop. Bumunot siya ng sigarilyo at sinindihan iyon.
Napalunok naman ako sa nakita. Medyo nami-miss ko magyosi pero ayoko rin naman kasi wala namang magandang dulot sa akin.
"Papa-tattoo ka?" he asked.
Bahagya akong umiling. "Hindi pa ngayon, nagpa-plano pa lang. Masakit ba?" Curious kong tanong.
Tumaas ang kilay niya at nag-flex ng mga braso niya. "Hindi ako maaadik magpalagay kung masakit. Parang kagat lang ng langgam.
Napangiwi ako sa narinig. Alam ko na ang salita na 'yan. Sinasabi na kagat ng langgam 'yon pala ay parang kagat ng dinosaur.
"Pero estudyante ka pa, ah?"
"19 na ako at sa paa naman," sagot ko.
He chuckled. "Mabuti para hindi ka masabihang adik. Ako laging nasasabihan na ex-convict, adik, walang narating sa buhay at iba pa."
My lips twisted. "Totoo naman ba? Mukha naman na hindi," sagot ko at tinignan ang kabuuan niya.
"If only they knew that I am happy and I have a successful life. Pero para naman sa mga nakaalam na maganda ang takbo ng buhay ko, hindi pa rin daw 'yon masaya dahil satanista raw ako at sinuway ang Diyos. But I don't mind what they say, I am happy with these, I have a successful life, and I have a good relationship with God."
I gave him thumbs up.
The prejudice of the people are really dumb. Aware na ako sa mga ganiyan tapos magbabato ng mga words of wisdom at bible verses just to show that they are in the right track. They will mention Him in the middle of their judging and hateful words. The irony at its finest.
They are using His name while claiming that they are right and insisting that someone is bad just because of something that is not even harming anyone.
"Sabihin mo lang pangalan ko, ako na bahala sa bayad. Kilala na nila ako," aniya at mabait na ngumiti.
My eyes widened. "Really? Salamat!"
BINABASA MO ANG
Lord Series #2: Drowned
Lãng mạn2/3 of Lord Series "I consider myself as the lord of the sea, but I can't even find her in the vastness and depth of it." Goddess Salacia is very much attracted to the man with a pair of dark blue eyes. She knew that she was drowned the moment their...