Cellphone
I am smiling the whole time I am writing. Nanghingi ako ng lumang notebook at ballpen sa kapatid ni Diana Rose. Na-miss ko magsulat ng pangalan ko. And I am also writing a list of steps to make Poseidon like me.
"Number one, never pretend. Be yourself," saad ni Diana Rose, binabasa ang ginagawa ko.
I smiled at her. "Ano sa tingin mo? Okay naman, 'di ba? Hindi ko kailangan magkunwari na mahinhin o ano."
She smirked at me and nodded. "Okay naman ugali mo. Prangka, madaldal, at makulit. Kaso, sa tingin ko kay Poseidon na masyadong parang tuod, siguro mas gusto niya ng babae na mahinhin or atleast, tahimik."
I stuck my tongue out and shook my head. "E'di I will make him like a loud and talkative lady which is me!"
Humagikhik siya. "Confidence mo, girl. Kaya minsan naiilang sayo ang mga lalake. Karamihan kasi sa kanila, gusto ng babae na mako-kontrol nila. Ikaw, malabong maging under!"
Napairap ako at natawa. "Duh!" I stared on the paper again and think of another step. "Gusto ko siya ipagluto lagi lalo na mapapadalas na ako sa Sta. Monica next week. Kaso wala akong budget. Ano kaya kung manghingi ako sa kaniya ng pera pambili ng ipangluluto ko?" tanong ko.
Dina Rose laughed hard and even hit me. Tinaasan ko siya ng kilay. Is that a silly idea? 'Di naman na lugi si Poseidon, masarap ako magluto. Ako rin, masarap.
Pinunasan niya ang luha sa gilid ng mata niya dahil sa sobrang pagtawa. Nangalumbaba ako at hinintay siya na makabawi.
Pinigil niya ang tawa at maya-maya ay naging seryoso. Inabot niya ang kamay ko at hinaplos.
"Gusto mo siya ligawan pero natanong mo ba kung may girlfriend na 'yon?" tanong niya. Her face turned into a concerned expression. "Paano kung may jowa 'yon sa Maynila?"
Natahimik ako at napaisip. Oo nga, 'no? I should ask him then.
"At gusto mo ba talaga siya na as in may tendency na mahalin mo? O attracted ka lang kasi ang gwapo, matangkad, maganda ang katawan, at mayaman?"
Nangalumbaba ako at napaisip sa mga sinasabi ni Diana Rose.
What do I really feel for Poseidon?
Tama, attracted ako sa kaniya dahil sa physical appearance niya. Lalo na sa asul niyang mga mata na pakiramdam ko ay nalulunod ako kapag nagkatitigan kami. Tapos maliban do'n, pogi siya. 'Yong katawan, perfect. Ang bango niya pa at mayaman.
I am just like the other girls crushing on him.
But I learned one thing about him that made me more drowned to him. His principle is just so good. Kahit maliit na parte lang 'yong nalaman ko, if it is that good, I think the rest are the best.
Imagine a guy like him that looks so perfect and hot. Tapos hindi arrogant alpha ang datingan. He doesn't think about the purity as the basis of a woman's worth.
Napangiti ako at bumuntong-hininga. "I think my attraction would go deeper, Diana Rose. Hindi lang 'to mananatili sa atraksyon ko sa anyo niya."
I am really sure of that. So I have to make sure that Poseidon would like me, too. Hindi lang pwede na ako lang. Bahala siya, it is his loss. Char.
The following days are just like my normal day. Kaya lang, may nadagdag na sa routine ko. May hinahanap-hanap ako at sino pa ba? Siyempre, ang future husband ko.
I haven't seen him for three consecutive days. Hindi man lang siya napadaan sa barangay. Naiinis na nga sa akin si Kapitana dahil tanong ako nang tanong.
BINABASA MO ANG
Lord Series #2: Drowned
Romance2/3 of Lord Series "I consider myself as the lord of the sea, but I can't even find her in the vastness and depth of it." Goddess Salacia is very much attracted to the man with a pair of dark blue eyes. She knew that she was drowned the moment their...