Dance
Feeling ko talaga malapit na ako sagutin ni Poseidon. Sa ilang beses naming pagkikita no'ng nakaraang linggo tapos tinatawag ko siya, nililingon niya ako! Although, his face is emotionless as usual, feeling ko talaga may gusto na rin siya sa akin!
Wala naman siyang pakialam sa ibang mga babae maliban sa may kinalaman sa trabaho niya. Pero kapag sa akin, sa tuwing tinatawag ko siya, nililingon niya ako. Isn't that a good sign?
Lalo tuloy akong sinisipag sa bawat araw!
Malalaki ang hakbang ko papunta sa barangay hall dala ang maliit na timba ko na may malalaking isda. May kaunting salo-salo mamaya sina Kapitana at mag-iihaw raw sila nito. Pagpasok ko roon ay abala sila kaya hindi muna ako umimik. Parang may hinahabol silang oras at 'di ko naman ma-gets kaya tahimik lang ako sa tabi. Maya-maya mapapansin din nila ako kapag umalingasaw na ang lansa nitong isda.
"Salacia, you're here!"
Awtomatikong nilingon ko ang entrada at nakita si Ashton. Sa laki ng ngiti niya habang palapit sa akin ay kitang-kita ang ngipin niya na akala mo ay nag-i-sparkle sa kaputian. Napangiti na rin ako at kinawayan siya.
"Oo, narito nga ako. Hindi ko 'to aparisyon," saad ko.
He laughed a bit and put his arm on my shoulder.
"What are you doing here?" he asked with a smile on his lips.
Nilingon ko ang dala at muling tumingin sa kaniya. "Hatid ko lang 'to tapos magtatanong kay Kapitana kung pwede ako makikain mamaya," sagot ko.
His smile grew wider that his eyes are almost closing. "Invited ka siyempre. Mamaya 'yon gabi, ha?"
My eyes widened. "Invited ka?"
He nodded. "Yes. Inuman daw 'yon sa tabing dagat. Ang alam ko pati ang mga dayo na nasa Sta. Monica ay inanyayahan din ni Kapitana."
Lalong nanlaki ang mata ko. Napatili ako at hinampas-hampas ang dibdib niyang matigas dahil sa sobrang excitement. Pupunta sina Poseidon mamaya! Oh my gosh. I really need to be there!
His arm went on my waist. Nasa pagitan pa ako ng selebrasyon ko para sa mangyayari mamaya at pagsaway sa kaniya nang marinig ang pamilyar na boses.
"Good morning. Nasaan si Kapitana?" His cold voice filled my ear.
Napalayo ako kay Ashton at agad tumakbo palapit kay Poseidon na gwapong-gwapo sa suot na crisp longsleeve top na kulay puti at slacks na itim. His eyes are smoldering, causing my smile to be small. Parang galit sa akin 'to?
"Hi, Poypoy!" bati ko sa kaniya.
Tila hindi niya man lang ako nakita at nakilala dahil suplado siyang umiwas ng tingin at nilampasan ako. Napanguso ako at nagmartsa pasunod sa kaniya. Kinalabit ko siya ngunit hindi man lang ako pinansin. Dire-diretso siyang pumasok sa office ni Kapitana.
"Salacia, 'yong tubig mula sa balde mo tumutulo na sa tiles," sermon sa akin ni Aling Beatrice na siyang janitress do'n.
Nanlaki ang mata ko at napahinto saka tinignan ang nilakaran ko. May butas ba ang timba ko?
"Sorry po! Ako na ang maglilinis!" Presinta ko at akmang aagawin sa kaniya ang mop ngunit masungit niya akong inilingan.
Napakamot ako at ibinilin na ang timba para idala sa maliit na kitchen do'n. Saka ko lang napagtanto na may kausap ako kanina nang lumapit sa akin si Ashton na may alanganin na ngiti.
"Ay, sorry!" saad ko at naglakad na para lumabas.
He followed me silently, then he cleared his throat. "Uh, gusto mo ba ang Poseidon na 'yon?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Lord Series #2: Drowned
Romance2/3 of Lord Series "I consider myself as the lord of the sea, but I can't even find her in the vastness and depth of it." Goddess Salacia is very much attracted to the man with a pair of dark blue eyes. She knew that she was drowned the moment their...