Truth
Bago tuluyang lumubog ang araw ay sinundo na si Azul para umuwi sa kanila. Ang mga mata niya ay malulungkot muli kahit ipilit niyang gawing seryoso ang mukha.
Mabigat man ang loob ko ay nakangiti na kinawayan ko siya bilang paalam. Tipid na ngiti lang ang isinukli niya. Nakabukas ang bintana ng sasakyan na sumundo sa kaniya kaya nakita ko kung paanong hindi niya ako nilubayan ng tingin hanggang sa nakalayo na sila nang tuluyan.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Paglingon ko sa tabi ko ay si Ma'am Leonora ang nakita ko na titig na titig sa akin.
"Bakit, Ma'am?" tanong ko.
Seryoso lang ang mukha niya nang nagsalita siya. "Ano'ng tingin mo kay Azul?"
"Batang super bait, talino, at behave."
Dahan-dahan siyang tumango. "Napamahal ka na ba sa kaniya?"
Hindi ko napigilan mapangiti. "Oo naman. Ako ang nag-alaga sa kaniya mula nang maka-recover ako. Batang-bata pa siya no'n. Kami lagi ang magkasama. Hindi ko maiwasan mapamahal sa bata," sagot ko.
Dati ay iniiwasan ko 'yon dahil nga alaga ko siya. Mas okay na maging maalaga na lang ako sa kaniya at huwag kong hayaan ang sarili na mahalin siya. Pero ngayon ay hindi ko na pipigilan ang sarili lalo na't magkadugo naman pala kami kahit kaunti. Pamangkin ko siya.
Natahimik siya at natulala. Hindi ko naman maiwasan na magtakha sa mga ikinikilos niya ngayon. Ibang-iba sa mga usual niyang ugali. Para siyang may malalim na iniisip ngayon, parang may mabigat na problema.
"Okay ka lang ba, Ma'am?" hindi ko na napigilan tanungin.
Hindi kaya dahil sa amin 'to ni Poseidon? Malamang nga ay nasaktan siya. Hindi ko rin naman kasi itatanggi na nagugustuhan ko si Poseidon. Aware din siya na espesyal ang tingin sa akin ng lalake. Kung maaari ko lang sabihin sa kaniya ang totoo na may nakaraan kasi kami at matagal na akong hinahanap ni Poseidon... baka sakali ay gumaan ang pakiramdam niya at mas maintindihan ang sitwasyon namin.
Sumulyap siya sa akin, seryoso ang mukha bago tumango at tinalikuran na ako.
"Magpahinga ka na. Wala na akong ipag-uutos," sabi niya bago ako iniwan sa entrada ng mansion.
Takha ko naman siyang sinundan ng tingin. Bago 'yon, ah? Nagkibit-balikat ako at tumungo na lang din sa sarili kong kwarto.
Kailan ko kaya makikita ulit si Poseidon? Tinulungan na kaya siya ni Hades para alamin ang mga itinagong impormasyon?
Pumikit ako at ibinagsak ang sarili sa kama. Hindi ako mapapagod hilingin na sana ay matapos na ang lahat ng 'to. Sana ay maging maayos na.
Nahihirapan na ako magkunwari na walang alam dahil sa kalooban ko, gustong-gusto ko ng komprontahin ang mga may pakana nito. Hindi ko palalagpasin ang lahat.
Wala nga siyang ipinag-utos sa akin magdamag. Kinabukasan ay maaga akong nagising katulad nang lagi kong ginagawa. Nasa labas ako ng kwarto niya at hinihintay ko siyang tawagin ako ngunit wala. Kaya kumatok na ako bago binuksan ang pinto.
Idinungaw ko ang ulo pagbukas ng pinto at naabutan ko siyang tinutuyo ang sariling buhok. Napatingin siya sa akin sa salamin at tinaasan ako ng kilay.
"Wala kang utos, Ma'am?"
Umiling siya at inirapan ako. "Obviously, wala. Ipinatawag ba kita?"
Napanguso ako sa sarkastiko niyang tono. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Umalis ka na! Do'n ka na sa baba!"
Napangiwi ako saka tumango at sinunod ang sinabi niya. Himala talaga. Dati, ni pagtuyo sa buhok niya ay iuutos pa sa akin. Nasanay ako sa sandamakmak na utos niya araw-araw kapag narito siya kaya ngayon ay naninibago ako. Mukhang iniiwasan niya ako.
BINABASA MO ANG
Lord Series #2: Drowned
عاطفية2/3 of Lord Series "I consider myself as the lord of the sea, but I can't even find her in the vastness and depth of it." Goddess Salacia is very much attracted to the man with a pair of dark blue eyes. She knew that she was drowned the moment their...