Chapter 1

13.2K 530 127
                                    

Dark blue

Pinanood ko ang marahas na paghampas ng alon sa dalampasigan. Umabot iyon sa walang sapin na paa ko. Ang kalawakan ng dagat sa harap ko ay halong asul at berde ang kulay. Pero ang mga hampas ng alon nito ay puting-puti na bumubulabog sa pinong buhangin na aking tinatapakan.

The waves are harsh and strong. Na kung hahayaan ko ang sarili na magpadala rito ay hihilain ako nito at muling itutulak, hindi sigurado kung saan ako dapat ilugar. I'll be in between the waves, for sure. Grasping to breath.

But that thought is not scaring me anymore. Matagal na akong nilulunod at pumapalag sa pagitan ng alon ng buhay.

"Hoy, nagse-senti ka?" Narinig ko na tanong ng pamilyar na boses.

Sinikup ko ang buhok na sumasabog dahil sa hangin. Nilingon ko si Diana Rose at inilingan siya.

"Iniisip ko lang kung paano kaya kapag naging isda ako," sagot ko sa kaniya at ngumisi.

Inirapan niya ako. "Ano na? Sa amin ka na kumain! Tanghali na, oh?" aniya. She scanned my body. "Nagpapa-tan ka ba? Ang init-init, nandito ka!"

"Hindi ko naman maramdaman masyado ang init ng araw dahil sa preskong hangin," I answered and shrugged. Tinalikuran ko ang dagat at naglakad na. "At huwag ka na mag-alala. May kakainan ako ngayon," saad ko at napahagikhik nang maisip ang gagawin.

"Ha? Saan naman? Bwesit kasi 'yang magnanakaw na 'yan, ikaw pa pinagnakawan. Pero 'di bale, nasa laot si Tatay. Bibigyan ka no'n kaya may maibebenta ka ulit," aniya.

Naglakad na kami pabalik sa mga kabayahan. The majority of the houses here are made of light materials. Ang bubong ay pawid tapos ang mga pader ay kawayan, kahoy o 'di kaya ay manipis na plywood. Kaya kapag bumagyo, nililipad talaga madalas ang mga bubong. Malas din sa panahon na gano'n 'yong may mga puno ng niyog sa tabi ng bahay kasi kapag bumagsak ang bunga, butas.

The trees and the sea here are both advantage and disadvantage. Pero mas pinipili ng lahat na makita ang positibo na epekto ng mga 'to.

"May feeding program ang purok natin. Magvo-volunteer ako," saad ko.

Nang maisip ang posible na oras na ay napatakbo ako. I heard Diana Rose calling me but I just waved my hand to acknowledge her. Tinakbo ko ang daan papunta sa maliit kong bahay.

"Oh, Salacia! Bakit ka tumatakbo?" tanong sa akin ni Mang Andoy.

"Mali-late na po ako!" sigaw ko at nagpatuloy na sa pagtakbo.

Ang bahay ko ay nasa dulo, malayo sa mga kabahayan. Ako lang mag-isa ro'n pero wala naman nangingialam sa akin dahil mababait ang mga taga-rito. Kaninang umaga lang talaga sa may bayan, nanakaw ang wallet ko.

Bumagal ang takbo ko nang matanaw na ang maliit kong bahay. Sa harap no'n ay dagat at magandang rock formation. Gusto ko kapag sunset dito dahil mistulang nagpapahinga ang araw sa mga batuhan na 'yon.

Kinalas ko ang kadena at binuksan ang pinto na gawa sa kawayan. Pumasok ako sa loob at hinanap ang tsinelas ko. Naghilamos ako ng mukha bago humarap sa salamin. Beads of water trickled on my face. I smiled at myself before tapping the towel on my face.

Sinuklay ko ang buhok. Mistulang umaalon ito nang maliliit mula sa tuktok. Natural na medyo brown ang buhok ko pero lumala dahil sa madalas na pagligo ko sa dagat. I think the water of the sea has an effect on hair. Nakaka-dry din kaya naman inaalagaan ko gamit ang niyog.

Tinupi ko ang panyo at ginawa kong headband. Inayos ko ang suot na puting off-shoulder na pinaresan ko ng bohemian skirt. I stared on my face and smirked.

Lord Series #2: DrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon