Chapter 10

6.3K 340 29
                                    

Home

I am clearly enjoying the days that are passing because I am losing my count on it. Halos hindi ko namalayan na pasukan na next next week. Na-realize ko na lang nang sinabihan ako ni Poseidon na ihanda na ang mga gamit ko dahil one of these days ay kukunin niya na ako para dalhin sa bahay niya sa may bayan, malapit sa papasukan ko na eskwelahan. I am excited and nervous at the same time. I am really looking forward to the new chapters of my life.

"Bibisita ka pa rin naman nang madalas, 'di ba?" tanong ni Diana Rose habang pinapanood ako na ipasok ang mga gamit ko sa aking bag. 

Pwede kasing mamaya o bukas, lilipat na ako. Abala pa kasi si Poseidon kaya medyo nade-delay lang at hindi rin naman ako nagmamadali. Naiisip ko rin kasi na siguradong mami-miss ko ang bahay na 'to.

"Oo naman, siyempre. Sa tuwing may free time ako. Malapit lang naman kahit papaano."

Lumabi siya ngunit unti-unting napangisi saka sinuklay-suklay ang mahaba kong buhok. "Kumusta naman kayo ni Poypoy mo? Ano na ganap."

Awtomatiko akong napangiti at tumigil sa ginagawa. Natulala pa ako habang inaalala ang mga pangyayari these past few days. Walang palya, puro padala sa akin ng pagkain. Kapag galing sa trabaho ay binibisita niya ako. Kaya naman dahil sa mga pangyayaring 'yon ay pakiramdam ko, nakalutang ako sa langit. He is not that very sweet and showy. Pormal pa rin siya at seryoso, but most of the time, I always caught him staring at me intensely. 

Kinikilig nga ako nang napagtanto na sa akin lang siya gano'n tumitig. 

Ngumisi ako. "Hindi ko na nga alam kung sino ang nanliligaw sa amin," I uttered and sighed dreamily.

"Tangeks, obvious naman na nililigawan ka ni Poseidon."

Napanguso ako nang bahagya at tinitigan siya. "Hindi naman siya nagpaalam at nagsasabi," sagot ko.

"Mas okay na 'yan, pinapakita naman sa gawa. Kaysa naman sa puro salita pero hindi naman kumikilos."

"Hindi ba pwede na both?" alanganin na tanong ko.

I would really prefer actions than words but without words, everything seems blurry. Paano pala kung assuming lang ako? E'di sa huli, kawawa ako at talagang lagapak ang heart ko. 

Pwede naman sigurong tanungin ko?  

The enrollment day came. Ako lang mag-isa dahil abala pa rin si Poseidon. He insisted to come with me but I refused. Kaya ko naman. Ayoko siyang abalahin sa trabaho niya o kung ano man na ginagawa niya.

Hinanap ko ang registrar's office para ipasa ang mga documents ko. Dala ko noon sa pagtakas ang iilan sa mahahalagang dokumento ko kaya wala namang problema. Ang iba naman ay school to school na ang proseso at sabi ni Poypoy ko, siya na ang bahala roon.

The lady on the registrar's office accepted my form. I patiently waited for anything that she would say. She glanced at me behind her eyeglasses then back to my form then back to my face again. Napayuko ako para mas magkatitigan kami.

"May problema po ba?" I asked politely.

Inayos niya ang salamin sa mata habang tila nangingiti. "Ikaw pala ang mag-e-enroll? Akala ko ay kapatid mo at ikaw lang ang nag-asikaso..." she said then chuckled.

I nodded and smiled. "Ako nga po. Wala naman akong kapatid," magalang ko pa ring sagot.

She eyed me then my off-shoulder top. Ang ngiti niya ay nanunuya na. "Maaga kang nabuntis, 'no, kaya matagal tumigil sa pag-aaral? Nineteen ka na, grade ten pa lang. Sa pananamit pa lang. Hay naku, mga kabataan talaga ngayon. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas."

Lord Series #2: DrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon