Chapter 6

6.2K 412 86
                                    

Sinful

Patuloy ang pagpaypay ko sa medyo maliit na baga na nasa uling upang mas lumaki iyon. Ulit tuloy sa pagpapaningas kasi binuhusan ni Aira ng tubig kanina, akala niya tapos na. May mga isda pa nga na iiihaw matapos ng barbeque.

"Hoy!"

Halos mapatalon ako nang may humila ng buhok ko. Paglingon ko ay nakita ko agad ang malaking mukha ni Kapitana. Napangiwi ako at kinamot ang anit na masakit. I rolled my eyes on her and focused again.

"Hindi pa tayo nagsisimula mauubos mo na 'yang barbeque!" sermon niya at tinuro ang hawak ko na stick na kaunti na lang ang karne na nakatusok. Tinuro din niya ang tatlong stick sa gilid na wala ng laman dahil nakain ko na.

"Nakakapagod kaya, Kapitana. Ginugutom ako sa pag-iihaw!" reklamo ko at inubos na ang nasa hawak ko na stick.

Agad akong umilag nang akmang kukurutin niya ako. Pinanlakihan niya ako ng mata at akmang aabutin muli pero umatras ako. Hinampas ko ng pamaypay kong karton ang kamay niya.

"Kapitana naman!" sigaw ko.

"Ikaw na bata ka! Pangpulutan din natin 'yan!"

I pouted. "Ang dami naman niyan, eh. Damot!"

"Aba't—"

Akma niya ulit akong kukurutin ngunit dumating si Ashton kaya nagpormal siya. Halos mapairap ako nang bumalik siya sa pagiging kagalang-galang niya kunwari.

"Good evening, Kapitana and Salacia," he greeted.

"Narito ka ba talaga para makisaya sa amin o para pumorma na naman kay Salacia?" tanong ni Kapitana habang naniningkit ang mga mata.

Ashton smiled shyly and scratched on his forehead. "Both?"

Napairap si Kapitana at ako naman ay napailing at tumutok sa ginagawa.

"Hay naku!" Kapitana scoffed and left while shaking her head.

"How can I help you, Goddess?" His gentle voice asked me.

Sinulyapan ko siya at nginitian bago iniabot sa kaniya ang pamaypay.

"Ayan, ikaw muna ang magpaypay kasi napapagod na ako," saad ko at nagpunas ng ilang butil ng pawis sa aking noo.

He chuckled and accepted it. I pulled the plastic chair that I saw and sat beside him.

"Kanina mo pa 'to ginagawa?" he asked.

I nodded and stood when I remembered something. Lumapit ako sa 'di kalayuan na table at pasimple na kumuha muli ng tatlong stick na may barbeque saka halos patakbo na bumalik sa pwesto namin kanina.

Nakatingin na sa akin si Ashton na natatawa habang tila nalilito sa kung ano man ang ginawa ko. I winked at him and handed him a stick of barbeque, ang dalawa ay akin.

"Hindi ba tayo malalagot nito?" he asked then chuckled.

I nudged at him. "Hindi 'yan. Utos mo kaya 'to!"

"What? No!" he laughed and shook his head.

I just grinned at him then I ate happily. Nang okay na ang ningas ay isinalang ko na ang mga iihawin na isda. Ashton helped me at magkasama namin iyon na binantayan.

"Sigurado ka ba na kakain ka talaga ng kanin, Salacia?" nakangiwi na tanong ni Kapitana habang inaayos na ang mesa.

Sa likod ng barangay hall ay may pavilion na gawa sa kawayan. Sa gitna noon ay may mahabang mesa na gawa rin sa kahoy atsaka plywood. Ang bubong ay pawid at mula rito ay tanaw ang mga kabahayan sa tabing-dagat. Dahil may mga bakanteng pwesto, makikita rin ang dagat sa malayo.

Lord Series #2: DrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon