Homey
The days are fast and passing like a blur when you enjoy every bit of it. Parang mas bumibilis pa ang oras lalo na't magkasama na kami palagi ni Poypoy ko except kapag nasa school ako at siya naman ay nasa trabaho. But it's fine with me since we still have a lot of time to spend together. Hindi naman mauubos.
"Enjoy your class, okay?" saad ni Poseidon nang nasa harap na kami ng school at itinigil na niya ang kotse. He's caressing my cheek while staring deeply in my eyes.
I grinned and nodded. "Siyempre. Mas lalo talaga akong sinisipag, Poypoy ko. Kailangan ko i-maintain ang grade ko para lagi akong top 2 sa klase kagaya no'ng first grading. Ngayong nalalapit na naman ang katapusan ng second grading, lalo akong ginaganahan."
He smiled a bit. "That's good but don't pressure yourself too much, Salacia."
I winked at him. "Siyempre hindi. No pressure kaya. Sige na, baka ma-late pa tayo pareho," saad ko.
He pulled me for a tight and long hug. Napapikit naman ako at isiniksik ang mukha sa kaniyang leeg. I sniffed on his neck and my addiction on his scent was satisfied.
"I love you. I'll see you later at home, okay?" he whispered.
Tumango ako at inilayo ang mukha sa kaniya. Ikinulong ko ang mga pisngi niya sa palad ko saka siya pinugpog ng halik sa mukha. Like the usual, I heard his small laughter. When I stopped, we stared on each other's eyes.
"I love you, too, Poypoy. Ingat ka sa work!" masigla kong saad.
Kumaway-kaway pa ako sa kotse niyang papalayo hanggang sa mawala na 'yon sa paningin ko. I sighed in contentment then I smiled before I started entering the campus.
I remember no'ng sinabi ko sa kaniya na top 2 ako sa klase. He's so proud of me and we celebrated with Diana Rose' family. Ang sarap sa pakiramdam na may mga tao na masaya para sa maliit kong tagumpay. Medyo nag-alangan pa nga ako na sabihin 'yon kay Poseidon kasi ano man lang ba 'yon kumpara sa marami niya ng tagumpay but he's so happy about it.
I guess I should really stop thinking about it. Iyong pag-compare ko lagi sa mga maliit na tagumpay ko sa mga naabot na ni Poseidon. I am too insecure that I am thinking that there is a competition between me and him. Na para maging worthy ako para sa kaniya ay kailangan kong pantayan lahat ng meron siya.
I feel guilty that I thought in that way. Samantalang si Poseidon ay laging iniisip ang kapakanan ko. Hindi niya pinaparamdam sa akin na may kailangan akong gawin para maging karapatdapat sa kaniya. He never made me feel that I need to prove something.
I am too conscious and anxious about it and I should stop. Ayoko na masira kami dahil sa mga overthinking ko. Ayoko na mag-away kami dahil lang sa mga bagay na iniisip ko na 'di naman nag-eexist.
My boyfriend is always assuring me and he makes me feel secured. Ang nakaraan ko lang talaga ang dahilan bakit nakakaramdam ako minsan nang mga ganoong bagay.
I would never let it ruin us.
"Good morning, Goddess Salacia," I heard someone greeted me.
Nilingon ko ang nasa gilid ko at nakita si Samuel. Nginitian ko siya samantalang nanatili naman na seryoso ang mukha niya.
"Bakit mo ako laging binabati sa buo kong pangalan?" natatawa kong tanong.
He just smiled a bit then shook his head.
"Alam mo, 'di mo na dapat ako hinahatid sa room ko tuwing umaga. Obviously, kaya ko naman," saad ko.
Nasabi ko na sa kaniya ang napakaselan naming boundary. Mas nag-iingat na rin ako ngayon lalo na alam ko na ang kondisyon ni Poypoy. I don't want to be a burden to him then trigger him, destroying all his effort in attending his therapies to be better.
BINABASA MO ANG
Lord Series #2: Drowned
Romance2/3 of Lord Series "I consider myself as the lord of the sea, but I can't even find her in the vastness and depth of it." Goddess Salacia is very much attracted to the man with a pair of dark blue eyes. She knew that she was drowned the moment their...