Breath
"Yaya Dessa, why are you crying? Please stop crying," pag-aalo niya sa akin.
Hinigpitan ko pa ang yakap sa kaniya at pilit kong ikinalma ang sarili. Hindi pwede na tuluyan akong mabasag dito lalo na sa harap niya. Kinagat ko ang labi para pigilin ang hikbi saka pinunasan ang sariling luha.
"Let's go. The driver is here. The helicopter isn't available so we will travel by land from here to Manila," rinig kong saad ni Hades matapos ang ilang sandali.
Lumayo ako kay Azul na naabutan ko ang nag-aalalang titig. Huminga ako nang malalim. Nginitian ko siya saka tinanguan.
"Tara na?" Inilahad ko sa kaniya ang kamay.
Kumurap siya at napasulyap sa daan pabalik sa mansion. Nilukob ng takot ang dibdib ko sa maaaring pagtanggi niya. Ngunit nang nilingon niya ako at hinawakan ang kamay ko ay nakahinga ako nang maluwag.
May dumating na driver at doon tumabi si Hades samantalang kami ay sa may likod nila. Inabutan niya ako ng makapal na kumot.
"We are going to have a long ride and I hope Poseidon is already going crazy," walang emosyon na saad ni Hades.
Halos mapangiwi ako. Si Azul naman ay naagaw ang atensyon sa sinabi ng kaibigan.
"You know someone named Poseidon, too? That's cool! My Tita Leonora has a friend with the same name."
Nilingon ko siya at mapait na napangiti. Iyon ang Papa mo Azul...
"Actually, they are the same person, Azul," sagot ni Hades.
Nanlaki ang mata ng bata saka ako nilingon. "Wow. What a small world, right, Yaya Dessa? Cassandro really knows a lot of things and people." Nabaling ulit ang tingin niya kay Hades. "You're smart and amazing, Cas!"
Tipid siyang nginitian ng lalake. Hindi ko napigilang ipulupot ang kamay sa katawan ng anak ko na nagpangiti sa kaniya. Binuklat niya ang kumot saka niya kinumutan ang sarili pati ako.
Humikab siya. "I'm still sleepy. Can I sleep?" tanong niya sa akin.
Agad akong tumango at ibinuka ang mga braso. Agad siyang sumandal sa akin at sumiksik sa dibdib ko. Tila hinaplos naman ang puso ko. Inayos ko ang kumot saka siya hinagkan sa ulo.
"Sleep well," bulong ko.
Maya-maya pa ay lumalim na ang kaniyang paghinga. Napapikit ako saka ipinahinga ang pisngi sa tuktok ng kaniyang ulo. Hindi pa rin ako makapaniwala na may anak kami at ngayon, hawak ko na siya.
Naging mariin ang pagpikit ko nang maisip kung paano kung hindi ako nahanap ni Poseidon. Mamumuhay ako sa buhay na 'yon nang hindi malalaman na may sarili akong anak. Humigpit ang yakap ko kay Azul. Ang sakit isipin ng mga maaaring kinahinatnan ng lahat.
Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang bahagyang natawa si Hades. Tinignan ko siya at mukha pa rin siyang weird sa paningin ko. 'Yung ang gwapo niya sobra tapos walang emosyon ang mukha, idagdag mo pa 'yung mga mata niya na parang alam lahat ng sekreto mo. Ang weird.
Nagtagpo ang mga mata namin. Ngumisi siya saglit saka pinatay ang kaniyang cellphone.
"Got from a source that Poseidon is already looking for you." Napailing siya. "He's going crazy... As he should."
Nakagat ko ang labi. "K-kawawa naman si—"
Walang emosyon siyang tumitig sa mga mata ko. "He deserves that. Sinaktan ka niya kanina lang, naaawa ka na ngayon?"
Tumango ako. "Naaawa pa rin ako, siyempre. Walang nakakaalam sa atin kung paano niya hinarap 'yung trahedya noon tapos ngayo—"
"Well, he's with Persephone. And if he would choose to keep being close with my woman, I might as well give him another tragedy. What do you think?"
BINABASA MO ANG
Lord Series #2: Drowned
Romance2/3 of Lord Series "I consider myself as the lord of the sea, but I can't even find her in the vastness and depth of it." Goddess Salacia is very much attracted to the man with a pair of dark blue eyes. She knew that she was drowned the moment their...