Chapter 19

5.1K 287 18
                                    

Trident

"You can call me Salacia," saad ko at tinanggap ang kamay niya.

Sandali lang 'yon at nagbitaw na rin agad kami. Diana Rose looks mesmerized and confused. Zeus glanced at the person behind me while handing me some big paperbags. Sa tingin ko pa lang doon ay mga mukhang mamahalin na, lagayan pa lang.

"These are for you."

Tinanggap ko 'yon at sinilip ang mga nasa loob. I saw clothes and shoes. Napakurap ako at tinignan siya.

"Kasama mo ba siya? Nasaan si Poypoy?" tanong ko. Ewan ko kung kinakabahan ako o ano. Halong galit at pagka-miss kasi ang nararamdaman ko para sa kaniya.

For a moment, Zeus looks confused like I said something foreign that he couldn't understand. Nagsalubong ang mga makakapal niyang kilay.

"Poypoy?" he asked.

"Poseidon."

"Oh!" Napatango siya at humalakhak.

Medyo natulala naman ako dahil lalo siyang gumagwapo kada kibot niya. Ang kaibigan ko nga ay napanganga na. I have seen him on pictures and I noticed that among them, Zeus is the most attractive. Pare-pareho silang mga gwapo kasama 'yung kaibigan nila na Evandro yata ang pangalan pero iba talaga ang hatak nitong nasa harap ko. Sobrang lakas ng appeal.

"Poypoy... Poseidon," he chuckled and shook his head. Inayos niya ang kaniyang relo at sumulyap muli sa tao na nasa likod ko. He pointed Ashton. "Boyfriend mo?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

Agad akong umiling at lumayo kay Ashton.

"Hindi! Si Poypoy ang boyfriend ko. Pinadala niya sayo 'to, 'di ba? Para sa akin." Ngumiti ako nang bahagya.

Napahaplos siya sa labi at tila lito ang mukha. "Oh, dalawa ang boyfriend mo?" aniya sa malisyosong tono.

Napangiwi na ako sa iritasyon. "Hindi nga. Loyal ako kay Poseidon. Ang kulit mo naman!" Inirapan ko siya na sinagot niya ng halakhak.

He eyed me amusedly then he smirked before turning his back. Napaatras si Diana Rose habang nakanganga pa rin at nakatitig sa lalake. Ako naman ay napakurap nang mapagtanto na aalis na siya.

"T-teka lang!" Humakbang ako para habulin siya. Hinarap niya ako at tumaas muli ang kilay. "Nasaan si Poseidon? Kasama niya ang babae niya, 'no?" tanong ko.

Malamang ay alam din nito ang tungkol sa engagement.

Napangisi siya nang nakakaloko bago tumango. "Oo. Mabuti at alam mo?" aniya bago kumindat at tuluyan ng umalis.

Napakunot ang noo ko at namuo na naman ang galit sa dibdib ko.

"May babae siya? Sabi ko na nga ba't sasaktan ka lang niya, Go—"

"Shut up, Ashton!" I shouted then I walked out.

Napaiyak ako habang naglalakad palayo para makauwi na. Naiwan ko rin si Diana Rose doon na star struck pa rin kay Zeus.

Napahikbi ako at pinahid ang mga luha na agad naman napapalitan ng bago. Sinulyapan ko ang mga dala na paperbag at kung pwede lang ay ibabato ko na 'to pero sayang pa rin naman dahil may halaga 'to.

Wala pa malamang si Poseidon at kasama ang babae niya. Bakit niya pa ako binigyan ng mga 'to? Pampalubag-loob sa nalaman ko na ginawa niya akong kabit at may fiancee na siya?

Hayop talaga! Argh, ang sarap mo ihagis sa dagat, Poseidon! Kapangalan ka lang ng Greek God pero hindi ka hari ng dagat!

Halos wala akong gana kumain at kumilos sa bahay namin. Parang lumala yata ang sitwasyon sa aming pagitan. Kahit inaway-away ko siya sa tawag no'ng nakaraang araw ay kinukumusta pa rin niya ako ss texts pero ngayon, hindi na. Simula nang magkita kami ni Zeus.

Lord Series #2: DrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon