Myth
Natigil ako sa paglalakad nang marinig ang usapan sa may umpukan. Ang mga chismosa ay nagbubulungan, ang aga-aga pa. Inayos ko ang paghawak sa bilao ko na may iilan pang isda at ang maliit na timba ko na wala ng laman.
"'Yong iba raw na dayo ay nasa barangay, ah?"
"Talaga po?" singit ko at nanlaki ang mata.
Napatingin sila sa akin at ang mukhang leader ay napangiwi sa biglaan kong pagsingit. Ngumiti ako nang matamis.
"Totoo ba 'yan?" tanong ko muli.
Umirap siya. "Oo! Totoo naman lagi ang mga balita ko!"
Napangisi ako nang maisip na may posibilidad na naroon si Poseidon ko. I raised my brow to the leader of the group.
"Laging totoo? Nasaan pala ang anak ko kung totoo 'yong chismis mo no'ng nakaraang taon na buntis ako?"
Hindi siya nakaimik at umismid lang. I giggled and walked away from the group. Babalik na ako sa may purok namin! Malapit lang do'n ang barangay. Do'n na ako magbebenta ng isda, pero may bibili ba ro'n kung halos mangingisda ang mga naroon?
But nevermind! I need to see my future boyfriend!
Malalaki ang hakbang ko pauwi. A lot of people greeted me. Karamihan sa mga bumabati sa akin ay may mga edad na. Ang mga ka-edad ko kasi ay madalas ako inaaway. Ang mga dalaga, karamihan ay mukhang insecure kasi siyempre marami ang nakakainggit sa akin. Sa mga binata naman, 'yong mga hindi pa sumubok sa akin manligaw at hindi pa nakaranas sa akin na ma-basted, sila ang mababait pa sa akin. But once I turn them down, they would join the team to hate me.
Gano'n ako ka-famous dito, maraming basher.
Malayo pa lang ay tanaw ko na ang mga tao sa labas ng barangay hall. Bumilis agad ang tibok ng puso ko nang masipat ang pamilyar na tindig. His arms are crossing while standing in front of Kapitana. May dalawa pa siyang kasama na medyo pamilyar, malamang ay kasama niya no'n sa sayawan kung saan ko siya unang beses na nakita. My eyes focused on him and my smile grew wider. Ang gwapo!
I made sure that I look presentable. Inayos ko ang off-shoulder ko, pati ang mahabang palda saka ang scarf ko sa ulo.
"Kapitana! Bili ka ng isda!" sigaw ko habang papalapit.
Napatingin silang apat sa akin. I smiled sweetly as my greeting. I stared on Poseidon and winked at him.
"Nandito ka pala, mahal ko. Isda, you want?" alok ko sa kaniya.
Napaubo ang dalawa niyang kasama. Nginitian ko sila na mga mukhang natatawa. Ang future boyfriend ko naman ay malamig lang ang titig sa akin, na parang isa akong mababang nilalang.
"Salacia! Umayos ka nga," bulong sa akin ni Kapitana at alanganin na tinignan ang tatlo. "Magpormal ka!"
I just smirked. The other two are just wearing shirt and jeans. Si Poseidon ko ay professional talaga ang datingan sa suot na black longsleeve polo at black slacks. His fair skin was emphasized by the darkness of his clothes. Kaya mas lalo ring kapansin-pansin ang pagiging asul ng mga mata niya. I sighed dramatically.
Nilingon ko si Kapitana. "Bili ka na kasi, Kapitana. Sige na. Hindi ka kuripot, 'di ba? Maawa ka sa akin na mamamayan mo na naghihikahos para lamang mabuhay." Napangiwi sa akin si Kapitana.
I heard someone cleared his throat. "Ako na lang ang bibili, Salacia. Magkano ba 'yan?"
Napalingon ako sa nagsalita, isa sa kasama ni Poseidon. My eyes widened. "Wow! Talaga? Sige, eighty pesos na lang 'to lahat!"
BINABASA MO ANG
Lord Series #2: Drowned
Romance2/3 of Lord Series "I consider myself as the lord of the sea, but I can't even find her in the vastness and depth of it." Goddess Salacia is very much attracted to the man with a pair of dark blue eyes. She knew that she was drowned the moment their...
