Picture
Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kahit nasa mansion na ulit ako. Ramdam ko pa rin ang panginginig nang bahagya dahil sa halong takot at pagkabigla sa nangyari. Mukha naman talagang mabait 'yung pogi na lalake na 'yon kaso 'yung ikinilos niya sa akin ay ikinatakot ko.
Ikaw ba naman tawagin sa ibang pangalan at yakapin nang biglaan!
Pero hindi ko rin mapigilan makaramdam ng awa sa kaniya. Mukha talagang napakalungkot niya at miserable. Iniwan ba siya ng babae na hinahanap niya? Kamukha ko talaga siguro dahil paniwalang-paniwala siya na ako nga 'yon.
Malabong ako 'yon. Dessa Alvarez ang pangalan ko base sa birth certificate na ipinakita sa akin. Anak ako ni Nanay Austria na dating mayordoma ng mga Figueroa pero pumanaw na rin ilang taon bago ako nawalan ng alaala. Kailanman ay hindi ako umalis dito sa probinsiya.
Sa mukha ng lalake na 'yon, tiyak na taga-Maynila iyon.
At bakit ko nga ba pinapalinawagan ang sariling utak? Feeling may jowa na pogi at mukhang yayamanin kasi.
Napabuntong-hininga ako. "Nababaliw ka na, Dessa," bulong ko sa sarili.
Kabado kong sinalubong si Ma'am Leonora nang papasok na siya sa mansion. Ang matalim niyang titig ang agad na bumungad sa akin. Nameywang siya sa harap ko.
"Saan ka ba pumunta? Ano, bigla kang tinamad kaya umalis ka?" iritado niyang tanong.
Napangiwi ako nang bahagya. "Sorry, Ma'am..." tanging nasabi ko.
"Hirap na hirap tuloy sina Ate Gloria at Bea. Naging bida tuloy si Divina!"
Mukha siyang inis na inis at para akong gustong sabunutan.
"Pasensya na po talaga, Ma'am. Sumama tiyan ko," palusot ko na lang.
Nakalimutan ko ang responsibilidad ko kanina dahil sa taranta at takot. 'Yung lalake na 'yon kasi, eh.
"Sumama tuloy si Atlas kay Divina doon sa kanila. Ang malas mo talaga, Dessa!" halos isigaw niya 'yon bago nagmartsa paalis.
Napakamot ako at sumunod sa kaniya. Nakita ko si Ate Gloria at walang boses na tinanong ako kung okay lang ako. Tinanguan ko lang siya at halos patakbo na hinabol si Ma'am Leonora. Kailangan na palagi akong nakasunod sa kaniya para ibigay lahat ng kailangan niya.
Buong gabi ay badtrip siya sa akin. Tuloy ay maya-maya ang utos niya, hindi naubusan. Kahit pwede naman ipagsabay ang dadalhin sa kaniya ay sinasadya niya na paisa-isa. Hinayaan ko na lang at sinusunod dahil may kasalanan naman talaga ako sa kaniya.
Hinatiran ko siya ng pagkain sa kwarto niya. Matalim pa rin ang titig niya nang mapatingin sa akin. Alanganin ko lang siyang nginitian.
"Umalis ka nga sa harap ko, nakakairita ka talaga. Ihanda mo 'yung bathtub, kailangan ko ma-relax. Imbyerna talaga ako!" aniya.
Agad akong sumunod sa utos niya. Inihanda ko ang bathtub at nilagyan nang maligamgam na tubig na ayon sa gusto niya. Binudburan ko rin no'ng mga kung anu-anong ipinapalagay niya na likido para mabango at relaxing. Sinabuyan ko rin ng rose petals 'yon, dagdag effort. Para naman 'di na siya magalit sa akin.
"E-engineer! Hi!"
Napahinto ako sa paghalo nang marinig ko ang matinis na boses ng amo ko. Binuksan ko ang pinto ng bathroom at sinilip siya. Malaki ang ngiti niya at napatayo na saka umikot-ikot sa kwarto niya habang nasa tenga ang hawak na cellphone.
Bigla ay nanlaki ang mata niya. "P-pupunta ka rito bukas?" tanong nila. Napapikit siya at walang boses na tumili. Napangiwi ako habang pinapanood siya na parang nababaliw na. "Bukas ng umaga?" paninigurado pa niya saka maarteng tumawa.
BINABASA MO ANG
Lord Series #2: Drowned
عاطفية2/3 of Lord Series "I consider myself as the lord of the sea, but I can't even find her in the vastness and depth of it." Goddess Salacia is very much attracted to the man with a pair of dark blue eyes. She knew that she was drowned the moment their...