Epilogue

14.2K 700 320
                                    

A/N: Not the kind of epilogue that you should have but for now, ito muna. This should be the special chapter and the epilogue is his POV from the start of the story kaso I am having a hard time at sa ngayon, ito lang ang kaya. Sorry for being late and thank you so much for understanding!

Drowned

I was awakened by our baby's cry. Naramdaman ko ang paggalaw ng asawa ko at bago pa man siya magising para tumayo ay inunahan ko na siya. Naalimpungatan siya at aakmang tatayo rin sana kaya marahan ko siyang hinawakan sa braso at itinulak pabalik sa paghiga.

"Shh, just sleep, baby. Ako na ang bahala," I whispered to her softly.

Napapikit siya ulit at napangiti. "Thank you..." sagot niya.

Napangiti na rin ako at hinalikan muna siya sa noo bago ako humakbang palapit sa crib ng anak namin. Salacia has a class tomorrow at alam kong hell week ngayon sa college. Ayokong mapuyat siya dahil aantukin siya sa klase.

I crouched down to see our daughter. She's crying loudly, probably hungry or her diaper is already full.

"Hi, Goddess Cascadia..." I whispered.

Kumunot lang ang noo niya sa akin at nagpatuloy sa pag-iyak.

Kinapa ko ang diaper niya at tama nga ang hinala ko kaya agad ko siyang binuhat. Nilinisan ko siya at pinalitan ang kaniyang diaper. Nang patuloy pa rin siya sa pag-iyak ay napagpasyahan ko ng lumabas sa kwarto namin para hindi maistorbo ang asawa ko.

"Are you hungry?" I asked while rubbing her back.

Bumaba ako at tumungo sa kusina. Pagtingin ko sa orasan ay alas-dos pa ng madaling araw.

I readied her milk with my one hand while I am carrying her with my other hand. Before giving it to her, I checked its temperature.

Paglapit na paglapit ko no'n sa bibig niya ay agad siyang sumipsip. I chuckled. Ang takaw talaga ng bunso namin.

I went to the living room and sat on the sofa so I could watch her. Binuksan ko rin ang mga ilaw.

Matapos niyang maubos ang gatas ay tumitig siya sa akin. Tinanggal ko 'yon mula sa bibig niya. Humagikhik siya kaya nakita ko ang iilan pa lang niyang ngipin. Napangiti ako at hinalik-halikan siya sa pisngi.

"Ah!" she giggled and clutched on my hair. Hinila-hila niya 'yon.

Napapikit ako at hindi na makagalaw dahil sa higpit ng hawak niya. "A-aww..."

"Daddy! Mom already told you not to let her pull your hair po. Mauubos ang hair mo kasi hindi niya bibitawan 'yan."

Napatingin ako sa gilid at hindi tuluyang makaangat dahil hawak ni Cascadia ang buhok ko. There, I saw our oldest daughter Goddess Tallulah staring at me with her arms crossed.

My forehead creased. "Why are you awake?" I asked. Halos mapangiwi ako nang hila-hilain ni Cascadia ang buhok ko habang tumatawa.

My daughter Tallulah seems disappointed when she shook her head then walked towards me. Puno ng pasensya niya na pinabuka ang kamay ni Cascadia para mapakawalan ang buhok ko.

"Come on, Cascadia... Let go of Daddy's hair. Wah! Bulaga!" Paglilibang niya sa kapatid.

Napangiti ako habang nakayuko. Listening to her sister, Cascadia finally let go of my hair. I sighed in relief and I looked at her face. She is raising her hands to her sister, wanting to be carried by Tallulah.

"Daddy I wanna carry her! Can I po?" Tallulah asked.

Tumayo ako at maingat na pinabuhat sa kaniya ang kapatid niya. Nanatili akong nakatayo sa tabi niya, handa para alalayan siya kung sakaling mahirapan.

Lord Series #2: DrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon