Chapter 30

6K 350 61
                                    

Force

"PSA ang tawag ngayon sa gano'n, Dessa. Pero malayo sa atin ang office nila kaya bakit hindi ka humingi ng copy direkta sa Local Civil Registry?" suhestiyon ni Ate Loisa. Kakapasok niya lang muli dahil sa wakas ay magaling na ang anak niya.

Tinignan ko ang lumang-luma na birth certificate na hawak ko. May iilang punit na 'yon sa gilid at may mga bahid ng mantsa. Doon nakalagay ang pangalan ko na Dessa pati na rin ang pangalan ng mga patay ko ng magulang.

"Para saan mo ba gagamitin?" takhang tanong ni Ate Gloria.

Napakurap ako bago siya nilingon. "Uh... gusto ko magpa-rehistro bilang botante," pagdadahilan ko.

"Baka naman tatanggapin pa 'yan..."

Tinitigan ko lang 'yon saka napabuntong-hininga. Alam ko naman na kumikilos na si Poseidon pero parang gusto ko rin gumawa ng sariling hakbang.

Kung hindi nga ako 'to, gusto kong malaman kung totoo ba na may naka-rehistro nga sa pangalan na 'to. Pero kung titignan ang kalumaan nito na mukhang matagal ng itinatago, mukhang totoo nga na may ganitong tao. Kaya paniwalang-paniwala ako noon dahil mukha talagang pinaglumaan ng panahon kasabay ng pagdagdag sa edad ko.

"Wow, gusto ng maging responsableng mamamayan ng Pilipinas," pagsingit ni Bea.

"Isa 'yan sa tungkulin natin, siyempre. Ikaw, botante ka na ba?" masungit na tanong ni Ate Gloria.

"Oo pero 'di ako bumuboto!" humalakhak siya. "Isa lang naman ako, ano'ng magagawa no'n."

Nginiwian ko siya. "Sa dami niyong nag-iisip ng ganiyan na minamaliit ang sariling boto, baka kaya niyo magpapanalo ng isang kandidato. Naku, umayos ka nga, Bea. Isa 'yan sa responsibilidad natin."

Inismiran niya ako. "Asus, ikaw nga, limang taon ka ngang walang ginagawa tungkol diyan. Dalawang botohan ang nalampasan mo!"

Natahimik kami nang biglang dumating si Ma'am Leonora dito sa kusina. Agad na nagsibalikan sa ginagawa ang mga kasama ko at ako naman ay napatayo mula sa upuan sa harap ng mesa. Ayos na ayos na naman siya at umaalingasaw ang matapang na pabango. Napangiwi ako at iniwas ang ilong.

Nakatutok ang mga mata niya sa kaniyang cellphone.

"Juice nga, Dessa," utos niya sa akin, hindi inaalis ang titig doon.

Agad naman akong tumalima para ibigay ang gusto niya. Umupo siya sa kaninang inuupuan ko.

"Parang gusto na lagi pumunta rito ni Engineer Thomas," aniya. Nakita kong nangingiti siya nang palapit na ako sa kaniya.

"Pupunta siya ngayon?" Hindi ko napigilang itanong saka inilapag sa harap niya ang baso na may juice.

Agad niya 'yon dinampot saka tumango habang sumisimsim doon. Pagkatapos ay inilapag niya 'yon at ngumiti.

"Kaso nga lang, sabi ko aalis ako. May meeting ako dahil may panibago akong project," aniya

Halos makalimutan ko na isa nga pala siyang Naval Architect. Kahit ganiyan siya umasta at minsan parang walang class, propesyonal siya. Mataas ang pinag-aralan.

"So... hindi?" paninigurado ko.

Dahan-dahan siyang napatingin sa akin saka ako pinaningkitan ng mga mata. Napatuwid ako saka tumikhim.

"Hindi kasi aalis nga ako, 'di ba? Sino pa pupuntahan niya rito, ikaw?" sarkastiko niyang tanong.

Hilaw akong napangisi saka umiling. Inirapan niya ako saka inubos na ang juice at tumayo.

"Iligpit mo 'yung kalat sa kwarto ko, ha?" paalala niya bago tuluyan ng umalis.

Bumuntong-hininga ako nang wala na siya. Hindi ko alam kung kasabwat ba si Ma'am Leonora sa mga nangyayaring 'to kung totoo nga na hindi ako si Dessa.

Lord Series #2: DrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon