Tears
Isinara ko ang huling butones ng aking blouse. Napangiti ako sa sarili sa salamin habang pinagmamasdan ang kabuuan. Umikot pa ako at lalong napangiti. Puting shortsleeve at fitted ang pang-itaas ng uniform ko na may dark blue necktie. The hem of the very dark blue skirt kissed the skin just above my knee. Ang itim ko na sapatos ay may isang inch na takong, mukhang mamahalin at sigurado nga na mamahalin dahil galing kay Poseidon. I giggled in excitement.
Today is the first day of my class!
Kaya mo 'yan, Salacia!
Dinampot ko ang kulay itim ko na sling bag at lumabas na ng bahay. I made sure that the door is locked, sunod ang gate, bago ako nagsimula ng maglakad. Walking distance lang naman ang school mula sa bahay na bago kong tinitirahan. Naninibago nga ako roon pero komportable naman. It is really big compare to my nipa hut. Tapos mag-isa pa ako.
Napanguso ako muli sa panghihinayang.
Bakit ba ayaw akong samahan ni Poseidon sa bahay na 'yon? Doon naman siya nakatira dati noong wala pa ako. Ngayon tuloy ay sa site na.
Hindi ko naman siya papakialaman. Pwede niyang i-lock ang pinto ng kwarto niya kung kabado siya sa akin. Hindi ko naman siya gagapangin kung hindi siya payag. Napahagikhik ako sa naisip.
Nang nasa school na ay inilabas ko ang registration form ko para malaman kung saang building ba ako at room. I walked around the campus. Katamtaman lang ang laki ng paaralan dahil private, unlike sa pinapasukan ko dati na public school. Tinignan ko ang mga nakakasalubong na estudyante at halata sa kanila na may mga sinabi sa buhay.
When I entered my classroom, I immediately felt that many eyes are looking at me. Taas-noo at dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa bandang dulo ng mga upuan. Tahimik akong umupo at luminga. Marami ang nakatingin sa akin.
"Block section 'to, bakit ka nandito?" the girl in front asked, in a not-so-friendly manner.
I smiled. "Kasi dito ang section ko?"
Ang katabi niya ay tumayo at pinagkrus ang braso. "Eh, block section nga kami, 'di mo narinig? Our teacher said na we won't accept newbies," maarte na saad ng isa.
Nanatili akong nakangiti at kalmado. "Pero it is stated here on my registration form na this is my section, eh," I answered with the same energy of her then waved the form.
Padabog na naglakad ang isa palapit sa akin. Tinignan ko lang siya noong marahas niyang inagaw sa akin ang papel na hawak ko. Ang ibang mukhang mga kaibigan niya sa harap ay tila mga 'mean girls' na nag-aabang sa sasabihin ng leader nila. Pabagsak na ibinalik ang form sa akin bago siya padabog na nagmartsa paalis. Halos mapairap ako nang lahat sila ay tinalikuran na ako.
What a bunch of awful girls. Wala pa akong limang minuto, pinuntirya na ako. Geez.
"Mukhang mainit mata nila sayo."
Nilingon ko ang katabi ko. Nagkatinginan kami. She is wearing a black jacket over her uniform. Ang ilalim ng mata niya ay may itim na eyeliner. Her lips is color black, too. Lalong tumingkad ang kaputian niya dahil sa mga kulay itim na detalye sa kaniya. She is munching her chips while holding a canned coke.
"Hi!" I greeted her. I feel light energy from her kahit mukha siyang gothic. "I am Salacia."
Ngumiti siya ng isang segundo, sunod ay balik sa walang emosyon. "Cool, we are the same."
My eyes widened a bit. "Same? Salacia rin ang pangalan mo?" I asked, surprised.
"Same first letter. I am Soda. My true name is Soraida but it sucks and I prefer Soda 'coz it is cool."
BINABASA MO ANG
Lord Series #2: Drowned
Romance2/3 of Lord Series "I consider myself as the lord of the sea, but I can't even find her in the vastness and depth of it." Goddess Salacia is very much attracted to the man with a pair of dark blue eyes. She knew that she was drowned the moment their...