Trident
Napailing-iling si Ma'am Leonora saka naglakad pabalik sa sala. Bumuntong-hininga ako at sumunod sa kaniya. Pumwesto ako sa gilid ng sofa na kinauupuan niya at halos matulala sa sariling pag-iisip.
"Dessa, ano ba 'yon? Ano'ng nangyari?" iritado niyang tanong na nagpabalik sa akin sa reyalidad. "Bakit gano'n kalala umakto si Poseidon sa ginawa sa'yo ni Samuel?"
Pinaglapat ko ang mga labi saka siya sinulyapan. Naiintindihan ko kung bakit nagtatakha na siya. Kahit sino naman ay mabibigla sa reaksyon ni Poseidon. Kung gusto niya akong protektahan bilang mabuting tao, pwede niya naman 'yon gawin. Pero ang nagawa niya ay higit pa roon. Dala 'yon ng galit at poot na malalim ang ugat.
Napatayo siya at pumunta sa harap ko. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa saka ipinagkrus ang mga braso.
"Baka naman nilalandi mo si Poseidon kapag hindi ako nakatingin kaya gano'n 'yon sa'yo umakto?" tumaas na ang boses niya.
Tinitigan ko siya. Paano ko ba ipapaliwanag sa kaniya ang katotohanan?
"Ano? Sumagot ka, Dessa? Nilalandi mo para magkagusto sayo tapos ayon, over-protective na towards you? Gano'n ang nangyari, 'no?"
Tila nang-iinsulto akong tinitigan ng mga mata niya. Matalim 'yon at hinuhusgahan ang pagkatao ko.
Umiling ako. "Hindi ko na siya kailangan landiin." Lumabas iyon sa bibig ko, hindi na napigilan.
Nanlaki ang mata niya sa pagkabigla sa pagsagot ko. "Wow! Over-confident ka rin naman. So, ano? May gusto ka nga ro'n? Nilandi mo kahit alam mo kung ano ang nararamdaman ko sa kaniya?"
Umiwas ako ng tingin. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi ko pinilit ang lahat ng 'to. Ni hindi ko rin inasahan na si Poseidon ang kasintahan ko. Na magugulo ang buhay ko ngayon dahil sa nakalimutan kong nakaraan.
"Hindi 'yon gano'n, Ma'am Leonora. Nirerespeto ko ang nararamdaman mo pero ano'ng magagawa ko kung may mga bagay na hindi ko naman kontrolado?"
Tumawa siya nang sarkastiko sunod ay may bahid na ng galit ang mga titig sa akin.
"Tigilan mo ako sa mga ganiyan mong salita, Dessa. Baka palayasin kita rito. Hindi kontrol? Alam mo no'ng una pa lang na gusto ko siya tapos ganiyan? May gusto ka rin sa kaniya at mukhang nakuha mo pa ang atensyon niya na matagal kong pinangarap. Ang landi-landi mo! Nakakairita ka!" sigaw niya sa akin at umakto siya na gusto niya akong sabunutan. Hindi ako kumibo at hinayaan siya na ilabas ang nararamdaman.
Ang mga mata niya ay namumula na dahil sa nagbabadyang luha. Hindi niya tinuloy ang balak na pananakit sa akin. Sumigaw siya bago mabibigat ang hakbang na iniwan ako paalis.
Napapikit ako nang mariin at umupo sa sofa. Ramdam ko na nasaktan ko talaga si Leonora pero hindi ko naman talaga sinasadya 'to.
Hindi ko na kailangan landiin si Poseidon gaya ng sinabi niya dahil ang lalakeng 'yon mismo ang naghahabol sa akin. May nakaraan kami na nakalimutan ko. Hindi ko siya inagaw dahil in the first place, magkasintahan na kami. Ang nangyayari ngayon ay binabawi niya ako sa lugar na inakala kong reyalidad ko.
Malamig ang pakikitungo ng amo ko sa akin pero hinayaan ko lang. Naiintindihan ko siya.
Sinusunod ko lang lahat ng utos niya kahit halatang pinag-iinitan niya ako. Paisa-isa na naman at walang katapusan. Tinanggap ko lang 'yon at agad na sinusunod matapos niyang sabihin.
"Aalis ako. Pinatawag ako ng pamilya ni Samuel, galit na galit ang Mommy niya," pagbasag niya sa katahimikan no'ng umaga.
Tahimik akong tumango at sinalinan ng orange juice ng baso niya.
BINABASA MO ANG
Lord Series #2: Drowned
Romance2/3 of Lord Series "I consider myself as the lord of the sea, but I can't even find her in the vastness and depth of it." Goddess Salacia is very much attracted to the man with a pair of dark blue eyes. She knew that she was drowned the moment their...