Chapter 16

5.2K 307 49
                                    

Knock

The following days are nothing but a bliss. Parang panaginip lang ang lahat. No'ng nakaraan, tamang papansin lang ako kay Poseidon, tapos ngayon, mag-jowa na kami.

Gano'n pa rin ang routine. Pagkatapos ng trabaho niya ay didiretso siya rito, sabay kami kakain tapos manonood ng movie bago siya umuwi. The only thing that changed is I can already cling to him.

Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya nang natapos na ang movie. I pouted and raised my head to see him. He's staring blankly to the television while he has the back of his hand on his lips. Isa sa mga mannerisms niya. Sana all hinahalikan.

Napangisi ako nang may maisip.

"Hindi ka pa rin ba lilipat dito?" I asked and forced myseld to pout to hide my naughty grin.

Bumaba ang titig niya sa akin sunod sa labi ko. His jaw clenched for a bit then he shook his head.

"Nah."

Tuluyan na akong napalabi saka napapadyak. "Sige na kasi! I want to try something, Poypoy ko."

Kinalas niya ang yakap at tumayo na.

"Stop it, Salacia. You don't know what you are asking for."

Masigla akong tumayo saka sumunod sa kaniya. Pinanood ko ang pagdampot niya ng susi at naglakad na para umalis. I made my steps bigger and I clung to his strong arm.

"Ay, bakit? Rough ka ba sa bed?" Sinundan ko 'yon ng hagikhik.

Marahas niya akong nilingon. "Salacia!" his voice roared.

Napalabi ako. "I mean cuddle kasi," I whispered.

Malungkot ang mukha ko habang pinapanood siyang lumabas ng gate. He eyed me then he shook his head. Humakbang siya palapit sa akin at hinila ako para sa isang yakap gamit ang isang kamay niya. He kissed me on my forehead.

"Good night, Salacia. Sleep well, okay?" he uttered.

I nodded. "Ingat ka at tulog well din."

He crouched a bit so our eyes can meet. "I'll text you once I am already on the site."

Dahan-dahan akong tumango. He gave me a peck on the lips. Gusto ko sana patagalin pero katulad ng lagi niyang ginagawa, lumalayo agad siya. Tinaasan niya ako ng kilay para sa naudlot kong plano. I rolled my eyes but he just chuckled then left.

Hinintay ko ang text niya bago ako natulog. I smiled before closing my eyes, knowing that I'll see him tomorrow morning.

Simula nang maging kami ay dumoble pa ang effort niya. He's waking up extra early just to pick me up and bring me to school.

Gusto pa nga niya na sunduin din ako pero pinigilan ko na siya dahil iiwan niya ang trabaho para doon. Magkikita rin naman kami for dinner. Pero sometimes, kapag maaga natapos ang trabaho niya, sinusundo niya talaga ako.

"Ang gwapo talaga ni Mr. Thomas," bulong ni Soda na lumapit sa akin agad nang bumaba ako sa kotse.

Hanggang gate lang niya ako hinahatid para madali rin siya makaalis.

"Boyfriend ko 'yan," bulong ko.

I grinned and waved my hand to my boyfriend. I even sent him a flying kiss and he just smirked then acted like he caught it. I sighed when his car is already gone from our sight.

"Bagay na bagay kayo. Kape at gatas, kalog at seryoso, tapos init at lamig. Perfect combo!" aniya.

Sabay kaming pumasok ng school at tumungo sa room namin. Binida ko kay Soda ang daloy ng relasyon namin at ang bata naman, kilig na kilig.

Lord Series #2: DrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon